Not even her Dan

932 39 5
                                    


"Hi Daddy!" she uttered graciously, pleading for the moon to give her an award for Best In Acting tonight. "You look good on your white suit!"

"Really, Chandy?" Napa-ikot ang kanyang mata nang sumabat si Elena, iyong kasintahan ng kanyang ama. "Ako ang pumili niyan!"

Humarap siya kay Elena na katabi lamang ng kanyang Daddy. Pumeke siya ng ngiti. Sasabayan niya ang kaplastikan nito.


"Oh, Tita! Ikaw pala 'yan? Akala ko katulong namin. My bad!" bulalas niya.

Dahil sa lakas ng pagkasabi niya noon ay napalingon ang mga bisita na nasa kabilang table. Narinig niya ang mahinang bulungan ng matatanda. Napangisi siya dahil doon.

"Chandy!" her father grunted.

Hindi siya nagpatinag sa kanyang ama. Sa halip ay sumandal siya paharap kay Elena at inilapit ang labi niya sa tainga nito.

"Kahit ano pang suotin mo, kahit ano pang alahas ang kumapit diyan sa katawan mo, hindi magbabago ang tingin ng iba sayo. You're just a gold-digging sycophantic maid."

Lumayo si Chandria pagkatapos niyang bumulong kay Elena. Napansin niya Kang paggalaw ng kamay nito. Elena's palm slowly closed as it turned into a tight fist. Halatang nagtitimpi ito ng galit. Bago pa man ito makasagot ay tinalikuran na niya ito.


Naglakad siya patungo sa maliit na platform sa harapan kung saan nakatayo si Emma. Tumaas ang kanyang kilay  nang makita ang tipid na ngiti sa mukha nito.

"Akin na ang microphone," mataray niyang utos kay Emma.

"E-eto po, ate," nauutal nitong sambit habang nakayukong inabot sa kanya ang mikropono.


Agad niyang itong hinablot at marahas na itinulak si Emma sa tabi. Napadaing ito pero hindi niya iyon pinansin. Ni katiting na konsensiya ay hindi niya naramdaman.


Chandria cleared her throat before uttering a word over the mic, "Good evening, everyone! Are you enjoying the party?"


Some of the visitors shouted 'yes'. Some were ringing their wine glasses by continuously hitting it with a spoon.


"Glad to know that you're all enjoying the party." Her chuckle echoed all over the place. "Sorry kung nagmukha akong gate crasher kanina. Guess you're not that surprised when you saw me in an all black wear."


Nakita niya ang pagtayo ng kanyang Daddy George. Nakakunot ang noo nito. Humakbang ito ngunit hinawakan ni Elena ang braso nito. Mukhang pinipigilan ni Elena ang ama niya kaya napaupo ulit ito.



"By the way, I would like to announce to everyone that this event is just a joke." Pumeke siya ng tawa. "Who would think this is serious? Would you believe that my father, Mr. George Bernardo, would marry his family's maid?"

Chandria's gaze landed on his father's face. She saw how his nose crinkled in annoyance and his eyebrows were meeting halfway. He's obviously mad, but she didn't care about how his father would react.

Goal No. 1: Mess up and bring trouble to the engagement party. That's what she's doing at the moment.


She picked up the wine glass placed on top of the buffet and tossed it up on the air, grinning to the whole audience. "The party's over, everyone! Goodbye."


Naglumikot ang mga mata niya sa kabuuan ng lugar. Lahat ng mga bisita ay isa-isa rin niyang tinignan. Wala siyang pinalampas, binata man o matanda. She's looking for someone.

Oh, there!

Napangisi siya nang makita ang binatang hinahanap. Her Dan. Buti nalang at inimbitahan ito ng papa niya. Magkatrabaho kasi ang binata at ang papa niya sa isang construction firm.

Mabilis siyang bumaba sa platform at naglakad patungo sa dulong table kung saan nakaupo si Dan kasama ang mga ka-edad nitong businessmen at engineers. Namumukhaan pa niya ang kuya ni Mitzie, si Matthew.

"Hi Dan," she greeted as she reached his place. There's a grin on her face.

Lumingon si Daniel sa gawi niya. Magkasalubong na naman ang kilay nito. Ganito palagi ang ekspresyon sa mukha ng binata kapag magkaharap sila o kapag kinakausap niya ito.


"It's Daniel Markus Ford. Not Dan." pagtatama nito. "Stop calling me like that."


Napaikot ang kanyang mata sa sinabi nito. "Whatever. I'm still calling you Dan."

"Didn't you get me?" Puno ng iritasyon ang boses ni Daniel.

She lifted her point finger in the air and with that grin on her face swinged it to and fro.

"I perfectly got it," she simply stated. "But since gusto ko na unique yung tawag ko sayo and I like you, then I'll have to call you Dan."

Narinig niya ang pagsipol ng mga binatang nasa table. Binalingan niya ng tingin ang mga ito at kinindatan iyong chinito sa grupo. Mas lalo namang nagkantyawan ang mga binata. Pati iyong nasa kabilang table ay napapatingin na sa gawi nila.

Bumalik ang tingin niya sa binata nang tumayo ito. Masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya. "You already messed up with your father's engagement party. And now you're trying to make a scene here. For Pete's sake! Can you just go and make your own life?!"

Napaawang ang labi ni Chandria dahil sa bulyaw ng binata. Natahimik ang mga bisitang nasa malapit. Hindi niya nagawang sumagot para sa sarili niya. He humiliated her in front of everyone. She's got no idea, but she felt embarassed all of a sudden. Nawala iyong Chandria na walang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa kanya. Parang gusto niya na lang maglaho na parang bula. Matalim siyang tinitigan ni Daniel.

"Tama na iyan, pre," awat ni Matthew. Tumayo ito at tinapik ang balikat ng binata.

"Hindi, pare." Umigting ang bagang ni Daniel at mabilis na tinabig ang kamay ni Matthew. "She needs to know her boundary."

Hindi siya nilubayan ng masamang tingin ni Daniel. Nawalan man si Chandria ng lakas ay sinubukan niyang itaas ang kanyang kilay. Hindi niya hahayaang makita ni Daniel na naaapektuhan siya sa mga sinabi nito.


"Ikaw!" Tinuro siya nito. "Don't touch me. Don't talk to me. Don't even think of befriending me. You understand? I don't like you! You look like a bitch. You act like a bitch! Nakakahiya ka!"


Ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Daniel ay parang kutsilyong sumaksak sa puso ni Chandria. Baon na baon ito. Napakagat-labi na lamang siya at bahagyang yumuko. Ganoon na ba siya kasamang tingnan? Oo nga naman. She's a bitch. And no one can change that. Not even her Dan.



Humigit siya ng malalim na hininga bago tinalikuran ang binata... bago kinalimutan ang kahihiyang sinapit.













********

A/N

Uh uh. Ang mean din ni Daniel ano? Hahahaha char! Please vote and leave a comment to this chapter. Thanks! #TBD

The Bitchesa's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon