Smell's like beer

605 27 3
                                    

A soft gasp was locked inside Chandria's mouth when Daniel suddenly crushed her lips with his. He pushed his tongue inside her mouth. His kisses weren't gentle this time. It was rough and forceful. Chandria could already sense the familiar taste of blood in her mouth. Daniel has, perhaps, put all his anger into that kiss. She was panting hard when he let go of her lips.

"You said you were tired." mahinahong sambit ni Daniel ngunit may bahid ng uyam ang tono nito.

Chandria's mouth slightly parted as she thought of explaining, but she suddenly lost words to say. She remained silent in front of Daniel, feeling her knees weaken as he bore his raging gaze on her.

"I can't believe you had me fooled by that stupid alibi!" Napaigtad si Chandria nang sipain ni Daniel ng malakas ang gulong ng kotse nito.

Ginulo ni Daniel ang sarili nitong buhok at marahas na bumuga ng hininga. Napayuko na lamang si Chandria at kinagat ang ibabang labi. Kating-kati siyang klaruhin kay Daniel na wala sa intensyon niya ang magpunta dito. Pero hindi niya ito magawa sapagkat pinapangunahan siya ng kaba at takot. Nanginginig ang tuhod ni Kira. Gusto niyang lumapit kay Daniel pero hindi niya maigalaw ang kanyang paa.

"You know what, Chandria? I thought you changed." Pagak na tumawa si Daniel. "But look at you! You're still that woman who doesn't value her feminity."

Naninikip ang puso ni Chandria sa bawat salitang narinig niya kay Daniel. Nangilid ang luha sa kanyang mata. Nawawalan si Chandria ng lakas ngunit pinilit niyang humakbang palapit kay Daniel. Isang malakas na tunog ang narinig ni Chandria nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi ni Daniel.

Nanlaki ang mata ni Daniel kasabay ng paghawak nito sa parteng nasampal niya. Halatang nagulat ang binata. Dumapo ang malamig na tingin ni Daniel kay Chandria pagkatapos. Ngunit nang makita nito ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Chandria ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Sandaling natahimik ang dalawa. Ang tanging naririnig sa lugar ay ang paghikbi ni Chandria at ang malakas na tugtog mula sa loob ng bar. Nabasag lamang ang katahimikan ng muling magsalita si Chandria.

 

"Gago ka, Engr. Ford." sarkastikong sambit ni Chandria habang umiiling. Sa pagitan ng bawat hikbi ay pinipilit niyang magsalita nang maayos upang ilabas ang kanyang saloobin. "I gave you my first! I didn't just spread my legs to any other man but you, because I reserved myself exclusively for you. Now tell me, isn't that enough to say that I value myself as a woman?"

Piniharan ni Chandria ang luha sa kanyang pisngi. Tumigil siya sa paghikbi. Naghintay siya ng sagot ngunit wala siyang narinig mula kay Daniel. Akmang hahakbang ang binata palapit sa kanya ngunit muli itong umatras.

Marahas na bumuga ng hininga si Daniel at binuksan ang pinto ng kotse sa gilid nito. "Sakay."

Mariing naglapat ang labi ni Chandria. Sinundan niya ng tingin ang pagtalikod ng binata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Umikot ito sa kabilang gilid. Narinig niya ang padabog na pagbukas-sarado ng pinto ng kotse sa kabila.

Ilang segundo rin siyang nanatiling nakatayo sa gilid ng kotse nito. Tinitigan niya ang nakabukas na pinto. Nagdadalawang-isip si Chandria kung susundin niya ang binata o tatakasan niya ito at babalik sa bar. Sa huli, nang marinig ang busina ng kotse, pinili niyang harapin ang galit ni Daniel.

Naabutan niya si Daniel na nakatitig sa dashboard. Magkasalubong ang mga kilay nito. Bumabakat na sa kamay ni Daniel ang ugat nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela. Mukhang may malalim itong iniisip.

Tumikhim si Chandria. Doon lamang napansin ni Daniel ang presensiya niya. Sandali itong sumulyap sa kanya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse palayo sa The Lounge.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now