[ 29 ] Karma

11.3K 173 15
                                    

GAME OF LOVE book is now published by LIB. Sister company po yun ng Precious Hearts Romances. Bale hati po sa dalawang books ang game of love. STILL IN LOVE will also be published by them. You can grab your copy now at Precious Pages stores, National Bookstores, Powerbooks and other bookstores nationwide. . P89.75 ONLY. Murang mura na. Grab your copies now. Limited edition lang ang book. :)

Sa mga nagtatanong kung magkakabook din ang An Orphan's First Love at Dangerous Love, possible din po yun pero hindi pa sa ngayon. Pero baka by 2014 din naman. Basta matapos ko lang tong Dangerous Love, aasikasuhin ko na yun :)

~~

Chapter 29: Karma

Patuloy na ginagawa ni Steffi ang trabaho niya. Hanggang maaari ay gusto niyang matapos kaagad ang business proposal na yun para maimpress ang mommy niya. Kaya niya naman talaga tapusin ang trabaho na binibigay sa kanya pero nahahati kasi ang oras niya lalo na at inaalagaan niya ang anak.

"Ano ba ang format nito? Draft pa lang ang nagagawa ko. Kailangan ko ng format kung paano gagawin to" sabi niya sa sarili niya

Tiningnan niya ang anak na hanggang ngayon ay natutulog pa din. Tumayo siya at kinuha ang jacket niya saka pinatong sa katawan nito dahil baka lamigin ito.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok at pumasok ang assistant niya.

"Ms. Allysa, may kailangan pa po ba kayo?" tanong nito

"Wala naman"

"Uuwi na po ako dahil 5:30 na po. Kung okay lang po sana sa inyo"

"Sure, you can go home"

"Hindi pa po ba kayo uuwi?"

"No, I still have some things that I have to do. You may go"

"Thank you po"

Umalis na ang secretary niya doon at napatingin siya sa oras. 5:30 na nga ng hapon at uwian na pero hindi pa siya tapos sa mga kailangang gawin. Kailangan niya pang magresearch. Gusto niya na maapprove agad ang business proposal na ginagawa niya sa unang pasa niya pa lang.

"Mommy?"

"Hm?"

"Can we go home?"

"Later. Mommy needs to finish something"

"Okay Mommy"

Hinayaan niya na lang ang anak na gawin ang gusto nito at bumalik siya sa trabaho. Nang matapos ang ginagawa niya ay napatingin siya sa oras at nagulat siya nang malaman na 7:30 na ng gabi. Agad siyang nagligpit ng mga gamit niya.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now