Please

594 33 1
                                    

Ngayong nasagot na ang lahat ng tanong na nasa isip ni Chandria, nagkaroon na ulit siya ng lakas-loob na magpakita sa ibang tao. Inosente siya at iyon ang paninindigan niya. Bahala na kung sino mang manghusga. Ganoon naman talaga siya dati, diba? Walang pakialam kung ano mang sabihin ng iba.

Pero ngayon, natutunan niyang maging maingat sa mga bagay na gagawin lalo na kapag maraming matang nakamasid. She has somehow learned her lesson. Thanks to the experience that almost pulled her down, it transformed her a littleㅡor maybe big time.

And a part of that change is her fashion style. Few days after Chandria's talk with her Dad, she spent her time shopping new tops and bottoms. She has finally welcomed white clothes into her closet.

Ngayong araw naman, napag-isipan niyang magpaayos ng buhok. Desidido siya sa kanyang gagawin kaya maaga siyang nagpunta sa isang salon. Gusto niyang ibahin ang kulay ng kanyang buhok at putulan ito hanggang balikat.

"Mother, anong blonde ba ang gusto mo?" sambit ng hairstylist na kasalukuyang humahaplos sa buhok ni Kira.

Nanatiling nakayuko si Chandria sa harap ng salamin. "I want it dark brown, darling. Sawa na ako sa light blonde." mahina niyang sagot habang ini-iscan ang brochure ng salon.

"Aw, saying." mapanghinayang na wika ng hairstylist. "Bagay pa naman sa iyo itong buhok mo, mother. Nakaka-attract ka ng atensiyon agad tapos ang ganda mo pa. Kalurkey ka ha!"

"Ayaw ko na ng atensiyon ngayon. I've had enough of it." Muli niyang pinakli ang isang pahina ng brochure. "Anyway, I changed my mind. Ayoko na ng dark brown, gusto ko ng black. And I want to cut my hair shorter."

"Okayㅡ"

"No!" Isang baritonong boses ang kanilang narinig mula sa likuran. "You won't have your hair dyed in black and you won't cut it shorter, Chandria."

Nanlalaki ang mga matang nag-angat siya ng mukha. Napaawang ang labi ni Chandria nang masalubong ang nakakapasong tingin ni Daniel sa repleksiyon ng salamin. Nagulat siya sa biglaan nitong pagsulpot ngunit ang pakiramdam na iyon ay napalitan agad ng kunting hiya.

Biglang kumirot ang puso niya nang makita ang itsura ni Daniel. Magulo ang buhok nito ngayon at halatang iritado, base na rin sa umiigting nitong bagang.

"Sino 'yan, mother?" malanding bulong ng hairstylist sa kanyang tabi. Nakatingin ito sa harap ni Daniel ngunit siya ay nanatiling nakatalikod sa gawi ng binata. "Ang yummy naman niya. Blessing ata 'to ni Lord!" dagdag pa nito.

Kabila ng hiyang nararamdaman ni Chandria, nagawa niya pa ring magsalita at kausapin si Daniel. Tumayo siya at hinarap ito. "Anong ginagawa mo dito, Daniel?"

"Daniel, huh?" Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata. "Akala ko ba ako ang Dan mo?"

Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi nang maramdaman ang iilang matang nakamasid sa kanilang dalawang ni Daniel. Pati ang bading na nasa tabi niya'y impit na tumitili na para bang kinikilig.

Nakaramdam siya ng tuwa nang marinig niya ang iilang bulong ng kababaihan 'di kalayuan sa kinatatayuan niya. Kinikilig ang mga ito dahil sa pagiging bossy ni Daniel. May isa pang nagsabing napakagwapo daw ng asawa niya. Hindi niya akalaing mapagkakamalan si Daniel bilang asawa niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" lakas-loob niyang tanong kay Daniel.

Tumatawang umiling si Daniel. "I'm here to fetch you."

Tinawid ni Daniel ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Huli na para maka-angal si Chandria sapagkat mabilis siyang nahila ni Daniel palabas sa salon. Kahit na magpumiglas siya ngayon, hindi pa rin siya makakawala sa mahigpit na hawak ni Daniel sa kanya.

Lumuwag lamang ang kapit ni Daniel kay Chandria nang ipasok siya nito sa kotse. Mabilis itong umikot sa driver's seat at pinaharurot ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero hindi na siya nagtanong kay Daniel. Abala si Chandria sa pagpapakalma sa naghuhumerentado niyang puso.

Awtomatikong tumaas ang kanang kilay ni Chandria nang mapansin ang pagtigil ng kotse nito sa harap ng kanyang bahay. Hinatid lang naman pala siya ni Daniel sa kanyang bahay. Akala niya kanina'y kung saan sila pupunta.

Walang sali-salitang lumabas siya sa kotse ni Daniel. Sumunod naman ang binata sa kanya hanggang sa makapasok sila sa sala. Mabilis itong umupo sa sofa at humalukipkip. Nanatili naman siyang nakatayo. Nakita niya ang pagdepina ng mga muscles sa braso ni Daniel. Bahagya siyang napatunganga ngunit mabilis niya ring inilihis ang tingin.

"Hindi ka pa ba aalis?" kagat-labing tanong ni Chandria. "Baka may dapat kang asikasuhin ngayon."

Umiling lamang si Daniel at tinapik-tapik ang espasyo sa tabi nito. Para bang sinasabing nitong tumabi siya. May mapanuksong ngiti na nakaguhit sa labi nito. Nagdadalawang-isip siya kung susundin niya ba ang binata. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito ngayon. Bakit ito nanlalambing kung ang alam ni Daniel ay kabit siya ng ama nito? Diba dapat lumalayo ito sa kanya? Daniel's actions are always unpredictable and it's making her confused.

Sa halip na sundin ang gusto nitong tumabi siya, nanatili siyang nakatayo sa harap ng center table. May tamang distansya lamang sa kanila pero pakiramdam niya'y sobrang lapit pa rin nila sa isa't-isa. Nakaka-suffocate.

Hindi niya napansing nalunod na pala siya sa kanyang malalim na pag-iisip. Bumalik lamang siya sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Daniel. Mabilis na dumapo ang kanyang tingin sa binata. Nagkibit-balikat lamang ito. Nawala na ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Daniel.

"Wala akong trabaho ngayon." sambit nito. Ipinatong nito ang kanang paa sa kaliwa. Nakade-kwatro na ito sa kanyang harapan ngayon. "I'll be staying here." 

Nangunot ang noo ni Chandria. "Seriously, Dan?"

Nangangawit na ang paa niya ngunit tiniis niyang huwag umupo upang hindi sila tuluyang magkalapit ni Daniel. May pang-isahang sofa naman ngunit malapit ito sa kinauupuan ng binata.

"You sounded so irritated with my presence." Nag-isang linya ang labi ni Daniel. "Ayaw mong nandito ako?"

"Dan..." Napakagat-labi si Chandria at bahagyang yumuko. Sa bawat segundong dumaan ay lalong naghuhumerentado ang kanyang puso. "Please, umuwi ka na. I don't want you near me right now. Nasasaktan pa rin ako sa mga bintang mo sa akin."

There she said it.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now