32_Zj Villamor meets Edmundo Farr

45.8K 564 21
                                    

-ZOOEY

Pagkahatid ko kay Engot ay sumunod na ako sa kanila ni Jerome at sabay-sabay kaming nagpunta sa hotel na sinabi ni Martin. Sa hotel kung saan gaganapin ang welcome party para kay Edmundo Farr.

Nakasakay ako sa kotse ni Jerome dahil iniwan ko ang kotse ko sa bahay ni Kenneth. Nauna na ang mga kasamahan ko sa hotel. Si Martin din ang gumawa ng paraan para makapasok sila sa loob nang hindi sinisita.

Hindi rin naman pwedenv kaming lahat ang pumasok dahil mahahalata kaming mga outsiders. Hindi na kami kayang e-cover up pa ni Martin. Isa pa, ayokong pumasok. 

"Sigurado kang kaya mong mag-isa Zooey," tanong ng isang kasamahan ni Jrome.

"Kinaya ko ngang patumbahin kayong pito, si elEdmundo pa kaya na nag-iisa lang? Psx!" Sabi ko na nagpangiwi sa kanila. "Sa labas lang kayo ng hotel magtatambay. Si Edmundo lang naman ang kailangan kong harapin. Hindi na natin kailangang harapin silang lahat, pero maging handa kayo kung sakaling magkagulo."

"At your service, boss!" Sabi nong isang kasama namin sa likod na sumaludo pa sakin.

Ipinark na ni Jerome ang kotse malapit sa exit ng hotel. Bumaba na rin ako. "Baby, take care," pahabol na sabi niya at nagkantyawan naman ang mga kasama niya.

"Wooaaahhh---"

Natahimik silang lahat nang nilabas ko ang baril mula sa loob ng jacket at ipinakita sa kanila. Masyadong maingay! Naglakad ako papalapit sa taong naghihintay sakin. Ang taong magdadala sakin sa kwarto ni Edmundo.

"M-Miss Zooey, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Bakas ang kaba at takot sa nangungulubot ng mukha ni Martin habang nakatingin sa kotseng nilabasan ko. "Y-Yan lang ba ang kasama mo? Marami sila sa loob at meron ding bantay sa intrance. Baka pumalpak ka, w-wag---"

"Akala ko ba gusto mong makawala sa kanya?" Putol ko sa sasabihin niya. Mabilis naman siyang tumango. "Psx! Duwag. Hindi ako papalpak at sinisiguro ko yan sayo." Tinalikuran ko siya. "Kung papalpak man ako, sisiguruhin kong wala na si Edmundo."

"Panghahawakan ko yan. Follow me," parang nabuhayan ng loob na sabi niya. Inayos ko muna ang jacket ko bago sumunod. Mga apat na metro ang layo ko sa kanya. Napadaan kami sa gilid ng pinagdausan. Huminto ako nang kinausap Martin ang isang lalaking kalbo na nasa edad singkwenta. Pinapalibutan iro ng maraming armadong lalaki. Pailalim kong nilibot ng tingin ang paligid. Karamihan sa mga narito ay may baril na nakatago, lalong lalo na yong mga nakapaligid sa lalaking kalbo na kausap ni Martin.

May bumangga sakin, pag-angat ko ng tingin ay isang lalaking mahaba ang balbas. "I'm sorry," aniya. Kinindatan ako. Palihim ko siyang tinanguan. 'Si andrew!' Nakadisguise para magmukhang may edad na negosyante. Nakikita ko rin ang tatlo na iba sa karaniwan ang ayos at suot. 'Mga trip talaga ng mga to.' Lihim akong napailing bago sinundan ulit si Martin. Sumakay kami sa elevator may nakasama kaming mga lalaking armado rin sa loob. Sa pinakalikod ako pumwesto. Pagbukas ng elevator ay naunang lumabas ang mga kasama namin sa loob. Tumaas ulit ang elevator at saka lumabas si Martin at sa kaliwang banda nagtungo.

"Martin, where is your boss?"

Lumihis ako ng daan at sa kanan na direksiyon naglakad. Pamilyar sakin ang boses na yon, si Silverio. Patuloy lang ako sa paglakad, lumiko ako pakanan at doon muna nagtago. Kilala ako ni Silverio dahil racer na rin ako sa CARG, hindi niya ako pwedeng makita. Narinig ko silang nagtatawan. Pagkalipas ng tawanan ay lumabas ako. Wala na si Silverion. Nakita ko na kinakausap ni Martin ang tatlong lalaki sa harap ng isang pinto. Maya-maya ay nagtanguan sila. Nakasalubong ko pa ang tatlong lalaki. Pumasok sila sa elevator.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon