Unpredictable brute

529 29 1
                                    

Sumasabay ang tibok ng puso ni Daniel sa bawat paghikbi ni Chandria. Ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Somehow, she felt at ease. She didn't expect this, Daniel hugging her for comfort.

Ilang segundo nang huminto ang pagtulo ng kanyang luha ngunit nanatili pa rin si Chandria sa bisig ni Daniel. Hindi niya binigyang-pansin ang tingin ng kanyang ama sa gawi nila.

"Chandria," pabulong na tawag ni Daniel. Lumuwag ang pagkakapulupot ng braso nito sa kanyang likod. "Halika na. Ihahatid na kita sa bahay mo."

Agad siyang nagtaas ng tingin upang umangal. "Pero..."

"It's best for you to go home now." seryosong wika ni Daniel kasabay ng tuluyan nitong pagbitaw sa kanya.

Tumikhim ang kanyang ama kaya'y dumapo ang tingin niya sa gawi nito. "Tama, Anak." Sandali itong tumitig sa kanya ngunit nilihis din nito ang tingin kay Daniel. "Magulo pa ang isip ng anak ko ngayon kaya huwag mo munang hayaan na magmaneho iyan ngayon. Send her home safe, Daniel. I trust you."

Tumango lamang si Cadmium sa kanyang ama. Pagkatapos ay siya naman ang binalingan nito. "Tara na, Chandria."

Umiling-iling si Chandria upang ipahayag ang kanyang pagtutol. Ayaw niyang lumabas sa silid na namamaga ang kanyang mga mata. Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Daniel ang pulsuhan niya at hinila siya palabas ng library.

Nang makababa silang dalawa sa sala, agad na lumapit sa kanya si Elena. Nakakunot ang noo at may bahid ng pag-aalala ang mukha nito. Nakasunod sa likod nito ang anak na si Emma.

Huminto si Daniel sa paglakad kaya huminto na lang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang harapin ang dalawang babaeng kinaiinisan niya. Kahit na nanghihina ang kanyang sistema, nagawa pa rin niyang pagtaasan ng kilay ang mag-ina.

"Anong nangyari sa itaas? Ba't namumula ang mata ni Chandria? Umiyak ba siya?" dire-diretsong tanong ni Elena.

Si Daniel na ang sumagot, "Something just...came up."

"Ano ba talagang naganap?" Puno ng kuryosidad ang boses ni Elena ngunit agad din itong napalitan ng malakas na singhap. "Nalaman niya?"

Napangisi si Chandria dahil sa narinig. Ramdam ni Chandria na may alam si Elena sa kanyang nakaraan base sa pananalita nito. Nakakasuya sa parte niya. Iyong ibang tao, nakakaalam pero siya mismo sa sarili niya'y bulag na bulag sa katotohanan.

"Wow!" Sarkastiko siyang tumawa at bumaling kay Daniel. "Alam din pala ng dalawang sipsip na 'to ang nangyari sa akin noon. I'm shocked."

Napatiim-bagang si Daniel. "Watch your words, Chandria." pagalit na wika nito sa kanyang tabi.

May gumuhit na malungkot na ngiti sa mukha ni Elena at lalo itong lumapit sa kanya. "Chandria, alam namin ang nangyari sayo. Pero dahil sa hiling ng ama mo'y hinayaan na lang naming maitago ang isyung 'yon."

Bahagyang napaatras si Chandria nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Elena sa kanyang braso. Mabilis pa sa alas-kwatrong iwinaksi niya ang kamay nito. Naiinis siya sa babaeng ito. Naiinis siya sa pinapakita nitong kabaitan. Pero mas naiinis siya sa sarili niyang puso dahil ngayo'y binibigyan nito ng kahulugan ang aksiyon ni Elena.

Inirapan niya ang mag-ina. "Tapos na ba kayong mang-usisa? Uuwi na ako." Pagkatapos niya iyong sabihin ay nilagpasan lamang niya ang dalawa.

Dire-diretso siyang naglakad patungo sa nakabukas na pinto. Ang huli niyang narinig bago siya makalabas ng bahay ay ang paghingi ng paumanhin ni Daniel.

Bago pa man siya makarating sa pinagparadahan ng kanyang kotse, may biglang humigit sa kanyang braso dahilan ng paghinto niya. Hindi man siya lumingon, may ideya na siya kung sino ang taong nasa likod niya ngayon. Si Daniel iyon. Napakagat-labi na lamang siya at sikretong nagmura sa kanyang isipan nang mapagtantong nakasunod agad ang binata.

"Where are you going?" matigas na wika nito. "Sa akin ka sasabay."

Marahan siyang lumingon paharap sa binata. Tinaasan niya ito ng kilay. "I can drive on my own. Hindi mo na ako kailangang ihatid."

Nagkasalubong na naman ang mga kilay ni Daniel. "Your father won't allow that, Chandria." Halata ang iritasyon sa boses nito.

"Yeah, right! As if he can stop me." Umirap si Chandria at iwinaksi ang kamay ni Daniel na nakahawak sa kanyang braso.

Agad siyang humakbang nang mabitawan ni Daniel ng braso niya. Habang papalapit siya sa kanyang kotse ay nakita niya sa repleksyon sa bintana ang marahas na paggulo ni Daniel sa buhok nito.

"Kung hindi mo ako susundin." mapanghamon ang boses ni Daniel nang magsalita ulit ito sa kanyang likuran. Napahinto si Chandria sa paglakad. "Daanin na lang natin 'to sa puwersahan."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng binata. Akmang bubuksan na ni Chandria ang pinto ng kanyang kotse nang marinig ang pagtawag ni Daniel sa pangalan ng drayber ng ama.

Bahagya siyang lumingon sa likuran. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si Daniel na kausap ang drayber ng ama sa gilid ng itim nitong kotse. Nakangisi ito habang nakaturo ang daliri sa gawi niya. Tumango ang drayber at nagsimula nang lumakad papunta sa kinaroroonan niya. Si Daniel ay mabilis na nawala sa kanyang paningin sapagkat pumasok na ito sa sariling kotse.

"Ma'am Chandria!" tawag ng drayber nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "Sabi ni Sir, ako na po daw ang maghatid ng kotse mo sa bahay niyo."

"No," matigas niyang wika sabay iling. "Ako na ang magmamaneho, Manong. Kaya ko na."

"Pero Ma'am, sabi ni Sir Daniel, may date pa daw kayo at..." Napakamot ng ulo si Manong at parang nagdadalawang-isip kung magpapatuloy ba sa pagsasalita. Ilang segundo rin bago nito tinuloy ang dapat sabihin, "magpapacheck-up din daw po kayo sa OB-gyne."

Napaawang ang labi ni Chandria dahil sa narinig. Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Ngunit hindi niya mapagkakailang kinikilig siya. He didn't have to make up such things but he did. Just what the hell!

"Sinabi niya iyon?" wala sa sariling sambit niya.

Chandria couldn't believe Daniel said that. Perhaps it's his other side talking.

"Oo Ma'am." Marahang tumango ang drayber. "Pero Ma'am..." Umiwas ito ng tingin na para bang nahihiya. "Alam po ba ito ni ng Dad nyo? Ilang buwan na po iyang nasa sinapupunan mo?"

Napasinghap na lamang si Chandria at namumulang sinamaan ng tingin ang itim na kotse. Daniel Markus Ford is a real unpredictable brute.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now