20_he's worried

45.6K 552 13
                                    

ZOOEY 

Nanunuod lang ako habang nagsusuntukan sila sa harap ng bahay ni silverio. Pinapalibotan sila wayne ng mga lalaking yon.

Suntok dito, suntok doon. Palo dito, palo doon. Sipa dito, sipa doon. Halos hingal na hingal na ang mga kasama ko pati yong si jerome. 

'lahat ng kalaban, bagsak!' galing.

Lumapit na ako sa kanila at parang gusto kong humalakhak sa nakikita kong hitsura ng mga kasama ko. Lahat may pasa sa mukha at naghahabol ng hininga na parang aso. 

"mga pakialamero kasi!" nakangising sabi ko sa kanila.

"andyan na eh. Ano pa bang magagawa namin." pagdedepensa naman ni jairus habang minamassage ang mukha niya.

"salamat." maangas na sabi ni jerome sa mga kasama ko. Tinanguan naman siya ng mga kasama ko bago niya nilapitan si francheska. Dinuraan pa niya sa mukha si jimboy na ngayon ay nakaupong nakasandal sa gate nila francheska at nakalaylay pa yong ulo. 

Gising na din ang malanding anak ni silverio na ngayon ay pasuray-suray ng naglalakad papasok ng bahay habang inaalalayan ni jerome.

"wake up, you freak!!! Get the h*ll out of my house 'cause you two are fired!!! Now!!!" malakas na sigaw ni francheska sa mga guards nilang tulog.

Tumalikod na din ako para sundan ang mga kasama ko sa sasakyan. May humawak sa balikat ko, paglingon ko...

*paaaaaaakkkkk!!!!!* 

Agad akong napahawak sa panga ko at napapikit pa dahil sa sakit. Nilingon ko ang sumapak sakin at tinitigan ng masama, 

'putragis ka!' 

Kahit hirap ng tumayo ay nakangisi pa rin siyang tumingin sakin. Rinig ko pa ang tunog ng ngipin ko dahil sa pagtitimpi. Gigil ko siyang hinawakan sa kwelyo at agad sinapak din ng malakas, na ikinagulat naman niya.

"pagsisisihan mo kung bakit mo ako dinamay, tarant*do!!" 

Nang mapahiga na siya sa sahig ay inupuan ko siya at hindi tinigilan sa kakasapak. Dinig ko pa ang pagpipigil ng mga kasama ko sakin. 

"zj, tama na!" 

Gigil akong tumayo at sinipa na naman siya.

"zooey, ano ba!" sigaw ni wayne at hinawakan pa ako sa braso para pigilan.

*blllaaaaaaagggggggg*

Tinulak ko siya ng malakas. Tinignan ko pa ng masama ang iba ko pang kasama nang akma nila akong lapitan para pigilan. Tumigil sila sa paglakad at tinulungan nalang si wayne na makatayo.

Binalingan ko naman ang lalaking nakahandusay na sa harap ko at sinapa ulit ito sa panga! 

"arrrrrgggghhh, ta-ta-ha-mma na." hirap na sabi niya habang napapangiwi pa. Gigil ko namang inapakan ang bunganga niya. "aaaahhhhhh!!!"

*clinnnnnggggg* (tunog ng pagbukas ng gate)

"jimboy! Diyos ko, ang apo ako." 

Tumakbo papalapit yong sumigaw. Lumapit siya kay jimboy at hinawakan ito sa mukha. Gulat siya ng mapatingin sakin. Napapalunok pa siya habang tinitignan ang itsura ng apo niya at tumingin ulit sakin. 'si mang alfonso!'

"psx! Pasalamat ka't dumating ang lolo mo." sabi ko bago sila tinalikuran at nauna ng pumasok sa kotse. Sumunod naman agad ang mga kasama ko.

Habang daan pauwi ay tahimik lang kami. Ramdam ko ang pagkailang nila sakin dahil sa nakita at ginawa ko kanina.

Naririnig ko pa ang mahihina nilang daing dahil sa mga sugat na natamo. Hindi naman kami si batman kaya natural lang na matamaan din kami ng kalaban. Ang lamang lang namin sa kanila ay trained kami at sila naman ay sadyang mga basagulero lang.

Hindi kami nagkikibuan hanggang makarating kami sa bahay nila engot. Dumeritso ako ng baba at ibinagsak pasara ang pinto ng sasakyan.

"hindi na natin kailangan pa na pumunta sa bahay ni silverio dahil wala din naman siya. Sapat na rin yong mga ikenwento ni mang alfonso. Tatawagan ko nalang kayo, baka sa CARG nalang tayo magkita ulit." seryosong sabi ko sa kanila bago inakyat ang gate. "ingat pauwi." 

Naglakad na ako papasok ng bahay. Nagulat pa ako nang pagpihit ko sa frontdoor ay bukas ito. Hindi ko nalang pinansin at dumeritso na paakyat ng hagdan. Mag-aalas kwatro na din ng madaling araw, buti nalang hindi pa gising si amy.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon