Epilogue

766 37 18
                                    

Mabigat ang bawat hakbang ni Chandria patungo sa nakasaradong pinto ng bahay. Lumilikha ng tunog ang pag-ikot ng gulong ng maletang hila-hila niya. Nang tuluyang mahawakan ang doorknob, nagpakawala siya ng buntong-hininga at muling sumulyap sa kanyang likuran.

For the last time, she let her eyes wander around the four corners of the living room. Moments from the past suddenly played on her mind like a slow-paced slideshow. She will surely miss this house, just as how much she had longed for Daniel's presence now.

Lumipas ang isang linggo't anim na araw na walang Daniel ang nagpakita. Tanging rosas at card ang natatanggap niya mula rito. Kating-kati siya na tawagan ang binata o kaya'y puntahan sa bahay nito ngunit hindi niya iyon ginawa. Lalo lamang siyang mahihirapan kapag nagkataon.

Pumeke si Chandria ng ngiti kasabay ng muli niyang pagharap sa pinto. Binuksan niya ito at tuluyan nang lumabas ng bahay. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto bago naglakad patungo sa kotseng nakaparada sa gilid.

Habang nilalagay niya ang maleta sa compartment, bigla siyang nakarinig ng busina. Tumayo siya nang maayos at puno ng pag-asang lumingon sa itim na sasakyang papasok sa gate. Huminto ang kotse sa kanyang harapan at bumaba mula doon ang naka-suit and tie na si Daniel.

Chandria's lips parted as soon as she realized that the guy he's been missing was actually standing in front of her now. And this was real. She badly wanted to give him a hug but the evil voice inside her headㅡprideㅡhas stopped her from doing so. It's not good to initiate.

Tumikhim si Daniel. "Buti't naabutan kita."

With those words from him, little hope suddenly crept up on Chandria's heart. She could not stop herself from assuming that Daniel went here to convince her not to leave. Her mood lightened up.

"What's with the get-up today?" kaswal niyang tanong. "May event ka bang pupuntahan ngayon?"

"No. Ihahatid lang kita sa airport." simpleng sagot ni Daniel habang nililipat ang kanyang maleta sa kotse nito.

Nanlumo si Chandria sa kanyang narinig. Ang kasiyahang nadama kanina ay muli na namang naglaho. Hindi niya inakalang ganoon lang pala ang pakay ni Danielㅡang ihatid siya sa airport. Natahimik na lamang si Chandria habang nililipat ng binata ang maleta niya sa kotse nito.

Nang matapos sa ginagawa, muling humarap si Daniel at tinawag siya, "Come on, Chandria!" Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. "Baka hindi mo na maabutan ang flight mo."

Umawang ang labi ni Chandria. Hindi siya makapaniwalang inaapura pa talaga siya ni Daniel sa kanyang pag-alis. Namuo ang pinaghalong inis at dismaya sa kanyang sistema.

"You know what, you can just leave me here. Mukha naman kasing nagmamadali ka, e. Don't worry, I can drive on my own. Hindi kita kailangan para ipagmaneho ako patungong airport."

Sinamaan siya nito ng tingin. "Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita papasok?"

"Fine!"

Inirapan niya ang binata at padabog na pumasok sa kotse. Mahina siyang nagmura habang kinakabit ang seatbelt sa driver's seat.

Ilang segundo pa'y sumunod na rin sa Daniel sa loob. Isinarado nito ang pinto ng kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa pagbulong. Wala siyang ideya na naririnig pala ng binata ang lahat ng salitang lumalabas sa kanyang bibig.


"Ilang araw siyang hindi nagpakita tapos ganito lang? Hindi man lang niya ako pipigilan? Nagsawa na ata siya dahil sa kaartehan ko." Napabuntong-hininga si Chandria at marahang tinakpan ng sariling kamay ang kanyang mukha. "Gosh... Mali na naman ako. Sobrang mali. Bakit ko ba inisip na makaka-move on ako agad? Now, I'm suffering from all the consequences and he seemed... unaffected. Gosh! Miss na miss ko na siya."


The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now