MERRY CHRISTMAS GUYS! :) Thank you dahil nagiging active na kayo sa pagvovote kahit konti pa din votes pero ice na din yun. Sana lumabas na mga silent readers at magvote kayo at comment. Hihi! Make sure din na nakafan kayo kasi yung iba bibigyan ko sana ng dedic eh hindi nakafan :) Keep on voting friends!
Chapter 22: Breakfast
Maagang gumising si Steffi. Ngayon ang huling araw ng taon. Naisipan niya kasi na sorpresahin si ZAC. Gusto niya itong ipagluto ng agahan kagaya ng madalas na ginagawa ni ZAC sa kanya. Nasa kusina siya nang lapitan siya ng isa sa mga katulong nila sa bahay.
"Ma'am, tulungan ko na po kayo"
"No need, thanks. I can manage"
"Mukhang marami rami po yang niluluto niyo ah?"
"Ah, oo. Para sating lahat yung niluluto ko"
"Mukhang masarap po yan ah?"
"I hope so. Sana magustuhan ni ZAC"
"Sigurado po ako na magugustuhan yan ni Sir ZAC! Luto niyo po yan e"
Tiningnan ni Steffi lahat ng niluluto niya.
'Parang may kulang'
Tiningnan niya ulit ang lahat at inisip kung ano ang kulang sa mga inihahanda niya.
"May problema po ba?"
"Parang may kulang sa niluluto ko"
Inisip ng inisip ni Steffi lahat ng pwedeng ihanda hanggang sa maalala niya yung kulang.
"May tuyo ba tayo dyan?"
"Tuyo Ma'am? Yung isda?"
"Oo. Meron ba?"
"Nako Ma'am, wala po e"
"Kailangan ko magluto nun! Pumunta ka sa palengke ngayon at maghanap ka nun. Magpasama ka na lang sa driver para mabilis. Bilisan mo dahil kailangan maluto yan bago pa man magising si ZAC. Ito yung pera"
Madaling pinaalis ni Steffi ang katulong at saka niya ipinagpatuloy ang pagluluto niya.
'Buti na lang at napansin ko na may kulang. Alam kong gusto ni ZAC nun at hindi yun pwedeng mawala sa mga niluluto ko'
YOU ARE READING
An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)
Teen FictionLOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1.