Special Chapter 2

788 39 11
                                    


Karga-karga ni Chandria sa kanyang braso ang apat na buwang gulang nilang anak ni Daniel. Ang pangalan nito'y si Daniel mismo ang pumiliㅡ Isabela Martina. Bahagya niyang inaalog ang likod ni baby upang patahanin. Kanina pa kasi ito umiiyak. Parang gustong uminom ng gatas.


"Ang tagal ni Daniel..."


Nawawalan na siya ng pasensiya sa tagal ng pagbabalik ng asawa. Ito kasi ang nagpresentang magtimpla ng gatas at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa nursery room. Ilang saglit pa'y napagpasyahan niyang bumaba na rin sa kusina.


Pagdating niya doon, agad niyang nasilayan ang abs ng asawa. Kagat-labi niyang pinasadahan ang hubad nitong katawan. Tanging itim na boxer shorts lang ang suot nito. Nangungunot ang noo ng kanyang asawa habang nilalagyan nito ng mainit na tubig ang bottle. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa. Ni hindi nito napansin ang presensiya nila ni Isabela.


Muling ngumawa ang kanilang anak, dahilan upang mapalingon si Daniel sa gawi niya. Nanlaki ang mata nito ngunit agad rin iyong napalitan ng ngisi. Nahigit ni Chandria ang kanyang hininga nang lumapit ito sa kanilang kinatatayuan.


Yumuko ito at pinaglaruan ang daliri ni Isabela. "Hindi na ba nakapaghintay si Baby sa gatas?" nakangisi nitong tanong.


Mahinang natawa si Chandria. "Ang bagal kasing kumilos ni Daddy kaya, ayan, uhaw na uhaw na si Baby Isabela."


"Ginawa pang rason ang anak ko." tumatawang komento ni Daniel. "If I know, gusto mo lang talaga akong makita palagi." Lalong lumapad ang ngisi ni Daniel, tila nanunukso.


Nag-init ang pisngi ni Chandria at agad niyang inirapan ang asawa. "Pwede ba, Daniel? Huwag masyadong assuming. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo, e."


"Hmm..." Tumaas ang kanang kilay ni Daniel ngunit hindi pa rin nawawala ang ngisi nito. "Do I need to believe on that? Patay na patay ka nga sa akin noon, e."


Sarkastiko siyang tumawa. "For you information, dear Daniel Markus, nagsawa ako sayo noon. Huwag kang feeling!"


Nagkasalubong ang kilay ni Daniel. Mataman siya nitong tinitigan na para bang pinag-aaralan siya nito. Nag-iwas siya ng tingin at ito naman ay biglang tumalikod. Ilang segundo silang natahimik hanggang sa muli na namang narinig ni Chandria ang pag-iyak ni Isabela. Nataranta siya kaya agad niyang tinampal nang mahina ang likod ng kanyang anak.


"Hindi na ba gaanong mainit ang gatas? Painumin mo na si baby," utos niya kay Daniel.


Hinawakan nito ang bottle at mabilis na nag-angat ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata at bigla siya nitong inirapan. Napa-iling na lamang si Chandria at siya na mismo ang lumapit kay Daniel. Tahimik naman nitong inabot ang bottle.

"Thank you..." sambit ni Chandria.


Itinutok niya ang bottle sa labi ng baby. Ang maliliit nitong daliri ay biglang lumpat sa katawan ng bottle. Tuluyang natahimik ang kanilang anak nang ito'y makainom na ng gatas. Si Daniel nama'y walang imik na pinapanood ang kanilang anak habang nakasandal ito sa island counter. Ang iritasyon sa mukha nito ay biglang napalitan ng pagkawili.


"Don't you have work today?" Chandria tried to open a conversation.

Nagliwanag ang mukha ni Daniel sa kanyang nabanggit. Tila may naalala. Tumawid ito ng tayo at lumapit sa kanilang dalawa ni Isabela. Hinawakan nito ang siko niya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.


"Magpapaalam pala ako sa'yo, Chandria. Pupunta ako sa opisina ni Mr. Roosevelt. Meeting."

"Okay, maligo ka na." Nginitian niya ito at muling inalog ang anak na biglang umiyak. "Iyong suot mo nasa bed na."

Isang mapusok na halik ang iniwan ni Daniel bago ito tuluyang umakyat sa ikalawang palapag. Napa-iling na lamang si Chandria habang pinipigilan ang paglitaw ng ngiti sa kanyang labi.


"Ang daddy mo talaga," pagka-usap niya sa kanyang anak na walang kamalay-malay sa kilig na nararamdaman niya ngayon.


Nang mangalahati na ang iniinom na gatas ni Isabela ay bumalik na rin siya sa itaas. Dinala ni Chandria ang anak sa nursery room at inilapag sa crib nito. Mabilis namang nakatulog ang bata. Ganyan talaga ang anak niya, madaling patulugin kapag naka-inom na ng gatas.


Tila may humaplos sa puso ni Chandria nang titigan niya ang mukha ni Isabela. Kuhang-kuha nito ang features ng mukha ni Daniel. Kung noon, si Daniel lang ang mahal niya, ngayon, dalawa na. Isang little version ni Daniel.


Ilang minuto ring nanatili si Chandria sa nursery room at binantayan ang anak. Lumabas siya nang masigurong komportable si Isabela sa pagtulog. Dumiretso siya sa kwarto nilang mag-asawa. Naabutan niyang nagbibihis si Daniel. Tanging tuwalya lang ang tumatakip sa katawan nito. Kitang-kita niya tuloy ang malapad nitong likod at ang umbok ng muscles nito.


"Ang tagal mong magbihis," komento niya upang hindi tuluyang madala ng init na nararamdaman. "Baka ma-late ka niyan."

Tumikhim si Daniel. Seryoso ang mukha nito. "Help me here, then."

Napasinghap si Chandria. Ngunit nang makabawi ay inirapan niya lamang ang kanyang asawa at mabilis na nagpunta sa bedside table. "Ano ka, bata?" sarkastiko niyang tanong habang kinukuha ang ginawang checklist ng mga groceries na kailangang bilhin ni Daniel ngayon.

Nangunot na naman ang noo nito. "Wala namang bawal. Asawa mo ako. Pwede mo akong bihisan."


"Ewan ko sayo!" Pa-irap na wika niya at muling hinarap ang binata. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nagsusuot na ito ng pantalon ngayon.

Inabot niya ang listahan sa binata. "O, eto. Pumunta ka ng grocery store mamaya at bilhin mo ang lahat ng nakalista dito."

Nahinto ito sa pagzipper nang kunin nito sa kanya ang papel. Pinasadahan iyon ng tingin ni Daniel.

Inilagay ang listahan sa bulsa nito, dahilan upang dumausdos ang pantalon nito pababa. Lumitaw ng kaunti ang brief nito. "Susunduin ko rin si Aliyah mamaya. Siya na lang ang uutusan kong bibili nito," wika ni Daniel.

Pinameywangan niya ang asawa. "Seryoso ka ba, Daniel?! Kapatid mo, gagawin mong kawawa?"

"Training iyon para maging responsable na siya," depensa nito. "Wala namang mali doon, diba? Palibhasa kasi kayong mga babae, kahit hindi naman mabigat ang gawain, iniiwasan niyo pa rin. Ikaw nga e, kahit sa pagtulong lang sa akin na magbihis hindi mo pa magawa."

Napaawang ang labi ni Chandria dahil sa narinig. Ngayon niya lang napagtantong malaking isyu na pala iyon kay Daniel ang hindi niya pagtulong sa pagbibihis nito. Parang bata lang!


Napa-iling na lamang si Chandria at inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ay inabot ang zipper ng asawa at dahan-dahan iyong itinaas. Napamura si Daniel at napaungol nang madaplisan ng kamay ni Chandria ang umbok sa loob ng pantalon nito.


Nanlaki ang mata ni Chandria at bigla siyang napamura. "Punyeta, Dan! Tumatayo na naman!"










*****

A/N

Last special chapter na po ito. Say byebye to Mr. and Mrs. Daniel Markus Ford. :)

Sobrang maraming thank you po sa inyong readers ko. 💙

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now