Let's just move on

645 39 6
                                    

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang ginawang pagbabantay ni Chandria sa maysakit na si Aliyah. Dalawang araw namang hindi nagparamdam si Daniel. Wala siyang ideya kung nasaan ito ngayon. 

He has already stopped bugging her with creepy texts and blackmails. Chandria was supposed to be happy of that, but there's still a part of her system that misses him. It's her heart, no wonder.

Iwinaksi ni Chandria ang larawan ni Daniel sa kanyang isipan at marahas na bumuga ng hininga. Itinuon niya ang pansin sa pagpaparada ng sariling sasakyan sa gilid ng isang pamilyar na cottage.

Ipinilig niya ang kanyang ulo upang masilip sa kabilang bintana ang malawak na dagat na dati na niyang napuntahan kasama si Daniel. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang repleksiyon ng lumulubog na araw sa umaalong katubigan.

Awtomatikong lumihis ang tingin ni Chandria doon nang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya iyong kinuha mula sa kanyang bag. Nabuhay ang galak sa kanyang sistema ngunit agad din siyang nanlumo nang makitang galing kay Vince ang text.

She was actually expecting a message from somebody else...from Daniel.

Disappointed as she is, Chandria suddenly felt lazy to read the long message despite its sense of importance. Still, she obliged to see the content.

From: Vince

Where are you? Nandito ako sa bahay mo. I'm having a little problem with scheds. I'll have to postpone our flight. Sorry, Chandria. :( May two weeks extension pa ang pagstay ko dito. But if you insist, pwede ka namang umuna. 

"Oh gosh!" bulalas ni Chandria matapos niyang basahin ang mensahe ni Vince. "Two weeks pa ang akong mananatili dito! Should I be happy with this?"

Napailing si Chandria nang pumasok sa kanyang isipan ang binigay na option ni Vince. Sinabi nitong umuna na siya kung gusto niya. Pwede naman iyon. Pero may parte sa kanyang utak na umaayaw. Iyon ang parteng nasa ilalim pa rin ng impluwensiya ni Daniel hanggang ngayon.

Nasa malalim na pag-iisip si Chandria nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Napapitlag siya sa kanyang kinauupuan nang rumehistro sa screen ang paborito niyang kulay.

Daniel calling...

Kagat-labi niyang sinagot ang tawag, "Hello?"

Daniel's chuckle vibrated on her ears as he answered over the phone, "I can see your car from where I stand. You're parking on that cottage again, huh?"

Nanlaki ang mata ni Chandria dahil sa napagtanto. Nandito rin ang binata! Mabilis niyang inilibot ang tingin sa buong lugar ngunit wala siyang makitang Daniel Markus Ford sa pagitan ng mga matatanda at batang naglalakad sa dalampasigan. Dagdag pa ang senaryong nag-aagaw na ang dilim at liwanag, lalo siyang nahirapan sa paghanap ng maaaring pinagpwestuhan ng binata.

"Why don't you step out of your car?" mapanghamong tanong ng binata. Naririnig niya sa background ang malakas na hampas ng alon.


"Come here."

She rolled her eyes and sneered, "I don't even know where the fuck you're standing now."

"How would you know if you won't look for me?" He let out a soft chuckleㅡthe kind she could hardly hear. "Lumabas ka na kasi. Come here and have a date with me."

She hissed over the phone. "Shut up, Daniel! You can't fool me. After two days na hindi ka nagparamdam, tatawag ka na lang bigla tapos mag-aaya ng date?" She sarcastically laughed. "Ibababa ko na cellphoneㅡ"

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now