89

20.3K 512 109
                                    

ZOOEY

"Kumain ka na ba?" Lumitaw sa harapan ko si Wayne. "Zooey?" Nag-angat ako ng paningin sa kanya. "Tulala ka diyan," aniya.

Umiling ako. "Ano yan?" tukoy ko sa mga papel na hawak niya.

Mataman siyang tumitig sakin na parang may sasabihin at nagdadalawang-isip pa. "Wala 'to," aniya sabay tayo at halata sa kilos ang pagmamadali. "Mauuna na 'ko sayo."

"Saan lakad mo?"

"Sa hospital lang."

Sinundan ko siya ng tingin palabas. 'Hospital? Psx!' Umupo na rin ako sa harapan ng telebisyon. Simula nong magkaharap kami ni Lolo ay hindi muna ako lumabas.

'K-Kapatid k-kita?'

Umaalingawngaw na naman ang boses ni Lark sa isip ko. Alam na niya. Umalis din agad ako sa lugar na yon pagkatapos kahit hinabol ako ni Lark ay hindi ko siya pinakinggan.

Buong maghapon na naman akong nakatunganga sa kawalan. Nakakabinging katahimikan at nakakabagot na paghihintay na matapos ang araw. Sobrang dilim na sa labas pero wala parin si Wayne.

"Mga walang kwenta!" Pinatay ko ang telebisyon. Ako nalang mag-isa dahil umuwi yong matandang kasama ko rito.

Nahagip ng tingin ko ang pinto ng silid ni Wayne. "Psx!" Sa hospital daw ang punta pero may dalang baril at dalawang extra magazine. Pinasok ko ang silid niya.

'You are invited to the wedding anniversary of Mr. and Mrs. Gustavo Ivarra.'

"P*ste!" Ito yong mga papel na dala ni Wayne. May mga litrato din si Gustavo na kasama si . . . si S-Silverio sa hospital. 'Hindi ko man lang alam na gising na pala si Silverio!'

Marami na pala siyang alam at hindi sinasabi sakin. Marami akong natuklasan sa silid niya. Ang nakabook na flight ni Gustavo paalis ng bansa. Ang event ngayong gabi na 'to. Pati ang ilang matitibay na ebidensiya ay nasa kamay na rin pala niya. May litrato din si Zoorenz na hawak ni Kenneth.

'Lahat ay inilihim sakin ni Wayne!'

Nagmamaneho na ako patungo sa address na nababasa ko sa invitation card. Dala-dala ko ang mga papel na nakuha sa loob ng kwarto ni Wayne.

'Si Engot!'

May isang bagay pa akong natuklasan sa silid ni Wayne tungkol sa pagkatao ni Engor. Isang napakaimportanteng bagay na hindi ko malaman kung . . . 'Ikatutuwa ko ba o lalong ikababahala.'

Inabot ko ang baril sa dashboard ng sasakyan at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Halos paliparin ko na ang kotse patungo sa sinasabing hotel.

LORENZ

"Lark!" I said tapping his shoulder. He's not into himself lately. Obviously, something's bothering him. Tulad ngayon. Nilingon lang niya ako. "You're spacing out again."

"I'm sorry," he replied then walked away.

He's been like that. Simula noong araw na bumisita ang Lolo ni Zoo sa hospital. Since that day, everything became weird. Si Lola, si Lolo na laging galit at si Lark na parang wala sa sarili. I wonder why.

"Happy wedding anniversary, Kumpadre! How are you? I heard you've stayed in the hospital . . . "

"Thank you, amiga."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon