“Ay!” Biglang nalaglag ‘yung isang singsing. Hala! ‘Yung kay Jessie pa ‘yung nalaglag! Ang eng-eng ko naman. Hinabol ko kung saan man gumulong iyon. At last, huminto na din ‘yung singsing. Yumuko ako at kinuha ‘yon, pero noong tatayo na ako ay...

     Boink.

     “Aray!” Napahawak ako sa ulo ko.

     “Oh!” sabi noong nabangga ko. Nakatakip ‘yung kamay niya sa ilong niya.

     “A-Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya at nilapitan siya.

     Noong inalis niya ‘yung kamay sa ilong niya, ngumiti siya sa akin. Waaah! Dumugo ‘yung ilong niya! My fault! Ang gwapo pa naman.

     Saka, wait, parang familiar sa akin itong lalaki na ‘to, ah?

     “We meet again,” sabi niya sakin habang pinupunasan ng panyo‘yung ilong niya.

     Ah! Siya ‘yung mabait na Koreano na tumulong sa aking pumili ng strawberries. “I’m sorry,” sabi ko sa kanya. Ano nga pala name niya? Ah, oo, Sam nga pala.

     “I’m sorry, Sam,” sabi ko ulit.

     “No, it’s okay. I’m glad you remember my name.” Ngumiti ulit siya. Bakit may stars na naman sa paligid niya?

     “Wait, you have blood somewhere here.” Kinuha ko ‘yung panyo niya at pinunasan ‘yung dugo sa may gawing pisngi niya.

     “LUNA!”

     Bigla kaming napatingin ni Sam sa kaliwa. Feeling ko ay namutla ako kasi nakita kong parang nanlilisik na naman ‘yung mga mata ni Jessie. Agad kong ibinigay kay Sam ‘yung panyo niya.

     Kinabahan ako habang papalapit siya sa amin. Hinawakan niya ko sa braso at humakbang papalapit kay Sam. “Cool, dude, we’re not doing anything wrong.” Itinaas ni Sam ‘yung mga kamay niya.

     “Oo nga, Jessie! W-Wala siyang–”

     “Can you just get away from my girlfriend?” seryosong tanong ni Jessie habang nakatingin kay Sam.

     “I’m sorry but it was an accident,” paliwanag ni Sam.

     Hinila ako paalis ni Jessie. Sumakay kami sa isang taxi. May ibinulong siya sa taxi driver na siya namang tumango.

      “Jessie?” mahinang tawag ko sa kanya. Ang awkward kasi. Ang tahimik niya. Hindi niya ko pinapansin. Nakatingin lang siya doon sa may bintana.

      Ngumuso ako. Bakit ba napakaselos nitong taong ‘to? War na naman kami. Hindi ko tuloy maibigay ‘yung singsing. “Jessie?” tawag ko ulit sa kanya.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon