Cusses and Sighs

666 30 0
                                    


Chandria's eyebrows seemed to meet halfway. "What do you mean?"

Daniel just shook his head and heaved a deep sigh, looking at Chandria's direction with disbelief drawn on his eyes. And one moment, even before Chandria could repeat her question, Daniel has already made his way to some part of his house. And Chandria was left alone standing at the living room, lost with the thoughts and questions lurking inside her mind.

Ilang beses na nagpabalik-balik ang boses ni Daniel sa kanyang isipan. At ang mga katagang binibigkas ng boses na naririnig niya sa kanyang isipan ay siyang gumulo sa maayos niyang sistema.

"But the interior design wasn't really my idea. It was... It was yours."

Mariin siyang napapikit nang maglaro na naman sa kanyang isipan ang boses ni Daniel. Pilit niyang inintindi ang gustong iparating ni Daniel ngunit mas lalo lang ata siyang naguluhan sa bawat minutong lumipas. How come she suggested to design his house like this before? As far as she could remember, they she haven't talked to him yet about her ideas for the interiors. And she couldn't even recall one moment in her life which Daniel and she had been that close to talk about those kind of stuff.

"So..." Bahagyang napaatras si Chandria sa gulat nang marinig niya ang baritonong boses ni Daniel mula sa 'di kalayuan. "Were you memorizing what I've uttered awhile ago?"

Awtomatikong dumapo ang kanyang tingin sa seryosong mukha ni Daniel. Wala itong emosyong pinapakita. Ganunpaman, hindi nabawasan ang kagwapuhan sa mukha nito. Lalo pa't ngayon ay tanging sando at itim na jogging pants ang suot nito. Mas litaw ang kakisigan nito ngayon habang naglalakad patungo sa direksyon ni Chandria.

"Am I too obvious?" She raised one brow and chuckled.

"You were whispering," Daniel stopped walking when he got in front of the center table. He bent down to put those things he brought above the table. Later on, as Chandria remained silent, watching Daniel's every move, he continued speaking. "And I guess it's about the last statement which startled you. Don't mind about it now. I was just joking when I said that to you."

Joking? Siguro nga, nagbibiro lang si Daniel. Hindi naman ata nito susundin ang suhestiyon niya. Reality check, hindi sila ganoon kalapit sa isa't-isa.

Pero bakit pakiramdam ni Chandria, may importanteng impormasyon siyang dapat kalkalin? Sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga bagay na wala naman siyang kaide-ideya kaya isinantabi niya na lang muna ito sa kanyang sistema. Marami pa siyang kailangang atupagin kaysa tumunganga at mag-isip ng mga bagay na imposible namang mangyari.

Nang tuluyan niyang maibalik sa katinuan ang kanyang sistema, agad siyang lumapit kay Daniel na ngayon ay nakatutok na sa puting papel na nakalatag sa ibabaw ng glass table. Binigyan niya lamang ng ilang pulgada ang pagitan nila nang tuluyan siyang umupo sa gilid nito.

"Ano bang gagawin natin ngayon?" sambit niya habang pinupulot ang isang mechanical pen sa ibabaw ng lamesa.

Napapantastikuhang sumulyap si Daniel sa kay Chandria. "Isn't it obvious? I'm sketching here."

"Ooh," Chandria couldn't help but let a little chant escape from her mouth. "Para sa magiging bahay ba natin 'yan, Dan?" nanunudyong dugtong ni Chandria at mabilis na hinaplos ang kanang pisngin ng binata.

"Stupid." matigas na bulong ni Daniel at marahang tinabig ang braso ni Chandria palayo sa mukha nito.

Awtomatikong nawala ang ngiti sa mukha ni Chandria nang makita niya ang pasimpleng pag-irap ni Daniel. Agad din nitong ibinalik ang atensiyon sa pagguhit ng iilang linya gamit ang lapis nitong plastic.

Napasandal na lamang siya sa sofa habang pinagmamasdan ang maskuladong likod ni Daniel. Hindi niya mapigilang mapamura dahil sa ganda ng tanawing nakikita niya ngayon. Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim bago niya tuluyang ginawa ang gusto niyaㅡang yakapin si Daniel sa likuran.

May damit mang humaharang sa tuluyang pagdampi ng balat nilang dalawa, ramdam ni Chandria ang mainit na katawan ng binata. Saglit din itong nanigas habang nakayakap ang braso niya sa mapalad na likod ng binata. Para itong na-estatwa sa kinauupuan nito.

Ngunit ilang sandali pa'y naramdaman narinig na ni Chandria ang marahas na paghugot ng hininga ni Daniel. Mukha naproseso na sa utak nito ang ginagawa niya. Bahagya na ring ginagalaw ni Daniel ang kanyang balikat upang matanggal ang pagkakapatong ng baba ni Chandria doon.

"Chandria..." ungot ng binata habang pilit nitong tinatanggal ang mga braso ni Chandria na nakapulupot sa tiyan nito. "Ano na naman ba 'tong kalokohan mo?"

Napangisi na lamang si Chandria. "I'm just hugging you. May problema ba doon, huh?" nang-iinis na sagot niya kasabay ng lalong paghigpit ng kanyang yakap kay Daniel. 

"I'm doing something serious here." he uttered as he raised his sketch in mid-air, levelling Chandria's face.

"I don't care." She smirked at him. "Just do whatever you've planned to do. Don't mind me here."

"God! She's unbelievable." he muttered under his breath, trying not to burst it out loud.

Isang segundo pa'y narinig na lamang ni Chandria ang marahang pagbuga ni Daniel ng hininga. Halata ang pagsuko sa sistema nito sapagkat natigil na si Daniel sa pilit na pagtatanggal ng yakap niya. Hindi na nagrereklamo ang binata at tahimik itong bumalik sa pagguhit.

Nakamasid lamang si Chandria kay Daniel habang gumagawa ito ng framework ng isang gusali. Napahanga siya sa bilis nitong magplano. Para na itong eksperto sa larangan ng engineering. No wonder his father chose Daniel to be her partner. Chandria could surely learn a lot from him.

Nangunot ang noo ni Chandria nang may nakitang parang mali sa guhit ni Daniel. "That door would be better on this side." suhestiyon niya habang gumagalaw ang kanyang hintuturo mula sa isang pinto na nakapwesto sa kaliwa papunta sa gitna.

Bahagyang napaatras ang kanyang ulo sa gulat nang biglang lumingon si Daniel sa gawi niya. Sumulyap si Daniel sa gilid ng mga mata nito. "You think?"

Tumaas ang kilay ni Chandria. "Yeah."

Tumango lamang ang binata at agad din nitong nilihis ang tingin patungo sa sketch na kasulukuyang nakalapag sa center table. Ngunit hindi nakatakas sa matalas na paningin ni Chandria ang paglitaw ng tipid na ngiti sa mukha ni Daniel.

Napapangisi na lang din siya at tahimik na pinagmasdan ang pagbura ni Daniel sa pintong itinuro niya kanina. Lalong lumapad ang ngisi ni Chandria nang makitang gumuhit ulit si Daniel ng pinto sa gitna, gaya ng sinabi niya kanina. Dahil sa tuwa, lalo ring humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Chandria sa beywang nito. Lalong lumalapat ang katawan niya sa likod ng binata.

As several minutes passed by, Chandria could hear him sighing deep, again and again. And Chandria could hear him whisper hard cusses.

"I can't stand this anymore." malutong na bulong ni Daniel.

One moment, Daniel suddenly stood up which made her arms drop off around his waist. And another moment, he was already walking out towards the nearest door Chandria could see.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now