[ 20 ] Selfish

13.5K 244 20
                                    

Click the star icon to vote.

Chapter 20: Selfish

Habang papunta sa bahay nila si Steffi ay patuloy niyang iniisip ang sinabe sa kanya ni Jico.

'Hindi totoo ang sinasabe niya. Imposibleng magkagusto siya sakin. Palagi niya naman akong binibiro ng ganito pero hanggang ngayon palagi pa din akong naaapektuhan. Nananadya lang naman yata siya dahil gusto niya na mafall ako sa kanya'

Ipinagpatuloy na lang ni Steffi ang pagdadrive at binalewala ang sinabe ni Jico sa kanya. Mula pa noon ay palagi siyang niloloko nito at alam niya na hindi sincere si Jico sa mga sinasabe niya dahil kahit sinasabihan siya ng ganun ni Jico ay patuloy pa din ito sa pambababae niya. Pagdating sa bahay nila ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay.

"Ma'am Steffi, good morning po" bati ng isang katulong sa kanya

"Nasaan si ZAC?"

"Wala po siya dito Ma'am. Pagkaalis niyo kagabi, umalis din po siya kaagad"

"Ganun ba? Alam niyo ba kung saan siya pumunta?"

"Alam niyo naman po yun, ayaw niya na pinapakialaman siya at hindi siya nagpapasabi"

"Sige po, salamat"

Umupo na muna si Steffi sa sofa at naghintay sa sala. Nang mapansin ng isa sa mga katulong na naiinip na siya ay nilapitan niya ito.

"Ma'am Steffi, juice po"

Inilapag ng katulong ang inumin niya sa lamesa.

"Salamat po"

"May gusto ka bang kainin?"

"Hindi na po. Busog pa ako"

"Okay ka lang ba iha? Nakita kong sinaktan ka niya kagabi"

"Okay lang ako"

"Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari sa inyo pero sa tingin ko, mali na saktan ka niya kung ano man ang nagawa mo"

"Wag po kayo mag-alala. Maliit na problema lang yun na maaayos din namin. Lasing lang talaga si ZAC kagabi kaya ganun"

"Sige iha. Maiwan na kita dito. Sabihan mo lang kami kapag may kailangan ka"

"Sige po. Salamat"

Naghintay pa siya doon pero sa tingin niya ay hindi agad na uuwi si ZAC. Napaisip siya sa kung saan ito maaaring pumunta.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon