Five years ago

563 27 1
                                    


David Ford.

That name seemed to be echoing inside Chandria's brain. It was bugging her system. It got her senses distracted, but she tried to keep her vision on the road as she maneuvered the car quickly towards her father's house.

Pagkatapos siyang iwan ni Daniel sa cafe kanina, hindi na nagpaligoy-ligoy si Chandria at agad ding umalis. Linggo ngayon kaya alam niyang nasa bahay lamang ang kanyang ama at namamahinga. Napagdesisyunan niyang dumiretso sa ama niya at tanungin ito kung may kakilala ba itong David Ford. Her father is a friend of Daniel, so he would surely have some information about David, or maybe he would really know.

Nang makarating si Chandria sa bahay ng kanyang ama ay sumalubong sa kanya sa labas ang nakayukong kasambahay na sinabunutan niya noon. Hindi niya pinansin ang mahina nitong pagbati at nilampasan lamang ito. Mabilis siyang naglakad patungo sa nakabukas na pinto.

Tumaas ang sulok ng labi ni Chandria nang madatnan niya si Elena na nagwawalis sa sala. Napahinto siya saglit sa paglalakad, humalukipkip at taas-noong pinagmasdan ang ginagawa ng fiancee ng kanyang amaㅡang babaeng kinaiinisan niya. Hindi niya napigilan ang paglabas ng sarkastikong tawa sa kanyang bibig. Iyon ang naging dahilan ng mabilis na paglingon ni Elena sa gawi niya.

"O Chandy!" Agad na nawala ang ngisi sa labi ni Chandria nang makita ang matamis na ngiti sa mukha ni Elena. "Nandito ka pala. Halika. Maupo ka muna at ipaghahanda kita ng meryenda," masiglang sambit nito habang hindi magkanda-ugaga sa pagpag sa sofa.

Napairap na lamang siya at tumikhim. "Hindi ako nandito para makipagplastikan sayo," nauuyam niyang sagot. "I'm here because of Dad."

Hindi niya na hinintay na makasagot si Elena. Pagkatapos iyong sabihin, agad din niyang tinalikuran si Elena at mabilis na lumakad patungo sa metal na hagdan na nasa gilid. At ang malakas nitong buntong-hininga ang tangi niyang narinig.

Sa bawat hakbang ni Chandria sa baitang ng hagdan, dahan-dahang namumuo ang kaba sa kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya. Hindi mapakali ang kanyang isipan. Biglang sumagi sa kanya ang pagdadalawang-isip na ipagpatuloy ang pagkausap sa kanyang ama.

Tila may puwersang humihila sa kanya pabalik pero hindi siya nagpatinag. Determinasyon ang nangingibabaw sa sistema ni Chandria ngayon. Gusto na niyang malaman kung ano ba ang nangyari sa nakaraang hindi niya matandaan. Gusto na niyang malaman ang kasagutan sa lahat ng tanong na nasa isip niya ngayon. She's more than willing to know every single thing that was blinding her now. Be it good or bad.

Lalong nanikip ang puso ni Chandria nang tuluyan siyang makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi iyon dahil sa sakit, kundi dahil sa kaisipang malapit na siya sa kasagutan ng mga tanong na bumabagabag sa isip niya.

"So here it is." mahinang bulong ni Chandria habang pinipihit ang seradura ng pinto ng library ng ama.

A sigh of relief escaped her mouth when the door creaked open. With her heels heavily thumping on the floor, she moved in and wandered her gaze towards every edges of the room. Silence welcomed Chandria. The room filled with books seemed empty without the person she was expecting to see. There was no old man sitting at the black swivel chair facing a long pile of files above the desk positioned at the center of the place. Her brows were meething halfway as she realized one thing. Where could her father be at the moment?

She was actually disappoint not to see his father now. But because he wasn't here inside the library, then Chandria could just look for some documents that might help her seek what she needed to find.

Ilang hakbang lamang ang kanyang ginawa upang makalapit nang tuluyan sa desk ng ama niya. Agad niyang hinalungkat ang mga naka-pile na folders sa ibabaw ng desk ng ama, nagbabaka-sakaling may matatagpuan siya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tanging business at proposal letters lamang.

Pati bookshelves ay hinalungkat niya na hanggang sa makaabot siya sa isang black folder na napapagitnaan ng mga libro. Umakyat ang kuryosidad sa kanyang sistema nang makitang may nakasulat na Chandria Arylle Bernardo sa harap nito.

 

Mabilis pa sa alas-kwartong binuklat niya ang folder. Nakadama siya ng kaunting kaba nang bumungad sa kanya ang mahabang bond paper na may lamang medical records. Nanginginig ang mga kamay ni Chandria habang unti-unti niyang nababasa ang nakasulat sa mahabang bond paper na puno ng mga salitang medikal. Nakasaad dito na na-coma siya ng ilang buwan. Lalo siyang naguguluhan sa mga bagay na nababasa niya ngayon. Lalong nadagdagan ang mga katanungang nasa kanyang isipan.

Paanong nangyari na na-comatose siya noon? Bakit hindi niya iyon matandaan? Ah, oo nga pala. Nagka-amnesia din pala siya. Iyon ang nabasa niya sa kanyang medical records. How ironic! Hindi man lang niya matandaan na noon pala'y nakaratay lamang siya sa hospital sa loob ng tatlong buwan. Right now, she couldn't help but feel frustrated about every damn thing. Just damn. She was long blinded with all these shits.

Despite her trembling fingers, she managed to flip the bond paper to the next page. Then, her left brow suddenly raised when she saw an tanned portion of a newspaper pasted on a clean bond paper.

As her eyes passed every word written on the news report, Chandria's heart seemed to cripple on its own, seeing her name on the first paragraph. Shock coated her being as she read the first few lines. It was a revelation for her. She did not know she has suffered that much in the past. Five years ago, she was involved in a car accident. But what really got her interest was the statement emphasized on the articleㅡthat she was not alone during that tragic moment. She was with someone under the name of David Ford.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now