87

19.8K 487 96
                                    

ZOOEY

Wala na ang Linksys. Ang lugar kung saan ako lumaki at natuto. Ang naging tahanan ko ng mahabang panahon. Kung nanghihinayang ako, mas lalo na si Sir Philip na hindi na makakalakad dahil nabagsakan ang mga binti ng nag-aapoy na cabinet.

Pati si Maria nadamay na walang alam at gusto lang magsanay. Dinalaw ko ito kagabi at nakikitawa na rin sa mga biruan ng ibang kasama sa kabila ng tinamo. Nandoon naman si Mario at Andrew para magbantay.

Nandito ako sa dating kinatatayuan ng Linksys na ngayon ay tupok na lahat. Ramdam pa ang init ng paligid na sanhi ng sunog. May konti pang usok sa mga natupok na bagay. Sa isang iglap, naging abo ang lahat-lahat. Mas malala pa ang hitsura nito kaysa sa nakita ko sa balita.

Maswerte parin pala ako kahit papaano. Kung hindi ako nadala sa hospital noong isang araw malamang nadamay ako sa sunog.

"Psx!"

Natakasan ko si Wayne kaya nakalabas ako ng hospital. Sumakay ako sa dumaang taxi patungo sa bahay nila Engot. Gulat ang dalawang bantay pagpasok ko sa gate at nagtuloy-tuloy sa loob.

Walang tao sa loob ng bahay nila Enhot. Dumiretso ako sa silid at kinuha lahat ng gamit ko. Nagtatagis ang ngipin ko sa galit na gusto kong mag-amok kung hindi ko lang inaalala ang bilin ng doktor na kontrolin ang emosyon ko. Paglabas ko ng silid ay nakasalubong ko rin si Amy na paakyat karga si Zoorenz.

"Mama!" anang bata na itinataas ang dalawang kamay sakin. Kinuha ko ang bata.

"Ma'am Zooey, saan po kayo pupunta?" Nakasunod sakin sa Amy hanggang pababa ng hagdan.

"Where the h*ll are you taking him?" Dumagundong na naman ang boses ng matandang Moni sa loob ng bahay. "Amy, kunin mo ang apo ko," utos nito. Binantaan ko ng tingin si Amy nang lumapit. "Amy!"

"Subukan mong lumapit at sasapakin kita!" Mahigpit kong hinawakan si Zoorenz.

"Amy! I said get my grandson from that woman!"

"S-Senyora?" Gulong-gulo si Amy na hindi alam ang gagawin. "Ma'am Zooey, akin na po."

Todo kapit ang bata sa leeg ko nang lumapit si Amy. Hindi naman ako makalabas dahil nakaharang sa pinto ang matandang Moni.

"M-Mahal . . . mahal?"

Natigil ako sa pag-atras. Nasa itaas ng hagdan si Engot na katabi ang Mommy niyang namumugto ang mata. Mabilis siyang nakababa ng hagdan at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank God, you're okay."

Naiipit na si Zoorenz sa pagitan namin kaya ngumangawa na. Lumayo si Engot at hinawakan ang magkabilang-braso ko.

"N-Nasunog ang Link--" natigilan siya nang makita ang mga gamit ko. Napapalunok siyang tumingin sakin. "What's the meaning of this?"

Hinawakan ko sa kamay si Engot at puno ng determinasyon ang mukha. "Sumama ka na sakin."

"Hindi!" Dumagundong ulit ang boses ni Lola Moni. Galit itong lumapit at hinila ang kamay ni Engot. Hindi pa siya nakontento at inagaw si Zoorenz sakin. "Give him back!" Nag-aagawan kaming dalawa sa bata dahil hindi ko rin bibitawan si Zoorenz.

"Mama!" Umawat na ang mommy ni Engot dahil si Engot parang naestatwa na sa kinatatayuan niya.

"Akin na sabi!" Napaatras ako dahil tinulak ako ng matanda.

"Hindi kita papatulan dahil matanda ka na," saad ko kay Lola Moni. Nanlilisik ang mata nitong lumapit sakin. Napasinghap ako nang mabilis na dumapo sa pisngi ko ang palad nito.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon