My Dan

701 35 3
                                    


Sinundo nila ang kapatid ni Daniel sa eskwelahan nito pagkatapos. Magkakilala na sila dati pa at tuwang-tuwa ito na makita siya. Habang nasa biyahe sila patungo sa malapit na fastfood ay walang putol ang kanilang naging usapan.

Hawak ni Aliyah ang kanang kamay niya at nasa likuran naman si Daniel. She was supposed to shove away Aliyah's grip but something's blocking her from doing it. The little girl's touch seems to affect her feelings. All of a sudden, she felt... cared?

Tahimik silang lumabas sa fastfood restaurant at mabilis na narating ang pwesto kung saan nakapark ang kotse ni Daniel. Nabasag lamang ang katahimikan nilang tatlo nang biglang magsalita si Aliyah sa kanyang tabi.

"Ate Chandria, gusto mong palit tayo ng seat?" Yumuko siya nang bahagya upang makita ang mukha nito. Kumikibot pa ang labi ng bata habang patuloy itong nagsasalita. "I want to be at the backseat kasi. Payag ka po, please."

She doesn't want to abuse Daniel's little sister's offer, but she doesn't want to waste the chance either. She was literally torn apart. It's frustrating the hell out of her. And the heat of the sun rays touching her skin has brought no help.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot o kung paano sasagutin ang tanong ni Aliyah. Of course she wants that proposition, but does Daniel want it? Probably, he would disagree.

Inilihis ni Chandria ang kanyang tingin patungo kay Daniel na ngayon ay nakatingin din sa kanilang dalawa ni Aliyah habang nakapatong ang siko nito sa nakabukas na pinto ng kotse. Blangko ang ekspresyon sa mukha nito.

Tinaasan niya ng kilay si Daniel. Iyon ay pagpapahiwatig na kailangan niya ng permiso mula dito. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang pagbuka ng labi nito. Inaasahan niya ang hindi nito pagpayag. Pero napabuga na lamang ng hangin si Chandria nang makita ang marahang pagtango ni Daniel bago ito pumasok sa sariling kotse.

"Ate, Kuya agreed already so we can now swap seats po. Let's go inside na, ate." Rinig niyang sambit ng bata bago nito binuksan ang pinto ng backseat.

Hinintay niya munang sumara ang pintong binuksan ni Aliyah bago tuluyang pumasok sa kotse. Nang maupo siya sa passenger seat ay agad nang pinaharurot ni Daniel ang kotse pabalik sa daan papunta sa skwelahan ni Aliyah.

Habang nasa daan, walang imik si Daniel. Nakatutok lamang ang mga atensiyon nito sa pagmamaneho. Ni hindi ito sumusulyap sa kanya.

Si Chandria at Aliyah ang nagdadala ng ingay sa loob ng kotse. Panay lamang ang kwentuhan nilang dalawa. They were just exchanging words and throwing voices at each other since they can't talk face to face.

The seat is absolutely blocking Chandria's view. And she's never gonna twist her body and lean on the side just to watch Aliyah talk. She would surely lose her poise. And that's a no no. To become a real bitch, you need to maintain a poise. Not that lady-like nor the girly, but the sexy one.

"Ate, bakit mo po pinagalitan 'yong waiter kanina?" Muling narinig ni Chandria ang boses ni Aliyah.

Biglang nag-init ang ulo niya nang maalala ang mukha ng bading na waiter. Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis dahil sa pagkalandi nito. She was stupid for letting that guy go just like that. She should have stood up on her seat and pour him a glass of icy coke.

Nagkasalubong ang kilay niChandria. "That gay deserved it! Ang lakas ng loob niyang pagnasaan si Dan ko sa mismong harapan ko."

"Dan ko?" Puno ng kuryosidad na wika ni Aliyah. "Sino si Dan, ate?"

Sumulyap lamang siya sa rearview mirror upang matignan ang mukha ng bata. "Your Kuya."

"Bakit Dan ang nickname mo sa kanya? Iyong mga kaibigan ni Kuya, they call him Daniel or Marky It sounds gay, right?"

"Don't listen to my crazy sis, Chandria." Danielbroke his own silence with a grunt.

From the rearview mirror, Chandria's gaze went on to Daniel's face when she heard him groaned. His face was still on the road so she can only see half of his face. But she can still see his jaw clenching and forehead knotting on the side.

"Yeah. It sounded a bit girly. Like, hey there Marky?" she mocked using her oh-so flirtatious voice.

Narinig niya ang hagikhik ni Aliyah mula sa likuran. At hindi nakatakas sa kanyang tingin ang madaling pagsulyap ni Daniel sa kanya habang pinapatamaan siya nito ng matalim na tingin.

Imbes na matakot sa iritasyong nakikita niya sa mata ni Daniel, tinaasan niya lang ito ng kilay. Agad din namang binawi ni Daniel ang tingin nito kaya sumandal na lamang si Chandria sa kanyang seat at ipinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng sariling dibdib.

There was silence inside the car until Chandria remembered that she was not able to state her answer to Aliyah's question. Oh well, it's about why she's calling Daniel as Danㅡone of the topics she is proud to discuss.

She cleared her throat before she started talking again. "You know why I call your Kuya my Dan?" She stopped for a second and turned her gaze towards Daniel whose eyes are currently focused on the road. "I call her my Dan because she's mine and I like him."

"Really? Crush mo po si Kuya Daniel?" Puno ng sigla ang boses ni Aliyah. "Ate Chandria, alam mo bang iniimagine ko po kanina na ikaw ang mommy ko at si Kuya naman ang daddy tapos ako ang anak niyong dalawa."

Hindi niya mapigilang kiligin dahil sa narinig. "Talaga? Bagay kami, ano?" Tanong niya kay Aliyah habang nakatutok ang tingin niya sa repleksyon nito sa salamin. Hindi man niya tapunan ng tingin si Daniel, nakikita niya sa gilid ng kanyang mata ang pamumula ng mga tenga nito.

"Oo naman po. Kaso..." biglang humina ang boses nito. "Si Kuya, isa lang daw naging crush niya. Sinabi niya iyon sa akin when I was still seven years old. Isang babae lang talaga. Dino-drawing pa nga daw ni Kuya ang babae. But then, may nangyari na bad. Then, ayun, naging hate na ni Kuya 'yong girl."

Sa unang parte ng pagkukwento ni Aliyah nakaramdam siya ng selos sa babaeng iyon. Maybe she's too good since Daniel had liked her. He even invested his effort and time to draw that stupid girl. But when she heard that Daniel's already hating her now. It's a good news.


"Did you know her name?" Chandria asked, wanting to have a bit of information about that girl. You know, for her own evil purposes.

"I can't remember na sinabi ni Kuya ang pangalan ng crush niya dati. Pero sabi niya friend daw sila ngㅡ"

Pareho silang napasinghap ni Aliyah nang bigla na lamang huminto ang kotse. At isa na namang malakas na tikhim ang narinig sa loob ng kotse.

"Aliyah, tama na iyan." Napalingon siya kay Daniel nang marinig ang seryosong boses nito. "Bumaba ka na. Malapit nang sumara ang gate ng school niyo."

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now