[ 14 ] Christmas

16.7K 210 19
                                    

Chapter 14: Christmas


Bisperas na ng pasko. Nasa bahay nila sina ZAC at Steffi. May mga party sa kani-kanilang bahay pero mas pinili nila na magdiwang na magkasama.


"Hon, saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong ni ZAC kay Steffi

"Ayaw mo ba dito sa bahay?"

"Hindi sa ganun. Baka may gusto kang puntahan na lugar"

"Mas gusto ko na dito na lang muna tayo sa bahay. May pupuntahan din kasi ako bukas"

"Saan naman?"

"Sa bahay nina Jico. Sigurado ako na namimiss na ako ni Stephen"

"Ngayon na lang tayo pumunta doon"

"Ayaw mo ba na tayong dalawa lang ang magkasama?"

"Gusto ko kasi na bukas tayo umalis"

"Ano?!" gulat na tanong ni Steffi


Hindi kasi kina Jico ang punta niya kinabukasan kung hindi kina Eric.


'Nangako ako kay Eric na sasamahan ko sila bukas. Hindi pwedeng hindi ko sila samahan' sabi ni Steffi sa isip niya


Nag-isip ng pwedeng sabihin si Steffi na hindi magtataka si ZAC.


"Sige, ngayon na lang tayo pumunta sa kanila"


***


"Good morning hon! I have a very special gift for you" masayang sinabe ni Steffi

"What is it?" tanong ni ZAC

"Nasa baba. Gusto mo ba na makita? Sigurado ako na magugustuhan mo iyon"


Hinila siya ni Steffi palabas ng kwarto at papunta sa solo. Nandoon ang mommy ni ZAC na kanin apa siya hinihintay. Gulat na gulat si ZAC nang makita siya. Nanatili siyang tahimik at hindi gumagalaw sa pwesto niya.


"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?" tanong ni Steffi


Hindi sumagot si ZAC at nilapitan ang nanay niya.


"Ma, bakit ka nandito?" tanong ni ZAC

"Inimbitahan ako ni Steffi dito"

"Ano?!" gulat na gulat na tanong ni ZAC

"Ayaw mo ba ako na makasama ngayong pasko? Miss na miss na kita anak"


Niyakap ni Zena ang anak niya na si ZAC.


"Pagpasensyahan mo na at wala akong pambili ng regalo para sa inyo"

"Tita, okay lang po iyon. Oo nga pala ZAC, dito muna satin titira si tita"

"Bakit naman?!"

"ZAC!" paninita ni Steffi


Hindi maintindihan ni Steffi kubg bakit kahit na maayos na sila ng nanay niya ay tila ayaw niya pa din itong makasama.


"Steffi, mag-usap nga muna tayo" naiinis na sinabe ni ZAC


Hinila ni ZAC si Steffi pabalik sa kwarto nila.


"Bakit nandito siya?!" galit na tanong ni ZAC

"Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko? Akala ko ba okay na kayo ni tita?"

"Okay nga kami pero sinabihan na kita na may balak ako na puntahan ngayon. Bakit mo siya pinapunta dito?!"

"Matagal na nakaplano ang pagpunta niya dito. Gusto ko lang naman makasama mo siya"

"Madaming oras para gawin iyon. Bakit ngayon pa?!"

"ZAC, pasko ngayon. Wag na natin pagtalunan ang mga ganitong bagay, pwede? Nandyan na si tita. Papaalisin mo pa ba?"

Hindi na sumagot pa si ZAC dahil ayaw niya na lumaki pa ang pagtatalo nila ni Steffi. Nilapitan siya ni Steffi at hinawakan ang kamay niya.

"Zyril, kahit ngayon lang oh. Ngayon lang kayo ulit makakalabas ng pasko. Niyaya ko na din dito si Zavier. Pinlano ko talaga ang araw na ito para magkasama kayong tatlo. Pagbigyan mo na ako. Akala ko matutuwa ka"

"Bakit ba nagpaplano ka mag-isa?! Dapat kinakausap mo muna ako tungkol sa mga ganitong bagay!"

"I'm sorry, okay?!"

Huminga ng malalim si ZAC at pilit na pinakalma ang sarili niya.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now