37_ vampire

44.4K 560 52
                                    

-ZOOEY

"Ano na!?" Sigaw ni Barako na nakatingin sakin.

"Arrgghh," napaigik si Engot dahil pinisil ni Jimboy ang leeg niyang dumudugo.

"Jerome," madiin kong pagbanggit sa pangalan ni Jerome. Masamang tingin ang binigay niya sakin at kasunod ay kay Engot. Labag sa loob na binitiwan niya si Barako.

"Ganyan nga," nakangising sabi ni Jimboy. Tinanggal na rin nong dalawang bakulaw ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Engot.

*PAAK!*

Nakatuon ang pansin ko kay Engot kaya hindi ko napansin ang paglapit ng isang bakulaw sakin at pahablot na inagaw ang baril sa kamay ko. 'Nalint*kan na!' Agad nitong ibinato ang baril kay Barako na nasalo naman ng huli.

*BLAAG!*

Napasubsob si Engot sa semento dahil tinulak siya ni Jimboy. Tinukod niya ang palad sa sahig at pinahid ang mukha gamit ang braso. Kita ko ang dugo sa braso niya galing sa bibig niya. 'P*ste! Nabungi pa yata!'

Ang kaninang nasa sahig na mga kasama ni Barako ay nagsipagtayuan na ngayon. Nasa mukha nila ang isang ngiting aso.

*BLAAG!*

Napaatras si Jerome. Hinampas siya ni Barako sa batok gamit ang baril. Umasta siyang tatayo pero tinadyakan siyang muli nito sa likod at tinutukan ng baril sa ulo. Siguradong sabog ang bungo ni Jerome kung manlaban siya dahil sa pagkakatanda ko ay nakasa ko yong baril kanina, n'ong nasa baba kami.

"Anong sinasabi mong papatayin mo ako!? G*go! Baka pasabugin ko yang bungo mong traydor ka!" Malakas na sigaw ni Barako kay Jerome. Nilingon niya ang ibang kasama at inutusang lumapit. "Itali niyo 'to!"

Tumalima naman ang dalawa sa bakulaw at pabalyang itinulak si Jerome sa isang tabi. Sinapak yong isa sa tropa ni Jerome at pinalo naman ng baseball bat sa likod si Andrew. Bagsak agad sila sa sahig. Lumapit yong isa pa sa tropa ni Jerome para gumanti pero sinalubong lang ng mukha nito ang bote ng beer.

Habang abala sila sa tabi ay nilapitan ko si Engot. Napaigtad siya nang hawakan ko sa braso. Hinila ko siya sa tabi at inupo sa tabi ni Alwin. "Psx!" Hinawakan ko ang leeg niyang may sugat at pinahiran ang dugo. Nakahinga naman ako nang makitang balat lang yong nasugatan.
Tinabig niya ang kamay ko at salubong ang kilay na hindi makatingin sakin. "Malayo sa bituka yan," sabi ko sa kanya. Kinulbit ko si Alwin sabay turo kay Engot. "Hoy, bantayan mo 'to."

"Yess, bos!"

Pagtingin ko kay Engot ay nakayuko siya. Hinawakan ko ang baba niya at inaangat paharap sakin ang mukha niya pero sa gilid parin siya nakatingin. Ano na naman kayang nangyari rito? Pero ang ipinagtataka ko ay kung pa'no napunta 'to rito, kung pa'no niya kami nasundan. "Mag-uusap tayo mamaya," sabi ko sa kanya bago tumayo at hinarap sila Barako. Tanging si Wayne, Jairus, Kenneth, at dalawang tropa ni Jerome ang nakatayo.

"Hala! Bugbugin yang mga 'yan at itira niyo itong babae!" Utos ni Barako sa mga bata niya. Nakakatakot ang laki ng boses niya.

Nilingon ko sandali si Engot. Nakakita ako ng takot sa mga mata niya habang nakatingin sa gawi namin. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay agad siyang yumuko pagkatapos akong bigyan ng masamang tingin. Pagbalik ng tingin ko sa harap ay ang nakangising mukha ni Barako ang nakita kong naglalakad papalapit sakin.

Sa isang pagkurap niya ay sinipa ko ang kamay niya. Kasabay ng pagtilapon ng baril sa ere ay ang pagganti nila Wayne. Galit na tumingin sakin si Barako dahil sa ginawa ko. Astang lalapit samin si Jimboy at ang isa pa pero sinenyasan niya itong manatili sa tabi ng nakalaylay na ang ulong si Jerome.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon