[ 35.1 ] Prisoner of Love

9.8K 174 31
                                    

Chapter 35: Prisoner of Love

Maagang gumising si Steffi para magligpit ng mga gamit nila ni Faye na dadalhin niya sa gagawing pagtakas nila. Ang plano ni Steffi ay papasok siya sa opisina pero uuwi din siya kaagad para kunin si Faye sa bahay nila at nagpakalayo layo at magtago sa lugar kung saan sila hindi makikita ni ZAC.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit ay naligo na siya para maghanda sa pagpasok sa trabaho at nilagyan niya ng ointment ang mukha. Nagkaroon na naman siya ng bagong pasa sa mukha kahit na hindi pa ganoon kagaling ang unang pasa niya sa mukha. Hinawakan niya ang mukha at tumingin siya sa salamin.

'I don't deserve this. Kung alam lang to nina Mommy, malamang inilayo na nila ako kay ZAC pero ayoko na madamay pa sila sa gulo na ako mismo ang gumawa.'

Nang magising si ZAC ay nakita niya si Steffi na nasa harap ng salamin. Hindi niya lang naman ito pinansin at dumeretso siya kaagad sa CR para maligo.

Nang makalabas si ZAC sa CR ay nakita niya si Steffi na naglalagay ng make-up. Pilit nito na tinatago ang pasa sa mukha niya na kahit anong gawin niya ay nakikita pa din. Nagkaroon din ng maliit na sugatsa mukha niya dahil sa pagtama ng box sa mukha niya. Ayaw niya na malaman ng ibang tao na sinasaktan siya ni ZAC.

'Ano na lang ang iisipin ng tao? Boyfriend ko pa lang siya at hindi pa kami kasal pero ito na ang napala ko sa pananakit niya. Paano pa kaya kung kasal na kami? Baka mabalda lang ako.'

Nilapitan siya ni ZAC at tinabig nito ang kamay niya na may hawak na make-up. Hinila niya din patayo si Steffi.

"Bakit ka nagmmake up? Sino ba ang pinapagandahan mo sa opisina?!"

"ZAC, tigilan mo nga ang pagiging paranoid mo. Kung hindi mo ako sinaktan, hindi ko na sana kakailanganin pang maglagay ng ganito para itago ang pasa at sugat ko sa mukha."

"Wag mo akong sagutin ng ganyan. Mag-ingat ka sa mga sinasabe mo at baka madagdagan pa yan."

"Why do you have to hurt me and leave all these marks? Para ba yun pumanget ako at walang magkagusto sakin? You don't have to worry about that because you're the only one I love. You don't have to do all these things to secure me."

Walang maisagot doon si ZAC. Umagang umaga pa lang ay umiinit na ang ulo niya dahil kay Steffi.

"Hindi ka papasok ngayong araw. Dito ka lang sa bahay hanggang mawala yang mga pasa mo."

"Ikukulong mo na din ba ako ngayon?"

Hindi sumagot si ZAC. May kinuha ito sa nga gamit niya at ikinabit 'yon kay Steffi.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now