Where it all started

556 25 0
                                    


Namumula ang pisngi ni Chandria at padabog siyang pumasok sa kotse ni Daniel. Agad siyang umupo sa passenger seat at marahang sinulyapan ang binatang sumisipol-sipol sa kanyang tabi. Halatang nang-aasar lang. Nawala ang kilig na kanyang naramdaman. Inis na lamang ang naiwan sa kanyang sistema dahil sa inaasta ni Daniel. Sinamaan niya ng tingin si Daniel at marahas na hinampas ang balikat nito.

"Anong pinagsasabi mo sa driver ni Dad?!" singhal niya. "Why are you making up stories?"

Hinampas niya ulit ang binata ngunit naging mas maagap ito. Mabilis na nahuli ni Daniel ang pulsuhan niya. Pilit siyang kumawala sa kapit nito ngunit lalo lamang humihigpit ang paghawak ni Daniel sa pulsuhan niya.

Nangungunot na ang noo ni Chandria dahil sa inis habang sumusilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Daniel.

"Calm down, Chandria." mahina ang boses ni Daniel nang magsalita. "There's no big deal about that."

"Seriously?" Inirapan niya ito. "You were saying that I'm pregnant. That's a big deal for me."

"Bakit?" Napaatras si Chandria nang dumukwang si Daniel palapit sa kanya. Nakapinta pa rin ang ngisi sa mukha nito. "Totoo ba?"

Tumitig siya sa itim nitong mata at marahang umiling. "Of course not!"

"Hindi naman pala, e. Huwag mong gawing problema ang simpleng isyu na 'yon." Bumaba ang tingin ni Daniel sa tiyan ni Chandria ngunit mabilis ring itong bumalik sa pagtitig sa mukha niya. "You can always deny it."

Umiwas si Chandria ng tingin at kagat-labing tumango. Natahimik siya. Natahimik din si Daniel. Ngunit ramdam niya ang titig nito sa kanya. Naririnig niya ang sunod-sunod nitong paghinga.

Ilang segundo rin ang lumipas bago niya naramdaman ang paggalaw ni Daniel. Marahan nitong binitawan ang pulsuhan niya. Inilapag nito ang kamay niya sa hita niya. Pagkatapos ay agad din itong umayos ng pagkakaupo sa driver's seat. Tahimik nitong pinaandar ang makina ng sasakyan.

Makalipas ang ilang segundo'y naramdaman na lamang ni Chandria ang pag-abante ng kotse ni Daniel. Mabilis itong nakalabas sa gate ng bahay ng kanyang ama.

"Diretso mo ba akong ihahatid sa bahay?" Marahan niyang kinagat ang ibabang labi bago sumulyap kay Daniel.

Seryosong nagmamaneho ang binata. Marahan ang pagpapa-ikot nito sa manibela. Ang mata nito'y nasa daan. Hindi siya nito sinusulyapan kahit ilang segundo man lang.

"Dan..."

"Hmm?"

"Didn't you hear me?" she sounded a but irritated. "I'm asking... kung diretso mo na ba akong iuuwi sa bahay?"

Saglit itong sumulyap sa gawi ni Chandria. May kung anong ekspresyon sa mata nito na hindi niya mabasa. Ngunit nawala din iyon nang agad na bumawi ng tingin siDaniel. Pagkatapos ay malalim itong humugot ng hininga.

"I won't be sending you home, yet." seryosong wika ni Daniel. Nakatutok ang pares ng mata nito sa maluwag na daan. "May pupuntahan muna tayo."

Napatango na lamang si Chandria at hindi na umalma. Wherever is it, she knew she'll be safe with him. Humalukipkip lamang siya at itinuon ang pansin sa mga gusali at establishments na nadadaanan. Ito na yata ang kanyang hobby kapag sumasakay siya sa kotse ni Daniel at biglang tatahimik ang paligid.

Hindi niya namalayan na ilang minuto na rin pala siyang nakatulala sa bintana ng kotse. Nangunot ang kanyang noo nang pumarada ang kotse sa gilid ng isang guard house.

Lumingon siya sa gawi ni Daniel. Unti-unting bumaba ang bintana sa gilid nito at bumungad sa kanya ang striktong mukha ng security guard. Itinukod nito ang kamay sa bintana at bahagyang dumungaw.

"Magandang umaga, Sir." pormal na bati nito kay Daniel. Bumaling ang tingin nito kay Chandria pagkatapos. "Magandang umaga din, Ma'am."

Magkasabay silang tumango ni Daniel bilang sagot.

Tumikhim si Daniel bago nagsalita. "Are we allowed to go inside? May pupuntahan lang kami."

"Ah, Sir, maglog-in po muna kayo bago pumasok. Iyon po kasi ang patakaran ditto." seryosong wika ng guard. "Teka po. May kukunin lang ako." maayos nitong pakiusap.

Mabilis itong tumalikod at naglakad pabalik sa guard house. Ilang saglit din silang naghintay doon sa guard bago ito bumalik. Pagbalik nito'y may dala na itong logbook at ballpen na inaabot kay Daniel.

Agad iyong tinanggap ni Daniel at marahang tinanggal ang takip ng ballpen. May isinulat ito sa malinis na pahina ng logbook ngunit hindi na nakialam si Chandria.

Ilang segundo pa'y ibinigay na ulit ni Daniel ang logbook at ballpen sa security guard. Ang marahang pagtango nito ang huli niyang nakita bago sila tuluyang nakapasok sa isang pamilyar na unibersidad. Ipinarada ni Daniel ang kotse nito sa harap ng Personnel Office, kahanay ang iilang mamahaling kotse at motorsiklo.

Nangunot ang noo ni Chandria nang dumapo ang kanyang tingin sa isang four-storey building. She remembered this place. This is where she studied college and graduated. Pero... bakit siya dinala ni Daniel sa dati niyang paaralan? Anong gagawin nila ngayon dito?

Bago pa man niya mailabas ang mga tanong sa kanyang isip, nauna nang kumilos si Daniel. Mabilis itong lumabas sa kotse kaya sumunod na lang din si Chandria. Ayaw din naman niyang magpaiwan sa kotse.

Nauna si Daniel sa paglalakad. Iilang metro din ang layo nila. Wala siyang ibang nagawa kung 'di ang ikulong ang katawan nito sa kanyang paningin habang binibilisan ang sariling paglakad.

Iilang estudyante sa corridor ang napapalingon kay Chandria. May iilang babae pang hini-head-to-foot siya. Alam nya ang uri ng tingin na iyon. Puno ng panghuhusga. Hindi na lang niya iyon pinansin. Sanay na naman siya, e. Nagdire-diretso lamang siya sa paglakad habang sinusundan ng tingin ang likod ni Daniel.

Huminto ang binata sa paglakad nang marating nila ang isang garden na may tatlong bench sa bawat gilid. Tahimik ang buong lugar at walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. Mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ni Daniel.

"What are we doing here?" tanong niya nang tuluyan siyang mapunta sa tabi nito.

Hindi lumingon si Daniel sa gawi niya. "This is where it all started." Inilagay lamang nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at huminga nang malalim. "This is where the tragedy began."



The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now