Good-for-nothing

1.2K 45 3
                                    

"What happened to you, Chandria?" histerikal na tanong ni Jana. Nakapameywang ito sa harap ni Chandria.

"You bleached your hair?" sabat naman ni Sandy  sa kanyang tabi. Dumulas ang daliri nito sa kanyang buhok. "New style?"

Chandria's eyebrows met halfway as she gazed at her friend. Perhaps, they could not believe that someone who loves black just changed her natural black hair to an ashy-white color.

Chandria smirked, flipping her hair from side to side. "Just wanna have this for a change."


"Himala," maikling komento ni Mitzie at tinitigan siya nito. Puno ng kuryosidad ang mata nito.

"Whatever!" Chandria rolled her eyes heavenwards and sat on the vacant space of the sofa next to Sandy. "Walang batas ang nagsasabing bawal ang ginawa ko."

Hindi niya maiwasang mainis sa mga kaibigan niya. Kung maka-react naman kasi ang mga ito ay parang sobrang laki ng kasalanang nagawa niya.



"Fine." Narinig niya ang mahinhin na boses ni Mitzie. Nakatutok lamang ang mga mata nito sa librong nakabuklat sa harap nito. "Enough with that topic."



Nagkibit-balikat lamang si Chandria. Hinablot niya ang isang baso ng alak sa ibabaw ng center table. Napangiwi siya nang matikman ang lasa ng inumin. Masyadong mapait!


Pabagsak niyang inilapag ang basong wala ng laman sa center table at nanlilisik ang mga matang tinitigan si Jana.


"Ano ba naman itong inumin niyo? Sobrang tapang," komento niya. "Madaling mamatay si Zach niyan kapag kinunsumo niya ito."

Umiling-iling si Jana at ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Halata sa boses nito ang iritasyon. "Hindi mahilig uminom ang asawa ko."

Nagkibit-balikat lamang siya at marahang isinandal ang likod sa sofa. Hindi na siya nagkomento pa at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata. Hindi siya makikipag-argumento sa isang buntis, lalo na't si Jana ito. Madalas ang mood swings nito. Siguradong masasakal siya ni Zach kapag nalaman nitong sumama ang loob ni Jana. Napaka-protective pa naman ni Zach sa asawa nito.

"Hoy Chandria!" pasigaw na tawag ni Sandy sa kanya. "Anong balak mo sa buhay mo?"


Agad na napamulat ang kanyang mga mata dahil sa narinig na tanong. Speaking of balak, bigla niyang naalala ang plano niya. Ngayong gabi nga pala ang engagement party ng kanyang ama at ng girlfriend nito. She has planned to ruin this night for three days now, yet she just forgot about it? It suddenly frustrated her.

"Damn!" naibulalas ni Chandria. "Bakit ko ba iyon nakalimutan?"


Dali-dali siyang tumayo at marahas na kinuha ang itim na leather jacket na nakapatong sa lamesa ni Jana. Hindi na niya ito isinuot at basta nalang niyang binitbit sa kamay. Nang humarap siya sa mga kaibigan ay nakita niya ang pagkalito sa mga mukha nito. Nakakunot ang noo ni Jana at Mitzie. Si Sandy naman ay nagtaas ng kilay.


"What's the rush?" tanong ni Sandy.

Ngumisi lang siya at isa-isang nilapitan ang tatlo upang makipagbeso-beso. "Nothing. Just wanna ruin someone's moment."


Without waiting for her friend's comment, she turned her back on them lifting up one side of her lips and  went out of Jana's house. She went straight to her car and drove it fast.



Nang makarating si Chandria sa bahay ng ama dito sa Bel-Air Village, agad niyang pinarada ang itim niyang Lexus RX sa malawak na garahe ng kanyang ama. Muntik niya pang mabangga ang isang puting SUV dahil bigla itong umatras. Buti nalang at hindi siya nataranta. Nailiko niya agad ang kotse niya.


Ipinarada niya ang kotse sa pinakadulo at nagretouch muna bago lumabas. Kaunting eyeliner lang naman at itim na lipstick. Inayos niya rin ang nagusot na black tube tops at stripped jeans. Pati ang pagkakasuot niya ng midheel ankle boots na itim. Sapat na ang itsura niya para maging head turner siya ngayong gabi.

Taas noo siyang lumabas ng kotse at naglakad papunta sa hardin na nasa likod ng bahay ng ama niya. Hindi pa man nakakarating doon ay naririnig na niya ang boses ng emcee. Naka-microphone ata e.



"This night is a memorable moment for Mr. George Bernardo and his beautiful date, Ms. Elena Ramos..."

Sumama agad ang mood ni Chandria dahil sa naabutan niyang anunsiyo ni Emma, ang nag-iisang anak ni Elena. Ito ang tumayong emcee ng party. Halatang nasisiyahan ito sa kaalamang ang ina nito ay magpapakasal sa isang mayamang lalaki na may edad na.


Lalong nilukob ng inis ang sistema ni Chandria nang makita ang malaking ngiti sa kanyang ama. Halata sa mukha nito ang saya. Si Chandria lang siguro ang hindi natutuwa sa pangyayaring ito. Tutol siya sa pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama.


Taas noo siyang naglakad palapit sa kanyang Daddy George. Wala siyang pakialam sa naririnig na singhap at komento ng ibang tao. Pareho-pareho lang naman ang mga panghuhusga nila. It's either they say she's a good-for-nothing daughter of a well-known engineer and businessman or a disrepected black sheep of the family.













******

A/N

Hi beshies! Back to KN Fanfic tayo. Namiss ko ito hahahaha. Hope you'll find this story interesting and worth reading. Please leave a comment or use #TBD if you're in Twitter. xoxo! :)

P.S medyo maiikli lang po siguro per chapter pero depende pa rin sa mga ganap hahahaha.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now