[ 18 ] Love

14.2K 239 39
                                    

Click the star icon to vote :)

Chapter 18: Love

Umupo sa labas ng gate ng bahay si Steffi at doon siya naghintay. Wala siyang magawa dahil pinagtatabuyan na siya ni ZAC. Kahit na nasaktan siya nito ng kaunti ay wala siyang pakialam at maghihintay pa din siya doon hanggang sa papasukin siya nito.

'Kaya siguro ganun ang takbo ng isip ni ZAC ay dahil sa lasing siya at dahil na din sa nakita niya pero alam ko na kapag bumalik na siya sa katinuan ay papapasukin niya na din ako'

Dahil malamig sa labas ay pumasok si Steffi sa loob ng sasakyan at doon naghintay. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Alam niya kasi na sa umaga pa babalik sa dati si ZAC.

'Hindi ako pwedeng bumalik sa tinitirhan nina Eric. Ayaw ko na madamay pa sila dito. Mabuti na ako na lang ang nahihirapan'

Pagtingin ni Steffi sa phone niya ay may natanggap siya na text galing kay Eric.

From: Eric

Stef, are you okay? May ginawa ba siya sayo?

Alam ni Steffi na nag-aalala sa kanya si Eric kaya naisipan niya na replyan na lang ito.

To: Eric

Don't worry, I'm okay. Nagpapahinga na ako kaya magpahinga ka na din. Wag niyo na ako isipin.

Hinintay niya ang reply ni Eric.

From: Eric

It's good to know you're okay. Good night Stef.

Hindi na sumagot si Steffi sa text ni Eric. Patuloy siya na nag-iisip sa pwede niyang gawin.

'Sa ganitong sitwasyon, isa lang ang malalapitan ko. Si Jico lang at wala ng iba. Siya na lang ang pupuntahan ko pero hindi niya dapat malaman ang lahat ng nangyayari sa akin. Tinawagan niya ang number ni Jico.

[ Yes, sweety? You missed me? ]

"Miss mo mukha mo!"

[ Anong kailangan mo at napatawag ka? ]

"Kailangan ko ng tulong mo. Nasaan ka ngayon?"

[ Nasa bahay ]

"Papunta na ako dyan"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now