[ 11 ] Daughter

17.8K 218 46
                                    

Chapter 11: Daughter


Nagpanic kaagad si Steffi nang makita ang mag-ama niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya sina Eric at Faye doon.


"Eric, what is going on here? W-Why--"

"What Steffi? Why are you scared?"


Hinawakan ni Eric ang kamay ni Steffi at nginitian siya. Si Steffi naman, parang naging estatwa sa kinatatayuan niya.


"I-I was just surprised"

"That's what I planned, to surprise you. I know you miss our daughter Steffi. We miss you"

"Eric, stop. You have your car with you?"

"No"

"Alam mo na yung plate number ng sasakyan ko. Hintayin niyo ako doon ni Faye. Kukunin ko lang ang mga gamit ko"

"Okay, we'll be waiting"


Tumalikod si Steffi at napalunok na lang. Dumating na ang araw na kinakatakutan niya. Ang pagbabalik ni Eric at ngayon, kasama pa ang anak nila.


'Hindi ito maaari. Kapag nalaman ni ZAC ang lahat ng ito, siguradong akong hindi niya na ako papakasalan' sabi niya sa isip niya


Nalungkot siya sa ideyang iyon. Alam niya na kailangan niyang itago si Eric at si Faye sa ibang mga tao. May plano siyang aminin ang lahat pero hindi pa sa ngayon lalo na at hindi pa sila naikakasal ni ZAC. Agad niyang kinuha ang mga gamit niya at pinuntahan sila sa parking lot kung saan sila naghihintay sa kanya.


"Saan tayo pupunta?" tanong ni Eric

"Saan kayo nakatira ngayon?" tanong ni Steffi

"Sa hotel lang kami nagpalipas ng gabi"


Hindi na sumagot si Steffi at kinuha na lang ang phone niya para tawagan si Jico.


[ Yes? ]

"Nasaan ka?"

[ Bakit mo ako hinahanap? Busy-- Babe, sino ba yang kausap mo?! Akin na-- T*ngna akin na phone ko!-- Hello ]

"Busy ka nga. Busy sa mga babae mo"

[ Ngayon nga lang ako ulit-- ]

"Magkita tayo ngayon na"

[ Nakita mo na ngang busy yung tao-- ]

"Kasama ko ngayon si Eric at si Faye"

[ Ano?! ]


Nagulat si Jico sa narinig kaya natulak niya ang babaeng kasama niya at napatayo. Ngayon na lang siya ulit lumabas kasama ang ibang babae at naistorbo pa ng masamang balita.


[ Paano-- Sige, magkita tayo sa bahay ko. Papunta na ako ]

"Sige, hihintayin kita"


Pinutol ni Steffi ang tawag at tiningnan si Eric na kanina pa nakatitig sa kanya. Napalingon din siya sa likuran niya kung saan nakaupo ang anak nila na abala sa pangingialam ng phone ni Eric.


"Bakit kayo pumunta dito? Hindi ba sabi ko--"

"Ayaw mo ba makita ang anak natin? Miss na miss ka na niya. Ilang buwan ka na niyang hindi nakikita"

"Gusto ko siyang makita pero sabi ko naman sa iyo, hintayin niyo ako hindi ba? Babalik naman ako doon"

"Hindi na kami makapaghintay Steffi"

"Suotan mo ng seatbelt si Faye. Papaandarin ko na yung sasakyan"

"Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay ni Jico"

"Anong gagawin natin doon? Bakit kailangan kasama pa iyon?"


Napatingin si Steffi kay Eric ng deretso.


"Ayaw ko na sa hotel lang kayo tumira ni Faye. May condo unit noon na binigay sakin si Jico. Kukunin ko lang sa kanya yung susi"

"Bakit hindi mo na lang kami patirahin sa inyo? O kahit si Faye lang isama mo"

"Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon?"

"At bakit? May tinatago ka ba? Ikinakahiya mo ang anak mo sa kanila?"

"E-Eric, hindi sa ganun"

"Ano Steffi?!"


Natigilan sila nang biglang umiyak ang anak nila. Kinuha ni Eric si Faye at pinatahan sa pag-iyak.


"Mommy, Daddy, why are you fighting?"

"Were not fighting baby" mahinahong sinabe ni Steffi

"Mommy, Daddy, hug!"


Kumapit sa leeg nina Eric at Steffi si Faye kaya naman napalapit ang mukha nila sa isa't isa. Napangiti si Eric dahil naalala niya ang mga panahon na nasa ibang bansa pa silang tatlo at namumuhay ng tahimik.


"I love you Mommy. I love you Daddy"


Pinaupo ni Eric si Faye sa kandungan niya at hinayaan na matulog habang si Steffi naman ay nagmaneho papunta sa bahay ni Jico. Pagdating nila doon ay tulog na ang anak nila.


"Tara na, pumasok na tayo sa loob" pagyayaya ni Steffi.


Dahil sa may susi siya ng bahay ni Jico ay hindi na siya nagdoorbell pa at nakapasok siya kaagad ng bahay. Nagulat tuloy ang mga katulong ni Jico.


"Good afternoon Ma'am Steffi. May kailangan po ba kayo?"

"Wala naman. Hinihintay ko lang dumating si Jico. Nasaan si Stephen?"

"Isinama po ni Sir Jico nung umalis siya"

"Ganun ba? Sige"


Pumunta sina Steffi sa kwarto niya sa bahay nina Jico at doon hinayaang matulog ang anak nila.


"Mag-usap tayo Eric"

"Wag dito. Baka magising si Faye"

"Doon tayo sa kabilang kwarto"


Hinila ni Steffi papunta sa kwarto ni Jico si Eric at padabog na binitawan ang kamay niya.


"Ano bang problema mo Steffi?!"

"Wala akong problema! Ikaw ang may problema satin!"

"Ano na naman ba ang ginawa kong mali?!"

"Bakit ba kasi kailangan mo pang dalhin dito si Faye?! Para saan pa?"

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Ayaw mo bang makita ang anak natin?! Magpapasko na, gusto ka lang namin makasama. Mali ba iyon?!"


Natahimik si Steffi. Ngayon niya lang naalala na magpapasko na pala. Ni hindi man lang niya naiisip kung papaano na ang anak niya dahil puro kasal ang inaatupag niya.


"Wala ka bang tiwala sakin? Bakit ba kung makapagsalita ka parang pinaghihinalaan mo ako?"

"Dapat pa din ba kitang pagkatiwalaan kung kahina-hinala ang kilos mo? Nagbago ka na Steffi. Hindi na ikaw ang Steffi na nakilala ko. Hindi ikaw ang Steffi na minahal ko at lalong hindi ikaw ang Steffi na nanay ng anak ko!"


Nagulat si Steffi sa mga sinabe ni Eric at dahil sa nasaktan siya sa mga sinabe nito, sinampal niya ito ng malakas.


'Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko Eric at hindi mo din alam ang totoo kaya hindi mo ako maiintindihan. Iba lang din talaga ang pagkakakilala mo sakin. Kung hindi dahil kay Faye, hindi sana tayo ganito ngayon' yan ang mga gustong sabihin ni Steffi ka Eric pero hindi niya magawang sabihin


Hindi inaasahan ni Eric na masasabe niya iyon at masasampal siya ni Steffi kaya bigla siyang nanghina nang mapagtanto niya na hindi niya napigilan ang sarili niya at sumobra ang mga nasabi niya.


"I'm sorry Steffi. Hindi ko sinasadya na masabi sayo iyon. Iniisip ko lang naman ang anak natin"

"Okay lang. Sana iniisip mo din kung ano lang kita"

"Alam ko at malinaw sakin yun. Tatay lang ako ng anak mo at alam ko na kung hindi dahil sa kanya, matagal na tayong hindi nagkikita"

"Mabuti na ang malinaw"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now