Remembrance

587 33 7
                                    

"I'm asking you again, Chandria." mababa ang boses ni Daniel nang muli itong magsalita. "Am I not enough to make you stay?"

Magkasalubong ang kilay ni Daniel habang tinititigan siya. Gusto man niyang mag-iwas, lakas-loob niya pa ring sinalubong ang tingin nito. Seryoso ang mukha ng binata at tila binabasa nito kung ano man ang nasa isip niya ngayon.

Tumikhim si  Chandria. Sumimsim siya ng mango juice sa kanyang baso bago sumagot, "Daniel... I'm sorry... but my decision is fixed."

Narinig niya ang padabog nitong pagbaba ng kubyertos sa sariling plato. Mabigat ang paghinga ng binata.

Tumaas ang boses ni Daniel nang magtanong ito, "Ano bang mapapala mo doon? Bakit kailangan mo pang sumama sa Vince na iyon?"

"Hindi ko pa alam," nahihiya niyang sambit. "I'll just figure it out once I get there."

"Really, huh?" Tumaas ang sulok ng labi ni Daniel. "Pupunta ka doon na walang layunin. You think papayag ang papa mo?"

"He will if I insist." paninigurado ni Chandria.

Hindi niya alam kung sino ang pinapaniwala at kinukumbinsi niya ngayonㅡkung si Daniel ba o ang sarili. Of course, once her father knew about this, he would not approve quickly. This is why Chandria has no plan of informing her father about this thing. Vince was the one who's pushing her to tell her dad about her plan of leaving.

"Kung aalis ka..." Marahas ang pagbuntong-hininga ni Daniel. "Babalik ka pa rin ba? Ilang taon ka doon?"

"I might be staying there for good." Sumubo siya ng isang fries. "Baka doon ko mahanap ang sarili ko."

"Damn that excuse." Umirap ang binata at humalukipkip. "You're already Arylle Chandria Bernardo. You're a licensed architect who has not yet finished at least one project. You get irritated so easily. You are mean but you can be sweet at times. You love parties. You have few real friends. You don't care about what others think of you. You love black. You love me. You are mine."

Isang singhap ang kumawala sa labi ni Chandria dahil sa sinabi ni Daniel. Gusto niyang magkomento sa sinabi ng binata ngunit hindi siya nito hinayaang sumabat. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"That's how I see you... as Arylle Chandria Bernardo. You are very beautiful and interesting." Pinamulahan siya sa sinabi ni Daniel. "Now tell me, hindi mo pa ba nahahanap ang sarili mo? You've already made your identity to me. Don't make me think that I know you better than you do yourself."

"I want to change. I want to make an image of a good Arylle Chandria Bernardo!" Tumaas na ang kanyang boses dahil sa pinaghalong emosyon na bumabalot sa kanyang sistema ngayon. Napatayo siya at dinuro-duro ang binata. "You would not understand me right now. Hindi mo kasi naranasang masaktan, iyong mahusgahan ng iba. All you did was hurt and judge me."

Marahas ding tumayo ang binata at hinuli nito ang tingin ni Chandria. "Shut it, will you?!" Marahang nagtaas-baba ang balikat nito pagkatapos.

"Huh!" Umangat ang sulok ng labi ni Chandria nang mapansin ang kislap ng pagsisisi sa mata ng binata. "Tama ako, diba? Wala kang ibang ginawa kundi ang husgahan ako at saktan. You don't really care about me. Nagkaganito ka lang noong hindi na ako nagpaparamdam sayo. Hindi mo matanggap na napagod ako? Ano, nakakagago bang makita na iyong babaeng habol ng habol sa iyo noon ay iniiwasan ka na ngayon?"

Marahas na bumuga ng hangin ang binata. "Walang patutunguhan itong pag-uusap natin," sambit nito gamit ang mababang tono.

Nagpunta si Daniel sa kanyang harapan. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. Nanginig ang kanyang tuhod nang ipulupot nito ang braso sa kanyang beywang. Bahagya iyong pinisil ng binata.

"May client meeting ngayon. Ikaw na muna ang bahala kay Aliyah. Pag-uwi ko, dapat nandito ka pa rin," pabulong na sambit ni Daniel.

Mabilis siya nitong binigyan ng halik sa noo. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa gulat. Wala siyang nagawa kundi ang titigan ang likod ni Daniel hanggang sa tuluyan itong makalabas sa dining room.

Naiwan siyang mag-isa doon. Bumaba ang kanyang tingin sa hapagkainan. Nangangalahati pa ang kanin ni Chandria sa kanyang plato ngunit hindi niya na iyon kayang ubusin. Nawalan na siya ng gana kaya iniligpit na lamang ni Chandria ang mga pagkain at mga pinggang nagamit.

Pagkatapos ng kanyang paghuhugas, muli na siyang umakyat sa kwarto ni Aliyah. Nadatnan niya ang bata sa dati nitong pwesto, nakahiga habang kumakanta. Tumigil ito nang makita siya.

"May dala ako para sa iyo," sambit ni Chandria at mabilis na umupo sa gilid ng kama.

Lumiwanag ang mukha ng bata nang ipakita niya ang dalang fries at spaghetti sa kanyang magkabilang kamay. Bumangon ito agad at isinandal ang likod sa dingding. Inabot niya ang pagkain kay Aliyah. Pinagmasdan niya ang bata habang ito ay masiglang sumusubo ng spaghetti.

Pinunasan niya ang pawis sa noo ni Aliyah. "Do you feel better now?"

Marahang tumango ang bata habang ngumunguya. Mataman niyang pinagmasdan si Aliyah. Hindi na ito matamlay. Nagkakakulay na rin ang labi nito at hindi na gaanong maputla. Inilapat ni Chandria ang likod ng kanyang palad sa noo ng bata. Hindi na ito masyadong mainit. Ngayong maayos na ang pakiramdam ni Aliyah, siguro nama'y pwede niya na itong iwan. Kailangan niyang umuwi ngayon dahil pupunta ang kanyang mga kaibigan sa bahay niya.

"Okay lang ba sayo kung uuwi na ako?" tanong ni Chandria. "You'll be alone here if I leave. May pinuntahan pa kasi ang kuya mo."

"Okay lang ako dito, ate. Sanay naman akong mag-isa sa bahay." Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Aliyah. "Usually, Kuya Daniel will just fetch me from school, tapos 'pag naihatid na niya ako dito, aalis na naman siya. Uuwi siya sa gabi, may dala ng foods. Sometimes, hindi niya nga ako nasusundo sa school, e."

Napaawang ang labi niChandria dahil sa narinig. It's her first time to hear such thing about him. She was a bit surprised, but she didn't put any attention to it. Her main concern now is to go home without worrying about Aliyah and her sick condition.

"Are you sure you'll be okay here if I leave you?" paninigurado ni Chandria kay Aliyah.

"Of course, Ate Chandria! "

Nang pumayag si Aliyah, nabuo ang desisyon ni Chandria na umuwi na. Wala na itong lagnat kaya hindi na siya gaanong nag-aalala. Hinintay na muna niyang matapos ang bata sa pagkain ng spaghetti bago niya ito iniwanan.

Cellphone lang ang kanyang bitbit nang tuluyan siyang makalabas sa bahay ni Daniel. Pumasok siya sa kotse at marahan itong inihagis sa shotgun seat. Wala siyang inaksayang panahon at agad na pinaandar ang sasakyan. Pinaharurot niya ito patungo sa kanyang bahay.

Ilang minuto rin bago siya nakarating. Saktong tumunog ang kanyang cellphone nang iparada niya ang kanyang kotse sa garahe. Hindi muna siya bumaba. Sa halip ay pinulot niya ang cellphone sa shotgun seat. Tinignan niya kung sino ang nagtext. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Chandria nang rumehistro ang mensahe ni Daniel sa screen.

From: Daniel

I told you to wait inside my house 'til I get back, but you left already. Is it too hard to stay? I was so disappointed dahil nag-expect akong nandito ka pa rin pag-uwi ko.


Conscience seemed to knock Chandria's system so she decided to type her reply. But before she could even click a letter on the phone keyboard, a message popped up in the screen. It was still from Daniel, but the contents weren't the same. An exasperated gasp escaped from her mouth when she finished reading the second text he sent.

From: Daniel

Naiwan mo nga pala dito gamit mo. Your black underwear's pretty nice. Amoy-Chandria. Akin na lang 'to, a? Remembrance. Aalis ka naman kasi, diba? Sige lang. Mang-iwan ka lang.











*****

A/N

Patawad po sa lame na update hahaha.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now