[ 24.1 ] Simple Date

12.8K 208 22
                                    

Click the star icon to vote :)

Chapter 24.1: Simple Date

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi at sabay silang naglakad ni ZAC papunta sa sasakyan. Pagdating sa sasakyan ay hindi agad na pinaandar ni ZAC ang sasakyan.

"Hon, talikod ka muna" utos ni ZAC

"Bakit?"

"Please?"

Tumalikod si Steffi kay ZAC. Agad na kinuha ni ZAC ang dala niyang blindfold at inilagay yun sa mata ni Steffi.

"Zyril, ano bang kalokohan to? Natatakot na ako sa ginagawa mo"

"Don't worry, gusto lang kitang sorpresahin. Sigurado akong magugustuhan mo yun"

"Bakit kailangan pa na nakapiring ako?"

"Para may thrill. Hindi naman yun kalayuan dito"

"Okay, fine"

Pinaandar na ni ZAC ang sasakyan. Habang nagdadrive ay hawak ng isang kamay niya ang kamay ni Steffi.

'Sana magustuhan niya ang sorpresa ko para sa kanya. Pinaghandaan ko talaga to. Nagtanong pa ko sa mga kumag na yun. Kapag palpak to, lagot talaga sila sakin'

Patuloy na nagdrive si ZAC hanggang makarating sila sa lugar na yun. Nakikiramdam lang si Steffi sa mga nangyayari sa paligid niya dahil wala siyang makita.

"Nandito na ba tayo?" tanong ni Steffi

"Oo. Wag mo muna tatanggalin ang piring mo"

Lumabas sa sasakyan si ZAC at pumunta sa pwesto ni Steffi at inalalayan siya palabas.

"Mag-ingat ka, baka mauntog ka"

Paglabas ni Steffi ng sasakyan ay nakarinig siya ng mga ingay.

"Bakit ang ingay? Nasaan ba talaga tayo?"

Pumwesto si ZAC sa likod ni Steffi at tinanggal ang blindfold. Sandali pang nagpapikit pikit si Steffi hanggang sa luminaw ang tingin niya. Napanganga na lang siya sa nakita.

"Perya? Hahaha. Dito talaga tayo magdedate? Seryoso ka ba dito, ZAC?" matawa tawang tanong ni Steffi

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora