Chapter 67

Luna

“Jessie naman!”

     “Bakit ba? Ano na naman bang problema?” tanong niya sakin.

     “Duling ka ba? Bakit hindi mo mai-shoot?”

     “Mahirap e! Ikaw kaya dito.”

     “Wala! Parang hindi ka naglalaro ng basketball ah?” Ngumuso ako.

     “Tsk. Iba naman kasi ‘yon–AY! Hindi na naman na-shoot.” Napakamot si Jessie sa ulo niya.

     Nandito kasi kami ngayon sa Mine’s View Park. At sinusubukan niyang mag-shoot ng coin doon sa parang angel sa ibaba na may hawak na basket. Nakakainis naman kasi si Jessie! Mukang makaka-one thousand pesos kami sa pagshu-shoot palang niya dito.

     5:30 PM na pero inilibot pa din kami nina Ma’am Terrano. At noong malaman ko na sa Mine’s View Park kami pupunta, agad kong naalala na mayroon nga palang lugar dito na pwede kang mag-wish ng kahit ano basta naipasok mo ‘yung barya doon sa basket o net.

     Kaso sablay naman palang tumira itong kapre na ‘to.

     Nagulat ako noong bigla akong nakarinig ng tilian.

     “Can I have a picture with you?”

     “Me too! Please?” Tapos ay pumikit-pikit pa ‘yung babaeng Koreano.

     Madaming Koreana na pumaligid sa kanya. Nakaladkad pa nga ako sa likod e. Nagkamot ng ulo si Jessie at dahan-dahang ngumiti. Lalo namang nagtilian sa shy gesture niya ‘yung mga babae.

     “Kyah! You’re so cute.”

     “What’s you’re name?”

     “Are you an artist or something?”

     “Saranghaeyo!” (I love you!)

     Ayoko na, naiinis na ko. Lumakad ako paalis. Hindi man lang niya sinabi na ayaw niyang magpa-picture at kasama niya ‘yung girlfriend niya. Nakakainis siya! Bakit hinayaan niyang magpapa-picture sa kanya ‘yung maaarteng babae na ‘yun?

     Naglakad ako, tumingin-tingin ng souvenirs sa paligid. Bumili ako ng dalawang singsing para sa amin ni Jessie. Actually parang couple ring pa nga yun e. Kasi syempre hindi naman pwede na puro siya lang ‘yung nagbibigay sa akin. Dati’y binigyan na niya ako ng bracelet at si Stitch. Kaya dapat ako naman.

     Oo inaamin ko hindi siya ganon kamahal pero gold pa din siya. Saka na-cute-an kasi ako sa nakalagay. ‘Yung naka-engrave sa singsing ni Jessie ay “Love is when” tapos ‘yung sa akin naman ay “we’re together.”