[ 44 ] Looking Back

9.1K 207 43
                                    

ANNOUNCEMENTS:

- WALANG BOOK 3! Pag-iisipan ko kung gagawa pa ako ng special chapters pero kung sakali, abangan niyo na lang sa facebook group. Sali na lang kayo doon para makausap niyo ang mga characters at para sa mga updates. http://www.facebook.com/groups/AineTan/

- AN ORPHAN'S FIRST LOVE and DANGEROUS LOVE will be published soon by LIB. Abangan na lang po na lumabas sa mga bookstores and sana bumili kayo. Pero ang target date ng publish po ay September :) Hindi ko pa nilalagyan ng 'to be published soon' kasi matagal pa naman ang September pero sure na po yun na mapapublish siya. On process na po ang editing. I will make sure na mas better ang mababasa niyo sa book version kaysa dito sa Wattpad. 

- May new story po ako. FRIEND ZONE po ang title :) Sana suportahan niyo din. Bibilisan ko ang updates doon dahil bakasyon naman at hindi pa busy. 

Chapter 44: Looking Back

"Jico?"

"Hm?"

"Okay lang ba kung dumaan tayo sa bahay namin noon?"

"Ng daddy mo at ni ZAC?"

Tumango at ngumiti lang si Steffi bilang sagot.

"Bakit mo gustong pumunta doon? Puro malulungkot lang na alaala ang maiisip mo doon."

"Mali ka doon. Marami man na masasama at malulungkot pero kung iisipin ko, lamang pa din naman 'yung masasaya at magagandang alaala doon. Gusto ko lang magreminisce. Namimiss ko na si Daddy at kapag nandoon ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Gusto ko lang din makapag-isip isip. After today, ibibigay ko na ang sagot ko sa 'yo. Kung ayaw mo sumama, idaan mo na lang ako doon."

"Sige."

Nasa sasakyan ngayon sina Jico at Steffi. Kakagaling lang ni Jico sa trabaho at dumaan doon si Steffi para bumili ng pagkain nila at sabay na silang uuwi nang maisipan ni Steffi na dumaan sa bahay nila noon.

Maayos at tahimik na namumuhay na silang dalawa ngayon. Kumpara noon, ang laki na ng pagbabago sa buhay nila.

Hindi na nagpumilit pa ang mga magulang ni Steffi sa pagpapatakbo ng negosyo nila kaya naman full-time mommy na lang siya ngayon ni Faye at pati na din ng anak ni Jico. Sinusuportahan pa rin naman siya ng pamilya niya sa pagpapalaki niya sa anak niya.

Si Jico naman ay nagtatrabaho sa isa sa mga restaurant ng pamilya nila bilang chef doon. Mas gusto niya 'yon kaysa magmanage ng chain of restaurants ng pamilya nila.

Pagdating nila sa bahay na 'yon ay maayos at malinis pa din ito. Dahil ayaw na pabayaan ni Steffi ang bahay na 'yon, may caretaker siyang kinuha para manatiling malinis at maayos ang bahay kahit na walang nakatira doon.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now