Manipulative

699 29 2
                                    


Their meeting went smooth so it lasted for thirty minutes only. But for Chandria, who dislikes business talks and stuff, it felt like a thousand years of boredom hearing her father and Daniel exchange notions. Halos wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Buti nalang talaga at napigilan niya ang sariling magreklamo kaya walang nangyaring argumento.

Magkasabay na lumabas si Chandria at Daniel sa library. Nagpaiwan naman sa silid ang kanyang ama. Tahimik lang silang dalawa ni Daniel habang tinatahak ang daan pababa sa first floor ng bahay. Wala atang enerhiya si Chandria na kausapin ito ngayon. Her mind is literally occupied with stuff about construction and designing.

Napahinto siya sa paghakbang nang mapansin niyang tumigil si Daniel sa paglalakad. Nasa unang palapag na pala sila ng bahay. Sa sala mismo. Nangunot ang noo ni Chandria. Agad niyang sinundan ang tingin ni Daniel upang alamin kung ano ang sanhi ng paghinto nito.

Dumapo ang tingin niya kay Emma. Nakaupo ito sa pahabang sofa habang pinupunasan nito ng towel ang sarili nitong pisngi. Umirap siya at inilihis ang tingin patungo kay Daniel.

"Hi Kuya Daniel!" Nainis si Chandria nang makitang napahinto si Daniel sa pagtawag ni Emma. "Hi ate Chandria!"

"Hi Emma!" rinig niyang sagot ni Daniel. May ngiti sa mukha nito.

Nanlisik ang mata ni Chandria nang mapagtantong ngumingiti si Daniel sa mga taong hampaslupa. Sa kanya ay hindi iyon magawa ni Daniel sa kanya. He's being unfair. Isn't she worth a simple curve on his lips?

Muli siyang tinawag ni Emma, "Ano pong napag-usapan niyo sa meeting, ate Chandria?"

"Don't act like we're close," manghang na sagot kasabay ng pag-irap.

Chandria saw that certain hurt that twinkled in Emma's eyes but being the bitch she is, she still doesn't care. Chandria just moved her gaze away and walked out of the living room with her chin up and her hair flipped. Bahala si Daniel na maiwan sa loob kasama ng papansing Emma na 'yon.

"Kumusta ka na, Kuya Daniel?" Iyon ang huli niyang narinig mula kay Emma bago siya tuluyang nakalabas sa bahay.

Sumalubong sa kanyang iritasyon ang mataas na sikat ng araw sa labas ng bahay. Mas lalo atang nag-init ang ulo niya. Akala niya'y susunod agad si Daniel sa kanya pero hindi. Lumipas na lamang ang dalawang minuto pero hindi pa rin lumalabas si Daniel.

Nagmumukha na siyang tanga sa labas. Wala siyang ibang nagawa kundi tumayo at pagmasdan ang gate ng bahay. Nang makita ang kumikinang na itim na sasakyan ni Daniel ay biglang nawala ang inis sa kanyang isipan.

A bratty idea popped up inside her mind. How would it feel to ride inside that luxurious car of Daniel? She wanted to know how fun it is so she made a wicked plan to experience it today.

Mabilis siyang naglakad patungo sa garahe kung saan nakapark ang kotse niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Chandria nang makita ang driver ng ama na namumunas sa hood ng BMW M5. Agad siyang humakbang palapit dito at marahang tumikhim.

"Excuse me Manong," Chandria called the old man's attention. She tried so hard to sound a bit polite but her thick sarcastic voice came out so naturally it covered up her forced sweet tone.

"Baㅡ" Hindi natuloy ng drayber ang sasabihin nito.

Umawang ang bibig ng matanda nang lumingon ito sa gawi ni Chandria. Rumehistro sa mukha ng matandang drayber ang takot at kaba nang magtama ang kanilang mga mata.

"Ano pong kailangan niyo Ma'am?" namumutlang tanong ng driver sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay at ipinagkrus ang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Diretso niyang tinanong ang driver. "Diba alam mo ang address ng bahay ko?"

Marahan itong tumango.

"Take that car to my house." Itinuro ni Chandria ang itim na Lexus na nakaparada katabi ng nililinis nitong sasakyan. Pakatapos ay ibinaling niya ulit ang kanyang tingin sa matandang drayber. "And make sure na hindi iyan madadamage."

May pag-aalangan ang mukha nito nang iabot ni Kira ang susi sa kamay nito, "S-sige po, Ma'am. M-mauna na ako."

"Great! Ipark mo rin iyang sasakyan ni Dad sa labas ngayon din," utos ni Chandria.

"Pero Ma'am, bakaㅡ"

"Ang sabi ko, ilabas mo na ang sasakyan ni Dad ngayon din!" Tila nataranta ang driver nang pagtaasan niya ito ng boses.

Hindi na sumagot ang driver at mabilis itong pumasok sa loob ng kotse. Napangisi si Chandria nang marinig niya ang ugong ng sasakyan.

Nakatayo lamang si Chandria sa parking lot. Nakapameywang siya habang tinitignan ang paggalaw ng sasakyan palayo sa kanya't palabas sa malaking gate. All of a sudden, a triumphant smile appeared on her face. Her plan's starting to go well.

Tatlong minuto lamang ang lumipas at nakabalik na rin ang matanda mdoon sa garahe. Naghahabol ito ng hininga nang huminto sa kanyang tabi. Mukhang galing ito sa mabilis na pagtakbo. Buti't hindi ito natagalan kundi singhal ang aabutin nito sa kanya.

"Sige na, Manong. Iuwi mo na sa bahay ko iyang kotse." Chandria didn't waste a second to wait for the old man to answer. She immediately turned her back and walked out of the garage. She went straight to Daniel's car and laid his butt on its hood, waiting for Daniel to come out.

Gumuhit ang ngiting tagumpay sa kanyang mukha nang dumaan sa harap niya ang kanyang Lexus na minamaneho na ngayon ng driver ng ama. Naaayon na sa kanyang kagustuhan ang nangyayari.

Chandria is, no doubt, a manipulative kind.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now