[ 7 ] Back To Normal

18.3K 273 26
                                    

PLEASE VOTE PO ON THE SIDE PARA MALAMAN KO KUNG GAANO KADAMI PA ANG NAGBABASA.

-----------------------------------

Chapter 7: Back to Normal


'Goodbye Steffi. We'll see you soon'


Kanina pa paulit ulit na binabasa ni Steffi ang mga salitang iyon sa text sa kanya ni Eric. Kanina pa din tawag ng tawag sa kanya si Jico pero hindi niya sinasagot dahil alam niya na may dalang hindi magandang balita palagi si Jico.


'Ano na naman ba ang binabalak ni Eric? Napapaisip ako sa text niya' sabi ni Steffi sa isip niya


Napatingin sa pinto si Steffi nang may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon ay nagulat siya. Nakita niya si ZAC. Nawala kasi sa isip niya si ZAC.


"Z-ZAC"

"Good morning" nakangiting bati sa kanya ni ZAC


Naglakad papunta sa tabi niya sa ZAC at umupo ito sa sofa kung saan nakaupo si Steffi at inakbayan ang girlfriend.


"I was about to call you ZAC but--"

"Okay lang hon. Kumain ka na ba? Ipagluluto kita"


Napatingin si Steffi kay ZAC. Nagtataka siya sa mga kinikilos nito.


"H-Hindi pa"

"Come"


Hinila siya ni ZAC papunta sa kusina at pinaupo doon si Steffi. Hindi maiwasan ni Steffi na titigan si ZAC habang nagluluto ito.


"May problema ba hon?"

"Zyril, may sakit ka ba? Kakaiba yung mga kinikilos mo"


Nilapitan siya ni ZAC at hinawakan sa bewang at hinila ito patayo para yakapin.


"Wala akong sakit at hindi kakaiba ang kinikilos ko. Ganito naman ang ginagawa ko noon, hindi ba? Naaalala mo noong bago pa ang engagement party? Ginagawa ko na din ito"


Tiningnan niya ng deretso si ZAC at nakita itong nakangiti sa kanya. Nang bumalik si ZAC sa pagluluto ay napaupo siya at napaisip.


'Tama siya. Ganito siya noon pa pero natigil dahil sakin. Kakaiba ang kinikilos ko nitong mga nakaraang araw dahil kay Eric kaya hindi niya din magawa. Hindi ba siya nakakahalata?' napaisip siya


Tumayo si Steffi at niyakap si ZAC habang nakatalikod ito. Doon niya lang naisip kung ano ang mga pagkukulang niya kay ZAC.


"Thank you Zyril" nakangiting sinabe ni Steffi

"For what?"

"For reminding me of what we were before"


Tinapos ni ZAC ang pagluluto at hinayaang makakain si Steffi.


"I miss the old us Geneere" mahinang sinabe ni ZAC


Hindi na sumagot si Steffi at ngumiti na lang.


"Kumain ka na para makauwi na tayo. May sasabihin ako sayo na alam kong ikakatuwa mo"

"Bakit hindi mo pa ngayon sabihin?"

"Bilisan mo na lang at baka magbago pa ang isip ko"

"I'm intrigued"

"You should be"


***


"Saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?" tanong ni Steffi

"Malalaman mo pagdating natin doon. Malapit na tayo"

"Anong kalokohan na naman ba ito ZAC?"


Hindi sumagot si ZAC at pinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa makarating sa gusto niyang pagdalhan kay Steffi.


"Bakit tayo nandito? Matagal pa bago yung kasal natin. Hindi pa natin kailangan pagplanu--"

"Geneere, let's get married next month"


Nanlaki ang mata ni Steffi sa narinig. Hindi niya inaasahan na magbabago ang isip ni ZAC.


"Z-Zyril--"

"Hindi ka ba masaya?"

"Of course, I'm happy! Thank you!"


Niyakap ni Steffi nang mahigpit si ZAC.


"Pumasok na tayo sa loob. Hinihintay na tayo doon ni Kim"


Lumabas sila sa sasakyan at pumasok sa loob ng isang boutique. Sinalubong sila kaagad ni Kim kasama ng isa pang babae.


"ZAC, Steffi, I'd like you to meet my friend Rein. Siya yung sinasabe ko sa inyo na wedding planner" pagpapakilala ni Kim

"Hello ZAC and Steffi. I'm Rein. It's nice to meet you"

"Hello! It's nice to meet you" sagot ni Steffi

"Ms. Perez and Mr. Choi, I would like you to think of your plans for your wedding. Since I am busy today, I'm going to discuss everything with the two of you soon. Kim has already given me your contact numbers"

"Sige. Una na ako sa sasakyan. Kayo na lang mag-usap" walang ganang sinabe ni ZAC


Umalis doon si ZAC at hinintay na lang si Steffi sa sasakyan. Hindi kasi siya komportable sa malagkit na tingin sa kanya ni Rein. Maganda si Rein at kagaya siya ng mga tipo na babae ni ZAC pero alam ni ZAC na ikakasal na siya kaya pilit siyang umiiwas sa mga babae. Nang may marinig siyang tumutunog ay hinanap niya yun at nakita niya na tumatawag si Jico kay Steffi kaya sinagot niya.


[ Kanina pa ako tumatawag, bakit ngayon ka lang sumagot?! Wala na si Eric, umalis na siya ng Pinas. Wala ka ng dapat problemahin ]


Hindi nagsalita si ZAC at nanatiling tahimik at naghihintay sa susunod na sasabihin ni Jico.


[ Oh bakit ang tahimik mo dyan? ]

"Sino si Eric?" deretso at seryosong tanong ni ZAC

[ ZAC, paano-- ]

"Siya ba ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga kinikilos ni Steffi?"

[ Ask her. Bye cousin ]


Pinutol kaagad ni Jico ang tawag para makaiwas sa mga tanong ni ZAC. Sakto din na pumasok si Steffi sa loob ng sasakyan.


"Zyril, may problema ba?"

"Wala Geneere. Tumawag pala si Jico"

"Si Jico?! Bakit niya naman ako tatawagan?"

"Hindi ba dapat alam mo ang sagot dyan?"

"Baka may kailangan lang si Stephen. May sinabe ba siya sayo?"

"Wala. Sabe ko lang, tumawag na lang siya sayo mamaya" pagsisinungaling ni ZAC

"Ganun ba? Sige. Umuwi na tayo"


Habang nagmamameho pauwi si ZAC ay napansin niya na tila ba hindi mapakali si Steffi.


'May tinatago ka nga talaga sakin Geneere. Bakit ba ayaw mong sabihin sakin ang problema mo para matulungan kita?' tanong ni ZAC sa isip niya


Hinawakan niya ang kamay ni Steffi at napansin niya na sobrang lamig noon.


"Geneere, okay ka lang ba?"

"O-Oo, okay lang ako"

"Anong sabi ni Rein?"

"Bibisita na lang siya sa bahay para alamin ang mga gusto kong mangyari sa kasal natin. Sa ngayon, gusto niya munang alamin kung anong date ang gusto natin para sa kasal"

"Kailan mo ba gusto?"

"As soon as possible ZAC"

"January 24"

"Bakit ganung date ang gusto mo?"

"24 ang date nang maging girlfriend kita noon. Hindi mo pa nga ako matanggap nun. Tama na din yan para may isang buwan tayo para maghanda sa kasal"

"Sige ZAC"

"Geneere, kung may problema ka pwede mong sabihin yan sakin. Wag mong itago sa sarili mo at baka makatulong ako"

"Wag ka mag-alala, kung meron man sasabihin ko sayo"


Dahil sa sagot ni Steffi, lalo lang napagtanto ni ZAC na talagang nagsisinungaling si Steffi sa kanya.


'Hahayaan lang kitang gawin ang gusto mo Geneere pero sisiguraduhin ko sayo na malalaman ko din ang lahat. Kung ano at kung bakit ka naglilihim sakin' sabi ni ZAC sa sarili niya


Pagdating nila sa bahay ay dumeretso kaagad si Steffi sa kwarto. Nilock niya iyon at agad na tinawagan si Jico.


"Jico, nakausap mo ba si ZAC?"

[ Nakausap ko siya pero sinabe niya lang na tumawag ako sa susunod ] pagsisinungaling ni Jico

"Anong nangyari?"

[ Kanina nagsabi sakin si Eric na may plano na siyang umalis pero hindi ko inaasahan na aalis siya nang madalian ]

"Anong ibig sabihin mo?"

[ Kung may plano siyang umalis, bakit siya nagmamadali. May nangyari ba sa inyo? ]

"Nag-usap lang kami ng maayos. Hindi ko alam kung bakit siya umalis kaagad"

[ He must be up to something. I'm warning you Steffi. Eric may be nice but he's unpredictable. He might do things that will surprise all of us ]

"Alam ko yun Jico"

[ Pinapaalalahanan lang kita Steffi. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin. Hindi ako kikilos para malusutan mo ang mga ito, tandaan mo yan ]

"Wag ka mag-alala. Kung ano man ang mga dapat kong gawin, gagawin ko kaagad habang hindi pa nagbabalik si Eric"

[ Good. Bye Steffi ]


Tinapos ni Jico ang tawag. Tumayo si Steffi at lumabas pero nagulat siya nang makita si ZAC sa likod ng pinto na tila ba nakikinig.


"Z-ZAC" gulat na nasabi ni Steffi


An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now