81

26.3K 542 74
                                    

LORENZ

"Bro!"

"Partz, gising!" Naramdaman ko na naman ang pagtapik ni Dexter sakin. Kanina ko pa naririnig ang panggigising ng mga kaibigan ko sakin pero hindi parin ako nagpatinag. 

"Anak ng--ano pala ang ginawa nito at ni Zooey sa labas kagabi at bagsak sa kama 'to?" Naririnig ko ang boses ni Lark na palayo na sakin.

Latang lata pa ang katawan ko sa kama. Pahirapan si Zoo kagabi. Pagkatapos sa balut ay kung anu ano pa ang hinihingi.

"Wala pa ba?"

"Tulog pa, Zooey," ani Lark.

"Gisingin niyo." Mas lalo ko naman na pinag-igihan ang pagtulug-tulugan pagkarinig sa boses ni Zoo.

"Bro, gumising ka na!"

"Hoy, partz! Nandito si Zooey."

"Tsk! Get up or I'll date your wife," sabat na ni Xandrick.

Maisip ko lang kung gaano ako nahirapan kagabi--papayag na akong e-date niya muna si Zoo. Natahimik sila at tanging mahihinang kaluskos lang ang maririnig. Natutukso na akong buksan ang isang mata at silipin sila.

"Holy Cow! Zooey!"

"Oh, my God--Zooey! Zooey, gising!"

"Partz, si Zoo--"

Agad akong napabalikwas ng bangon saka tarantang tumayo at astang lalabas nang makitang maayos naman na nakatayo si Zoo sa pinto at ang sama sama ng tingin sakin.

"He-he-he, good morning, mahal."

"Psx!" Inirapan niya ako sabay tinalikuran at umalis. Nagsibungisngisan naman ang mga kaibigan ko. 'Bwisit!'

Tumama ang unan sa ulo ko. "Ulol mo, bro! Bwahahaha!"

"Pucha! Anong tinira mo at nagtulug-tulugan ka? Hahahaha!"

"Mga siraulo kayo!" Pinulot ko rin ang unan at hinampas ang tatawa-tawang si Dexter at Lark. "Kapag si Zooey nagalit sakin--humanda kayong dalawa!"

"Anong kami? Bakit hindi kasali si Xandrick?" bulalas ni Lark na tinuro si Xandrick. "Siya ang may idea non!"

Naghahamon ang tingin ni Xandrick paglingon ko. Binalingan ko ang dalawa na hindi magkamayaw sa pagtawa. Si Xandrick naman ay tahimik na pumasok sa loob ng banyo para maligo.

* * *

"Bilisan mo naman!"

"Oo na nga."

"Psx! Palit nga tayo--ako diyan!"

Tinitigan ko si Zoo. "Usapan natin, huwag matigas ang ulo, mahal."

"Psx!" Nanulis lang ang nguso niya na pinagkrus ang braso sa dibdib. "Baka maubusan tayo," nagmamaktol niyang saad.

Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho habang naririnig ko ang panay niyang pagsinghal. Kanina pa siya nagrereklamo dahil sa bagal ng pagpapatakbo ko, nag-iingat lang naman ako. At gusto pa niyang siya na ang magmaneho.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon