Prologue

1.6K 61 1
                                    


"Damn Chandria!" Daniel's voice thundered all over the room. "Grow up! You are already 25. You are not a kid anymore, but you are acting too immature. Nakikita mo ba ang sarili mo, ha? Wala ka pang permanenteng trabaho. Lahat ng mayroon ka, galing lang 'yan sa ama mo. Wala ka pang napupundar na pinagsikapan mo talaga. Pati pag-uugali mo, hindi mo inaayos. Kelan ka pa ba magbabago, ha?"


"Seriously Dan, what's with you now?" May pagtataray sa boses ni Chandria. "What's with the outburst? My gosh, for goodness sake! I am just sitting here inside your sister's room. I'm not doing anything wrong!"

"Not doing anything wrong? Really?" Biglang kumawala sa bibig ni Daniel ang isang sarkastikong tawa. "Chandria, you're doing everything wrong! Tell me, are you really aware of your image as Chandria Arylle Bernardo?" Humugot si Daniel nang malalim na hininga at mataman siyang tinitigan. "Why don't you change it? Why don't you try to be better?"

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Daniel, unti-unting naninikip ang puso ni Chandria. Baon na baon sa kanyang isipan ang lahat ng masasakit na ideyang pinapamukha sa kanya ng binata. Hindi siya apektado sa kung ano man ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Wala siyang pakialam doon. Pero ngayong si Daniel na mismo ang nagsasabi noon sa harap niya, pakiramdam niya'y tinamaan siya ng isang nakakabinging sampal. Ang lakas ng impact nito sa sistema niya.


Kagat-labing napayuko si Chandria habang pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nawalan siya ng lakas upang sagutin ang binata ngunit pinilit niya ang sariling magsalita. Hindi siya nagpadaig sa sakit na sikreto niyang nararamdaman ngayon.


"That's how you see me, huh?" Nag-angat siya ng tingin at mapaklang tumawa. Pagkatapos ay ipinagkrus ni Chandria ang kanyang braso sa sariling dibdib. "I don't care, Dan. I don't really care." Sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa mukha ni Chandria nang tumayo siya. "And to end this shitty conversation, I just want to ask you something."


Umigting ang bagang ni Daniel kasabay ng lalong pagdikit ng mga kilay nito.




Hindi na niya hinayaang makasagot pa si Daniel. Tinaasan niya ito ng kilay at nagsalita, "Why would I change for the better when I'm already the best?"

The Bitchesa's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon