Chapter 4 (It might be you)

37.6K 279 99
  • Dedicated kay Lyn Aristan and Jackie Varquez
                                    

Chapter 4

Please play the music video on the right screen. 

   Halos pagpawisan si Celine sa kahahanap ng sobreng may lamang pera sa bag niya nang maalala niya na nailagay pala niya ito sa secret pocket ng jacket niya.

   "Hay salamat at nakita ko rin. Hay Celine nagiging makakalimutan ka na." Sabi niya sa sarili.

   "Mr. Ventura, ito na iyong utang ko sa iyo kanina sa restaurant," inabot niya ang pera sa lalaking kasalukuyang nagbabasa ng Fortune magazine.

   Lumingon muna ito sa matandang babaeng nakakunot ang noong nagtataka nang marinig ang paggamit ni Celine sa apelyido ni Liam.

   "What's with this Mr. Ventura thing? Hon, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" Para itong maamong tupa kung makatingin.

   Talagang may paglalamayan ang mga Ventura pag hindi pa ito tumigil! Kumukulo ang dugo ni Celine sa katabing lalake.

   "Pasensiya na kayo kung nakikialam ako sa away ninyong mag-asawa pero hindi ako makatiis na nakikitang naghihirap ang asawa mo, hija. Parang apo na ang tingin ko kasi sa inyong dalawa. Hija, magbati na kayo. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo, para namang taos-puso ang pagsisisi niya," naaawa itong tumingin kay Liam na malungkot na nakatingin sa kanya.

   "Lola, hindi ko po asawa iyang hudas barabas na iyan," nabubuwisit na sabi ni Celine.

   "Honey! You are really hurting my feelings now," lalong lumungkot ang itsura nito.

   Parang gustong sumpungin ng hika si Celine sa nangyayari. 

   Nasa Twilight Zone ba ako? Anong nangyayari sa lalaking ito? Hindi na ito paglalamayan dahil ibabaon ko na ito ng buhay pag hindi pa ito tumigil! Nagiinit na ang mga tainga niya sa galit.

   "Hija, sige na maawa ka na sa kanya. Maiksi lang ang buhay natin, ipakita mo sa taong importante sa iyo kung gaano mo ito kamahal bago mahuli ang lahat."

   "L-Lola, n-nababaliw na iy___" nagkandautal-utal na siya sa ngitngit nang pinutol na naman nito ang sasabihin niya.

   "Hon, let's just kiss ang make-up, okay? Hmmm?" Bago pa nahulaan ni Celine ang gagawin nito ay siniil na siya nito ng halik sa labi. Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya at pagdaloy ng ilang libong boltahe ng kuryente sa buong katawan niya.

   "Yes! Panalo ang manok ko!" masayang bulalas ng matandang babae. Pumalakpak pa ito.

   Tinulak ni Celine ang dibdib ni Liam. Sa tindi ng galit at pagkahiya ay napahagulgol ang dalaga.

   Hindi nakakibo si Liam sa nakita. Kahit siya ay nagulat sa ginawa niyang paghalik kay Celine. May magnetong humihila sa kanya sa babaeng ito na hindi niya maintindihan. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong uri ng damdamin sa buong buhay niya. Marami na siyang naging girlfriends, flings, ka-affairs pero kahit minsan ay hindi naging sangkot ang puso niya. "I'm so sorry, Celine. I did not mean to hurt you," seryoso niyang sabi sa dalaga. Nang sinubukan niyang hawakan ang kamay nito ay galit na iniwaksi ito ng dalaga.

   "Don't talk to me," asik ni Celine.

   "Sorry na please."

   "I said don't speak to me right now!" singhal uli ni Celine. Ay saka pinahid nito ang mga luha gamit ang kanang palad nang hindi makita ang tissue.

   "Ladies and gentlement, we have just been cleared to land at the JFK International Airport. We'd like to thank you for flying with United AIrlines today."

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon