[ 28 ] Work or Family?

11.9K 184 9
                                    

Chapter 28: Work or Family?

Busy si Steffi sa trabaho. Sa ngayon ay pinag-aaralan niya pa din ang company na ang mga magulang niya ang may-ari. May assistant siya na tumutulong sa kanya sa pag-aaral tungkol sa lahat ng pasikot-sikot sa kompanya.

"Hello, Ma'am Steffi! Naririnig niyo po ba ako?" tanong ng babae sa kanya

"O-Oh?"

Distracted si Steffi dahil tinitingnan niya ang anak na naglalaro doon. Kitang kita niya sa anak na masaya ito kaya napapangiti din siya.

"Sorry, hindi ko narinig. Pakiulit na lang"

Naiinis na ang supervisor niya dahil palagi na lang siyang distracted. Mataas ang posisyon nito sa kompanya at matagal na ito sa kompanya kaya naman alam nito ang halos lahat ng nangyayari pero dahil kay Steffi ay naging trabaho niya na gabayan ito at turuan.

"Ang sabe ko, magready ka ng business proposal sa magiging bagong product line natin para sa shopping mall. Kailangan na yun next month. I'll be checking on you this friday to see your progress. Hanggang pwede ay matapos mo agad to within two weeks dahil kailangan pa tong ireview ng other department. At irereview ko din kung tama ba ang magagawa mo dahil ipepresent to sa board meeting"

"Bakit ang bilis naman?!"

"Mabilis? Natatapos ng ibang employees dito ang trabahong yan in less than a week. Yan lang naman ang gagawin mo for two weeks"

"Sobra naman yata yun para sa baguhan na kagaya ko?"

"Sasabihin ko sayo to dahil succesor ka ng company na to. Sayo nakasalalay ang lahat ng empleyado sa kompanya niyo. Kung hindi ka matututo, hindi mo kakayanin na imanage ang business na to. Madami ka pang kailangan matutunan pero una pa lang, sumusuko ka na. Paano ka kapag tumagal?"

"Do you know why I'm protesting? May anak ako na kailangan kong bantayan"

"May anak din ako. Naiintindihan kita pagdating sa pagiging ina pero hindi ka kagaya namin. Maraming tao ang nakasalalay sayo. Kailangan mong mamili. Prioroty noon ng mga magulang mo ang negosyong to kaya to ganito ngayon. Kung hindi mo kaya yun, you better stop now"

"Kakausapin ko sina Mommy at Daddy. Sasabihin ko sa kanila na hindi ko kaya na pumalit sa posisyon nila sa kompanya na to. I'd rather work here just like a normal employee. Kailangan ko bigyan ng oras ang sarili ko. Hindi ko kaya ang gusto nilang mangyari. Don't worry, gagawin ko ang trabaho ko"

"Sige, maiwan na kita. Lapitan mo lang ako kung may kailangan ka"

Alam ni Steffi na bilang nag-iisang natitirang anak, responsibility niya ang magtake over sa kompanya pagdating ng panahon. Alam niya na maraming empleyado ang aasa sa kanya at siya ang magpapatakbo nito pero alam niya din kung hanggang saan ang kaya niya. Posible man na kayanin niya yun pero mawawalan siya ng oras para sa sarili niya at para sa pamilya niya kapag nagkataon. Hindi niya naman ginusto ang ganitong buhay. Gusto niya lang ng simple at masayang buhay.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now