Sweet chewy bubblegum

638 28 5
                                    


"Baliw ka na ba?" Lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig ni Chandria. "Do you think I'll wear something like that? Absolutely no way! That's ew."

She tried to emphasize every single word and she did it perfectly. Daniel is obviously irritated by that. Nagiging klaro na ang mga ugat sa kamay ng binata dahil sa mahigpit na hawak sa steering wheel ng kotse.

"I am serious, Chandria." Magkasalubong ang kilay ni Daniel nang sulyapan siya. "If you want to get better, do the basic thing a professional must do."

Daniel considers her a professional? That's quite unbelievable.

Tumaas ang kilay niya. "What's the basics then?"

Daniel cleared his throat as he spoke, "First, you need to know the proper dress code."

"I told you. I'm not changing my style just for the sake of this stupid work." Napapadyak na lamang si Chandria sa kanyang paa dahil sa inis. "I'll wear black dresses daily. And that's final."

"Hard-headed." Napailing-iling si Daniel. "Kelan ka ba makikinig sa akin, ha?"

"Kapag mag-asawa na tayo," diretsong sagot niya.

Hindi siya kumurap. Wala siyang naramdamang hiya pagkatapos iyong sambitin. She delivered it without fail. Well, thanks for her unfailing confidence though.

"Saan galing iyang pinagsasabi mo? Nananaginip ka ba? What made you think na magiging mag-asawa tayo?" sarkastikong tanong ni Daniel habang patuloy na nagmamaneho. Nakatuon ang tingin nito sa daan.

"Bakit? Do you think it's not possible?" Ipinagkrus ni Chandria ang mga braso niya sa ibabaw ng kanyang dibdib. "You know, you can easily fall in love with me and ask me for marriage. I am smart, sexy, talented, rich and above all, I'm gorgeous from head to toe. Hindi ka na malulugi sa akinㅡ"

Napasinghap si Chandria nang biglang huminto ang kotse. Mabilis na dumapo ang tingin niya sa labas ng bintana at nakitang nasa tabi na ng isang convenience store ang kotse ni Daniel. Malayo pa ito sa bahay niya.

Puno ng kuryosidad siyang lumingon paharap kay Daniel. Napaawang ang labi niya nang makitang pinihit rin pala ni Daniel ang sarili nito paharap at umusog ng kunti palapit sa kanya. Nasalubong niya ang tensiyon na bumabalot sa mga mata ni Daniel habang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya. May plano ba itong halikan siya?

"You think you've got it all?" Mariin siyang napahawak sa laylayan ng kanyang dress nang maramdaman ang mainit na hininga ni Daniel sa kanyang tenga habang mahina itong bumubulong. Damn! She can hear his heart pumping fast synchronizing the beat of Daniel's voice. It took away the words that she planned to utter.

"Nagkakamali ka. Maling-mali ka," dugtong ni Daniel habang unti-unting lumalayo ang mukha nito sa kanya. "Wala ka nito."

Umawang ang labi ni Chandria nang lumapat ang daliri ni Daniel sa kanyang dibdib. Manipis lamang ang suot niya kaya'y agad niyang naramdamam ang init ng balat ni Daniel na dumadampi sa kanyang dibdib. For goodness' sake! He was almost pointing at her left nipples.

Chandria immediately slapped his hand away and threw a deadly glare at him. "Keep your hands off me, Dan."

Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Daniel.

"If you think I'm touching your flat boobs, the answer is no. And if you think you already have everything, the answer is still no," seryosong wika ni Daniel habang pinapasadahan siya nito ng mapanuring tingin. "You don't have a heart. Iyan ang kulang sa iyo."

Pagak siyang tumawa. "Are you serious about that, Dan? Hindi na sana ako nabubuhay ngayon kung wala akong puso."

"You're taking it literally." Napailing si Daniel bago muling nagsalita, "Ang ibig kong sabihin ay kulang ka sa kabutihan. Hindi ka marunong umintindi ng ibang tao. Selfish ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. Mahilig kang magmanipula. Akala mo ikaw ang palaging tama. Hindi ka marunong magrespeto sa mga taong nakakasalamuha mo. Pati sarili mo hindi mo na magawang respetuhin. That made you lose your heart and even your dignity as a woman."


"Wow!" Sarkastikong tumawa si Chandria at pumalakpak. "Wala akong masabi sa speech mo, Dan. You're really good at it. But you know what? Whatever you say, I don't care. This is who I am, the wicked and wise Chandria. No one can change the way I dress, the way I think and the way I move. Deal it with."

A smirk slowly appeared on Chandria's lips as she flipped her hair on the side. Napailing na lamang si Daniel habang tinitigan ito. Napagdesisyunan nitong magmaneho na lang ulit.

Ilang minuto rin silang natahimik. Kung may magsasalita man ay tungkol lang iyon sa daan patungo sa bahay ni Chandria. May magtatanong, may sasagot. Pagkatapos, mananahimik din silang dalawa. Ganoon ang nangyari sa sampung minutong lumipas. Hanggang sa hindi na talaga makayanan ni Chandria ang katahimikan. Napasigaw na talaga siya dahil sa inip na bumabalot sa kanyang sistema.

"Damn!" Marahas niyang kinamot ang sariling buhok. "I can't take this anyㅡ"

Napatigil si Chandria sa pagsasalita nang bigla na lamang nagpreno ang sasakyan ni Daniel. Halos mauntog pa siya sa dashboard ng kotse. Buti nalang at nakakabit pa rin ang seatbelt niya at naitukod niya rin ang kamay sa upuan.

Inayos niya ang nagulong buhok at agad na lumingon kay Daniel na ngayon ay nakatingin na sa gate niyang nakasarado. Nasa left side iyon kaya mas kita sa gilid nito.

Tumikhim ito at sinulyapan siya. "Nandito ka na. Pwede ka ng lumabas."

"Thank you for the ride." Inirapan niya si Daniel at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse nito upang makalabas na. Pakiramdam niya'y aatakehin siya ng asthma sa loob dulot ng malakas na hanging dala ng kasungitan ni Daniel. Pabalibag niyang isinara ang pinto ng kotse. Wala siyang pakialam kung magkaroon ito ng sira. She can always pay the damage in cash or check.

Umikot siya papunta sa kaliwang bahagi ng kotse at kumatok sa bintana ng driver's seat. Hindi niya malaman kung nakatingin ba si Daniel sa kanya sapagkat tinted ang kotse nito kaya mas nilakasan niya ang pagkatok. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya maramdaman ang unti-unting pagbaba ng bintana ng kotse ni Daniel. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Daniel. Napatiim-bagang ito habang nakahawak sa manibela.

"Ano na naman?" Puno ng iritasyon ang boses ni Daniel. Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

Dumukwang si Chandria at itinukod ang kanyang siko sa nakabukas na bintana ng kotse. Ipinasok niya nang kunti ang ulo niya at lumaban ng titig sa dalawang pares ng mata ni Daniel. Daniel did the same. He stared through her eyes' depth. And that's the best signal for Chandria to pull his nape and capture his lips into a kiss. She can hear Daniel gasping in shock as she bit Daniel's lower lip and expertly inserted her tongue to his mouth.

Oh gosh! I'm about to do a french kiss with Daniel on the roadside. And his lips is so damn good. It tastes like a sweet chewy bubblegum. Tangina this! Naka score nanaman sya buwahahaha.








******

A/N

Mga da moves ni Chandria pak na pak hahaha. :)

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now