Nakaraan

547 32 1
                                    


Nanigas si Chandria sa kanyang kinauupuan nang biglang marinig ang pagbukas ang pinto. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at mahinang napasinghap nang bumungad sa kanya ang pigura ng dalawang taong papasok. Ang kanyang ama iyon at si Daniel. Sa nanginginig na mga kamay, agad niyang natiklop ang folder na hawak-hawak niya at itinago ito sa kanyang likuran.

"Pag-aaralan ko muna ang proposal naㅡ" Nahinto ang kanyang ama sa pagsasalita nang mapansin nito ang presensiya ni Chandria. "O Chandy! Nandito ka pala."

Hindi kumibo si Chandria. Hindi niya sinuklian ang kaswal na bati sa kanyang ama. Palipat-lipat lamang ang tingin ng dalaga sa dalawang lalaking naglalakad palapit sa desk ng ama.

Nagkasalubong ang tingin nila ni Daniel. Nakita niya ang katanungan sa mata nito. Biglang bumuka ang bibig ni Chandria ngunit agad din itong tumikom. Gusto niyang magtanong sa binata ngunit hindi niya ito ginawa. Nanatili siyang tahimik habang pinupuno ng kakaibang emosyon ang puso niya. Hinigpitan niya ang paghawak sa folder sa kanyang likuran at nag-iwas siya ng tingin.

Umupo ang kanyang ama sa swivel chair at malakas na tumikhim. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. "Now that my daughter's here, I think I should listen to your project's progress report."

Really, huh? She is here suffering stress from her past life's issue but they could not sense what baggage she's carrying today. Her eyebrow suddenly raised up. Why do people tend to care less when it comes to her?

Marahas siyang bumuga ng hangin bago humakbang palapit sa table ng kanyang ama. "I don't think we need to talk about construction and business today." matigas niyang sabi bago ngumisi.

"Oh..." Tumango ang kanyang ama. Marahan siya nitong tinignan at nagsimulang tinapik-tapik ang daliri sa desk nito. "You're not here for the project, aren't you?"

Tumango lamang si Chandria. Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Daniel kanyang tapat. Nagkasalubong din ang kilay nito.

"So, why are you here?" sabat ni Daniel.

"May mas mahalaga ka bang sasabihin kaya ka nandito, 'nak?" tanong naman ng ama niya.

Tumikhim muna si Chandria bago magsalita, "It's about this, Dad." Pabagsak niyang inilapag sa bakanteng espasyo ng desk ang itim na folder na kanina lang ay tinatago pa niya sa kanyang likuran.

Mabilis na dumapo ang mata ng dalawang lalaki sa itim na folder. Tumaas ang kanang kilay ni Chandria nang mabasa ang reaksiyon ng ama niya. Gulat at pag-aalala. Iyon ang nakapinta sa mukha ng kanyang ama. Nanlaki ang mga mata ng kanyang ama nang bumaling ang tingin nito sa gawi niya.

"How did you find this?" mahina ang boses nito nang magtanong.

Oh, so her Dad's keeping this damn thing too. First, Daniel. Now, his father. Great! Why was everyone hiding her past from her? Were they punishing her? Maybe, that is their reason.

Mapait na tumawa si Chandria. "Why so shocked, Dad? Hindi mo ba ini-expect na makikita ko ito?"

"Chandria..." matigas na wika ni Daniel.

"No, Daniel." Huminga nang malalim ng kanyang ama. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat. "Hayaan muna nating magsalita si Chandria."

Mataman siyang tinitigan ni Daniel bago ito tumango. Natahimik lamang ito sa tabi habang nakaupo. Nakagat-labi na lamang si Chandria habang nararamdaman ang muling pag-akyat ng tensiyon sa kanyang sistema. Biglang naging blangko ang kanyang isipan. Mabilis niyang nakalimutan ang mga salitang gusto niyang sabihin.

"Dad..." tawag ni Chandria sa ama. "Why?"

Iyon lamang ang kanyang nasabi sapagkat bigla na lang pumiyok ang boses niya. Biglang bumigat ang hininga ni Chandria at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mata.

Umabot ng ilang segundo bago siya nakapagsalitang muli. "Years ago, I was into an accident. I was in coma for several months. And I didn't know about all of it because you hid from me for years. Bakit, Dad?" Tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang kaliwang mata. "Bakit kailangan niyong itago iyon sa akin? Bakit niyo ipinagkait sa akin ang aking nakaraan?"

"I was mistaken, anak." Tumayo ang kanyang ama at ipinatong ang dalawang kamao sa desk nito. "Hindi ko nagawang sabihin sa iyo ang nangyari noon sapagkat naisip kong hindi mo na dapat malaman ang nangyari sa'yo sa nakaraan. Nagkaroon ka ng selective amnesia kaya hindi mo matandaan ang nangyaring aksidente at iilang bagay na nakasakit sa'yo. Kasabay ng pagkawala ng alaala mo, nabuo din ang desisyon kong manahimik na lang at hayaan kang mamuhay na walang inaalalang nakaraan, maliban sa magagandang nangyari sa buhay mo."

Natigilan siya sa isiniwalat ng kanyang ama. Napalingon siya sa gawi ni Daniel at mapait na ngumiti. Unti-unti siyang naliwanagan. Kaya pala hindi niya napapansin ang pagkakaroon niya ng amnesia. Noon pa man, nakakaalala na siya ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya. Ang tanging nawala sa kanyang memorya ay ang masasamang karanasan sa kanyang buhay.

Chandria understood his father's point, but that wasn't enough to keep her away from emotional rage. It could not stop her heart from feeling the pain.

"So all this time, I was blinded by all of you," garalgal na ang boses ni Chandria. "You think hindi ko malalaman? Well, curse it! I've known now. But it still feels like hell."

Gumuhit ang pekeng ngisi sa mukha ni Chandria habang bumabagsak ang mga luha sa kanyang mata. Napapitlag siya nang maramdaman ang isang braso na pumulupot sa kanyang likod. Kumabog ang puso ni Chandria nang malamang si Daniel iyon. Hinayaan niya ang binata na yakapin siya. Isiniksik niya ang sariling mukha sa dibdib nito upang maitago ang kanyang mga luha.

She felt ashamed of herself now. She's crying. She's crying hard as she her let heart shatter into pieces. How can a bitch like her shed tears in front of other people? How can a Chandria Arylle Bernardo become so weak like this?

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now