[ 23 ] Couple Shirt

14K 226 17
                                    

Click the star icon to vote! :) Keep on voting and posting comments guys, mabibigyan ko din kayo ng dedic nyan. Random lang talaga ako kumuha. Just make sure din na nakafan kayo.

Chapter 23: Couple Shirt

"ZAC, saan ka pupunta? Akala ko ba may lakad tayo mamaya?"

Nagtataka si Steffi kung bakit nakabihis na si ZAC at tila ba aalis na ito dahil kinuha niya ang mga gamit niya.

"May pupuntahan lang ako. Babalik din ako mamayang gabi saka tayo aalis"

"Ganun ba? Sige. Mag-ingat ka"

Nilapitan ni ZAC si Steffi.

"Sige hon. I love you"

"I love you too"

Hinalikan ni ZAC si Steffi sa pisngi at saka ito umalis. Agad din naman na naligo si Steffi at nag-ayos para sa lakad nila ni ZAC.

'Sana maging okay ang lalad namin ngayon. Sana walang maging problema. Puro na lang kami problema'

Habang naghahanap si Steffi ng masusuot ay may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan niya. Nandoon ang katulong na may hawak na isang box.

"Ma'am Steffi, may nagpadala po para sa inyo"

"Okay, thank you"

Kinuha yun ni Steffi at tiningnan ang maliit na papel na kasama nun.

'Wear this tonight. -ZAC'

Nagtataka si Steffi kaya binuksan niya kaagad ang kahon. May laman yun na damit. Longsleeves ito.

'Saan kami pupunta at longsleeves ang gusto niya na suotin ko? Akala ko magdidinner kami sa isang restaurant'

Nang magbihis si Steffi ay yun ang sinuot niya at nagpantalon siya. Naghintay lang siya sa sala sa pagdating ni ZAC.

"Ma'am, mukhang may lakad po kayo ni Sir ah?"

"Ah, oo"

"Mag-ingat po kayo"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now