Memorial park

511 22 3
                                    

"Where are you taking me?!" nauuyam niyang tanong sa likod ni Daniel.

Hinila siya ng binata patungo sa kotse nito. Nagpupumiglas si Chandria ngunit hindi siya makawala sa mahigpit na kapit ni Daniel sa pulsuhan niya. Sumasakit na ang kamay ni Chandria at namumula na ito kaya mahina siyang napapa-ungot.

Hindi pa nga natutunaw sa kanyang isipan ang isiniwalat ni Daniel kanina ay binibigyan na naman siya nito ng bagong isipin. Dinadala na naman siya nito sa bagong sitwasyon. This will be another adjustment, for certain. Well, whatever it may be and whatever he meant by that "you ruined my family" statement of his, she'll find a way to figure it out soon.

Lumingon si Daniel sa gawi niya. Bahagyang umawang ang labi ni Chandria nang sinamaan siya ni Daniel ng tingin bago nito binuksan ang pinto ng kotse sa gilid ng shotgun seat.

"Stop asking questions and just go with me." seryosong wika ni Daniel at marahas na sinalampak papasok.

Isang malakas na singhap ang lumabas sa bibig ni Chandria nang padabog na isara ni Daniel ang pinto ng kotse. Kanina lang ay inaasar pa niya ito ngunit ngayon siya na ang naaagrabyado sa ginagawa nito. Mali yata ang ginawa niyang pagsasatinig na gusto niya maangkin ang binata. Look where it have gotten her now!

Hindi nagsalita si Daniel nang ito'y pumasok sa kotse. Ni hindi ito sumulyap sa gawi niya. Gaya ng dati, nangungunot na naman ang noo nito at mabigat din ang paghinga nito na para bang may pinipigilang sumabog sa loob.

Tahimik ang naging biyahe nila. Hindi na rin nagtanong si Chandria kung saan sila pupunta ngayon. Nakikipagkwentuhan nalang din siya kay Vince sa text para kahit papaano'y mawala ang boredom niya.

"What are we doing here?" kunot-noong tanong ni Chandria nang makitang pinarada ni Daniel ang kotse nito sa gilid ng dalawang sasakyan sa harap ng mall.

Tumikhim lamang si Daniel habang tinatanggal ang seatbelt. "Mainit pa ngayon sa pupuntahan natin. Ayaw mo naman sigurong magbabad sa ilalim ng araw, diba?"

Napaikot ang kanyang mata sa turan ng binata. Talagang iniisip nitong takot siyang mangitim. In short, maarte. Nakakayamot talaga minsan ang tabas ng dila ni Daniel.

"Dito muna tayo hanggang 3:30 ng hapon." dugtong ni Daniel sa sinabi kanina bago binuksan ang pinto ng kotse sa gilid at mabilis na lumabas.

Nangyari nga ang sinabi ni Daniel. Nanatili sila sa mall ng ilang oras. Nag-aya si Daniel na kumain sa KFC na agad naman niya iyong pinaunlakan. At dahil wala siyang dalang pera ngayon, sagot ni Daniel ang lahat ng gastos. Mukhang lumamig na ang ulo nito kumpara kanina dahil nagagawa na nitong makipag-usap ulit sa kanya ng hindi nagkakasalubong ang kilay.

Pinagbigyan din siya ni Daniel na magwindow-shopping. Sinamahan siya nito at paminsan-minsan ay tinatanong pa kung nagugutom ba siya o nauuhaw. Iniirapan na lamang niya ang binata upang pagtakpan ang kilig na bumabalot sa kanyang sistema.

If she is to calculate this moment, it would sum up as a date. It made her forget all her problems and issues in life. It felt like heavenㅡexpect for the part where he invited her to watch a movie for the second time.

It was a little frustrating for Chandria to just sit beside him for hours, waiting for his literal 'touch' moves. He's not even giving her a split-second glance. It's not like she badly wanted Daniel to touch her inside this dark public place and in front of the big screen, but hell! It's what most guys to their dates. Isn't he interested? He could have atleast put her elbow above her shoulder, right?

"Gosh!" Hindi niya mapigilang suminghap sa inis. Natapos na lang ang pinapanood nila ay wala pa ring nangyayari. "Are you even human?"

Napairap si Chandria nang sa wakas ay lumingon si Daniel sa gawi niya. Mataman siya nitong tinitigan na wari'y napapantastikuhan. Ngunit unti-unti ring nagkasalubong ang kilay nito.

"What?!" pasinghal na tanong nito. "Do I look like an alien to you?"

"Ewan ko sayo. Ang hina mo." gigil na sambit ni Chandria bago tinalikuran ang nalilitong si Daniel. Mayroong ibang kahulugan ang huli niyang sinabi.

Napapairap si Chandria sa hangin habang papalabas ng sinehan. Nasa likod niya lang si Daniel kaya hindi niya magawang magreklamo tungkol sa pagiging 'behave' nito sa buong durasyon ng pelikulang pinanood nila. Note the sarcasm over there.

Nasa tapat sila ng D&G store nang bigla na lang may humarang kay Chandria at Daniel. Isa itong babae na nakasuot ng puting long sleeve at itim na slacks. Nagmumukha itong maamo sa light make-up na in-apply nito.

"Hindi ko po inaasahang makasalubong kayo dito Engr. Ford." nakangiting bati ng babae kay Daniel. Mukhang hindi nito napansin ang presensiya ni Chandria sapagkat nakatuon ang atensiyon nito sa binata.

Tumaas ang kanang kilay ni Chandria nang makita ang marahang pagtango ni Daniel at pagguhit ng ngiti sa labi nito. Mukhang kilala nito ang babae base sa naging tugon nito.

"It's good to see you here, Miss Marasigan." simpleng wika ni Daniel bago ito bumaling sa kanya. "Anyway, I'm with Chandria Bernardo..." simpleng pakilala nito sa kanya bago tinuro ang babaeng nasa harap. "And Chandria, this is Brenda Marasigan, secretary ni Mr. Roosevelt."

Napairap si Chandria nang makita ang marahang pagkagat-labi ng babae sa harap ni Daniel. Nasa binata pa rin nakatutok ang mata nito. Dahan-dahang inilagay ng babae sa likod ng tenga nito ang buhok nitong nakalugay. Para bang nagpapacute ito kay Daniel. Unang impression pa lang, ayaw na ni Chandria sa babaeng ito. Mahinhin pero halatang matinik.

"Brenda, huh?" Tumaas ang sulok ng labi ni Chandria kasabay ng pagtaas ng kanyang kanang kilay. "Well, it's good to bump on you today. Buti na lang pala at lumabas kami ni Daniel ngayon." Gusto niyang masuka sa unang pangungusap na sinabi. Of course, she isn't sincere with that.

Mabilis na lumingon ang babae sa gawi ni Chandria nang siya'y magsalita sa tabi ni Daniel. Ang malapad nitong ngiti ay naging peke. Malamang ay napansin din nito ang pagiging sarkastiko niya. Ngunit ilang segundo lang din ay ibinalik na nito ang tingin kay Daniel at muling ngumiti ng matamis.

"Buti't inutusan ako ni Mr. Rooseveltna kausapin ang manager ng mall na 'to." maligayang wika nito kay Daniel. "Sana may project ka na naman kay boss, Engr. Ano nga palang ginagawa niyo dito?"

Bago pa man makasagot si Daniel ay inunahan na niya ito. Hindi niya hinayaang makapagsalita ang binata.

"Nanood kami ng sine kanina." sarkastikong sambit ni Chandria dahilan upang muling bumaling ang babae sa kanya. Sinadya niyang hawakan ang braso ni Daniel. Buti na lang at hindi iyon tinanggal ni Daniel.

Lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Chandria nang dumapo ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak kay Daniel. Nakita niya kung paano ngumiwi ang babaeng kaharap.

"D-date?" Bigla itong nautal. "A-ano... mauna na pala ako sa inyo Engr. Kailangan ko na kasing magpunta sa office ng manager. Sige, bye!"

Mabilis ang naging kilos ng babae. Matapos nitong magpaalam ay naglakad na palayo ang babae. Pag-alis nito'y agad ding tinanggal ni Daniel ang kamay niya sa sarili nitong braso at nagyaya na itong lumabas sa mall.

Nagpunta si Chandria at Daniel sa isang malapit na flowershop at bumili ng isang bouquet ng bulaklak. Muli silang bumiyahe ng labin-limang minuto hanggang sa huminto ang kotse sa harap ng isang memorial park. Mabilis na nangunot ang noo ni Chandria nang mapagtantong isang sementeryo ang pinagdalhan ni Daniel sa kanya. Ano bang gagawin nila dito?

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now