[ 5 ] Eric

20.5K 363 27
                                    

VOTE BEFORE READING! :) VOTE BUTTON IS ON THE UPPER RIGHT HAND CORNER.

(Eric on the side)

------------------------------------------------

Chapter 5: Eric


"Bakit ang tagal mo pre?" tanong ni Eric sa kaibigan

"Wala, tara na"


Sumakay si Jico sa loob ng sasakyan at nagmaneho papunta sa bahay na tinitirhan nila ni Stephen.


"Saan nakatira si Steffi? Pupuntahan ko siya"

"Busy sa trabaho yun, wag mo guluhin"

"Sa tingin mo guguluhin ko siya Jico?"

"Pupunta ka ba dito kung hindi?"

"Gusto ko lang siyang makausap. Ang tagal niya na dito. Sabi niya sakin, babalik siya"

"Babalik siya. May kailangan lang siyang tapusin"

"Sabihin mo na lang sakin kung saan ko siya makikita dahil kung hindi, ako na mismo ang tatawag kay tita para alamin yun"

"Bakit hindi mo siya tawagan para alamin yun?"

"Good idea. I'll figure it from her then I'll meet her. Thanks bro"

"Wag ka muna magpasalamat. Wala pa akong nagagawa para sayo"


Pagdating nila sa bahay nina Jico ay madaling pumasok sa loob ng bahay si Eric na tila ba bahay niya na din iyon. Nakita niya si Stephen na nanonood ng tv.


"Jericho!" sigaw ni Eric


Napalingon si Stephen at masayang tumakbo papunta sa kanya.


"Tito Eric!" masayang sigaw ni Stephen

"Little Jico, how are you?"

"I'm handsome just like Daddy!"

"Mag-ama nga talaga kayo. Hahaha!"


Binuhat ni Eric si Stephen.


"Pinadala ko na sa katulong sa magiging kwarto mo yung gamit mo" naiinis na sinabe ni Jico


Pumasok si Jico sa kwarto niya at humiga. Alam niya na hindi sila nagkakasundo ni Eric sa maraming bagay kaya ayaw niya itong kasama pero wala na soyang magawa dahil bukod sa tatay nito, siya lang ang kakilala niya sa Pinas. Tumunog ang phone ni Jico kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.


"Oh?"

[ Hi babe! Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito ]

"Umuwi ka na. Hindi ako makikipagkita pa sayo. Break na tayo. Bye"

[ What?! You can"t do this to me Jico! You-- ]


Binabaan ni Jico ang babae at pinatay ang phone niya. Badtrip siya dahil sa pagdating ni Eric dahil nasira nito ang plano niya kaya pati ang babae na dinedate niya, nadamay sa inis niya.


'Kung ganito palagi, kailan ako magkakagirlfriend ng matino?' tanong ni Jico sa sarili niya


Matagal nang naghahanap si Jico ng babae na seseryosohin niya pero sa tuwing nagkakagusto siya sa babae ay biglang may darating na problema kaya iniiwanan niya na lang ito ng biglaan. Gusto niya na magbagong buhay para sa anak niya pero hindi siya binibigyan ng pagkakataon.


*A few days later*


"Jico"

"Kailan ka pa nandyan?"

"Kanina lang. Aalis na muna ako"

"Hindi mo kailangan ipaalam sakin ang mga lakad mo. Wala tayong pakialamanan sa bahay na ito kaya gawin mo kung anong gusto mo"

"Sige. Gusto ko lang ipaalam sayo na pupuntahan ko si Steffi"

"Mahal mo ba talaga siya kahit alam mong ayaw niya sayo?"

"Oo pre. Gusto ko malaman kung bakit ang tagal niya bago makabalik at kung ano ang nangyayari sa kanya kaya ako pumunta dito"

"Ge, pwede ka na umalis"

"Pwede ko ba mahiram sasakyan mo?"

"Oh!" sabi ni Jico sabay hagis ng susi

"Thanks dude!"


Lumabas ng kwarto ni Jico si Eric at madaling umalis doon para puntahan si Steffi. Habang nagmamaneho siya ay tinawagan niya si Steffi para alamin kung nasaan ito.


[ Eric, bakit ka napatawag? ]

"Nasa Pinas ako. Kanina lang ako dunating"

[ Ano?! Bakit ka nandito?! ] pagtatanong ni Steffi na tila ba walang alam sa nangyayari

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Anong oras uwi mo?"

[ 5:30 ]

"Saan ang opisina niyo?"

[ I'll text you the place. Let's meet after work. We really need to talk ]

"Okay, I'll be there"


Pagkatanggap niya ng text ni Steffi ay nagtanong tanong siya at pumunta sa lugar na iyon. Habang naghihintay siya kay Steffi ay may napansin siyang lalaki na pamilyar sa kanya ang mukha. Nakasandal ito sa sasakyan niya at naninigarilyo kaya hindi maiwasan ni Eric na tingnan siya mula sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam na ang lalaking iyon ay si ZAC.


'He is familiar to me. I can't remember where I've seen him' sabi niya sa isip niya


Paglabas ni Steffi ay nanlaki ang mata niya nang makita si ZAC. Dahil sa inaalala niya ang pagdating ni Eric ay nakalimutan niya na sabay silang umuuwi ni ZAC. Madali niya itong nilapitan.


"ZAC! Kanina ka pa ba naghihintay?"

"Hindi. Tara na?"

"Hindi ako makakasabay sayo pauwi. May mga kailangan pa akong asikasuhin kaya mauna ka na umuwi. Magtataxi na lang ako papunta sa bahay"

"Delikado ang panahon ngayon Geneere"

"Okay lang ako, wag ka mag-alala. Kung ayaw mo magtaxi ako, tatawag ako sa bahay para ipahatid ako pauwi"

"Sige, mag-ingat ka"

"Mag-ingat ka din. Bye!"


Madaling pumasok si Steffi sa loob ng building at patagong sumilip at hinintay na makaalis si ZAC. Hindi niya alam na simula nang lumabas siya doon para kausapin si ZAC ay pinapanood siya ni Eric. Tinawagan siya ni Eric at madali niya yung sinagot.


"Where are you?"

[ I'm still busy with my work ]


Hindi nagustuhan ni Eric na malaman na nagsisinungaling si Steffi sa kanya. Maayos sila ni Steffi noon at hindi siya sinusungitan nito kahit ayaw ni Steffi sa kanya pero ngayon, nagbago na ito.


"Malapit na ako. Hihintayin na lang kita"

[ Okay. Bye ]


Nakita niyang pumasok sa loob si Steffi. Napaisip siya kung ano ba ang dapat gawin matapos niya makita ang mga pagsisinungaling ni Steffi sa kanya. Hindi niya na napigilan ang sarili niya at pumasok siya sa loob ng building at nakita niyang nakaupo doon si Steffi. Pwersahan niyang hinila patayo si Steffi.


"Ma'am Allysa!" sigaw ng isang empleyado


Lalapitan sana sila ng mga guards.


"It's okay. I know him" kalmadong sagot ni Steffi


Dahil sa hindi siya binibitawan ni Eric ay hinila niya na lang din palabas si Eric doon. Pagkalabas ng buildibg ay si Eric na ang humila kay Steffi papasok sa sasakyan. Pagkapasok nilang dalawa, hindi muna pinaandar ni Eric ang sasakyan at nanatili silang tahimik.


"Ano bang problema mo Eric?! Pumunta ka pa talaga dito para manggulo!" naiinis na sigaw ni Steffi

"Hindi ako nanggugulo Steffi!"

"Bakit ba kasi pumunta ka pa dito?!"

"Nandito ako para sunduin ka!"

"Hindi na kailangan! Babalik ako doon kapag natapos na ang mga dapat kong asikasuhin dito. Bakit ka ba nagmamadali?!"

"Inaasikaso?! Sino ba inaasikaso mo dito? Yung lalaki kanina?!"


Nagulat si Steffi nang marinig iyon dahil alam niya na si ZAC ang tinutukoy ni Eric.


"H-hindi ko alam ang sinasabe mo"

"Tama na Steffi! Kanina ka pa nagsisinungaling at ngayon papatungan mo na naman ng isa pang kasinungalingan yun!"

"Ayaw ko na makipagtalo sayo Eric. Pagod ako, gusto ko na umuwi. Alam mo naman kung saan ako nakatira hindi ba?"

"Oo"


Nagsimulang magmaneho si Eric papunta sa mansyon ng mga Perez. Nanahimik si Steffi at tumingin sa dinadaanan nila.


'Kailangan kong malusutan si Eric dahil kung hindi, magkakagulo lalo. Mahirap na noon na nahanap ako ni Eric pero lalong mahirap ngayon na nandito siya' sabi ni Steffi sa isip niya.


Hindi alam ni Steffi na tinitingnan siya ni Eric. Naghihinala na si Eric sa kanya at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang paniwalaan. Lagi kasi siyang naniniwala kay Steffi pero ngayon, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang maniwala kay Steffi o maniwala na lang sa kung anong nakikita niya. Hinawakan ni Eric ang kamay ni Steffi habang nagmamaneho at nginitian siya ni Steffi.


"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Eric

"Pagdating sa bahay, mag-usap tayo ng maayos tapos magluluto ako ng hapunan natin kagaya ng lagi kong ginagawa"

"Sige. Sobrang namiss kita Steffi"

"Ako din" pagsisinungaling niya


Nagulat ang mga katulong nang makita na dumating doon si Steffi. Simula kasi noong engagement nila ni ZAC ay ngayon lang ulit bumalik doon si Steffi. Hinila niya papunta sa kwarto niya si Eric pero bago pa man sila makarating doon ay nakasalubong nila si Kim na papaalis na ng bahay.


"Steffi, what brought you here? Who's this guy?" tanong ni Kim

"Kaibigan ko" tipid na sagot ni Steffi


Nginitian siya ni Eric at bigla na lang siyang hinila ni Steffi papalayo doon. Hindi maiwasan ni Kim na tingnan ang lalaki dahil sa gwapo ito at tila ba pamilyar ang mukha. Kahina-hinala din kasi ang mga ikinikilos ni Steffi.


"Kapag nakasalubong mo ulit yung babaeng yun, wag mo siya papansinin" pagpapaalala ni Steffi

"Sino ba siya?"

"Pinsan ko"


Pagkapasok nila sa kwarto ay nilock ni Steffi ang pinto.


"Magbibihis muna ako" pagpapaalam ni Steffi


Kumuha ng damit si Steffi at nagbihis. Habang nagbibihis siya ay nagtingin tingin si Eric sa kwarto at may nakita siyang picture nina Steffi at ZAC na magkasama. Naalala niya noon na habang nasa US sila ay may nakita siyang picture ni Steffi kasama si ZAC.


"Siya yung lalaki kanina. Sabe ko na nga ba at pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang alam kung sino nga ba siya" mahinang sinabe niya


Alam niya na may kakaibang nangyayari na hindi niya alam. Pilit niyang tiningnan ang mukha ni ZAC para makabisado niya.


"Eric!" sigaw ni Steffi nang makita niya si Eric

"Sino siya?"

"Si ZAC. Anak siya ng investor nina Mommy sa kompanya. Kapatid din siya ng asawa nung babae na nakasalubong natin kanina"

"Kaano-ano mo siya?"

"Best friend ko siya"

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Oo. Eric, sana paniwalaan mo naman ako. Pasensya na kung nagsinungaling ako kanina"


Hinawakan ni Steffi ang kamay ni Eric at nginitian siya. Nginitian siya pabalik ni Eric kahit alam ni Eric na nagsisinungaling si Steffi. Hinila siya ni Steffi papaupo sa sofa.


"Kamusta na kayo sa US?" tanong ni Steffi

"We're okay. We've been waiting for you"

"Where are you staying?"

"Jico's house"

"When will you go back to the US?"

"I want to go back to the US with you Steffi. I'll wait for you"

"There is no need for you to do that. I'm now working here. I'll visit there when I'm not busy"

"Then we will transfer here with you"

"No!" gulat na sagot ni Steffi

"Bakit? May tinatago ka ba kaya ayaw na ayaw mo na nandito ako?"

"Pinaghihinalaan mo ba ako?"

"Yes Steffi. You're acting different since you came here"

"Eric, baka nakakalimutan mo na hindi kita boyfriend"

"Gusto mo ba sabihin ko pa sayo kung bakit ako ganito?"

"Hindi na kailangan dahil alam ko kung bakit. Hindi kita kailangan at kaya ko na mag-isa. Pwede ba Eric, wag mo na akong pahirapan pa! Bumalik ka na lang doon at hintayin niyo na bumalik ako. Tatapusin ko lang ang mga kailangan kong gawin dito at pangako, babalik ako sa susunod na taon. Magbabakasyon ako doon sa pasko"


Nalungkot si Eric sa mga sinabe ni Steffi.


"Pinapahirapan ba talaga kita? Gusto ko lang malaman kung bakit ang tagal mo dito. Hindi lang ako ang naghihintay sayo, tandaan mo yan"

"Alam ko iyon. Pangako, sasabihin ko din sayo ang lahat kapag natapos na ito. Ayaw ko na madamay pa kayo"

"Sige, hindi kita guguluhin at aalis din ako kaagad dito pero may isa lang akong hihilingin sayo"

"Ano ba iyon?"

"Sana wag ka na magsinungaling pa sakin. Maiintindihan ko naman kung ano ang pinagdadaanan mo. Alam mo na mabait ako at hindi kita kayang saktan pero sana wag mo sagarin ang kabaitan ko dahil hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin kapag napuno na ako"

"Alam ko iyon Eric. Masaya ako na iniintindi mo ako"


Niyakap siya ni Steffi nang mahigpit. Natutuwa si Steffi dahil alam niya na marunong tumupad sa usapan si Eric at hindi siya guguluhin nito.


'I'm sorry Eric. I know that you love me and you're a good person but I can't return your love for me' sabi ni Steffi sa isip niya


Kumawala sa pagkakayakap ni Steffi sa Eric at hinawakan niya si Steffi sa mukha.


"I love you Steffi. I know that you can't love me back but remember that I am here for you. I am willing to do anything for you and you know that I'm only asking you to let me stay by your side in return"

"I know and I'm really thankful that I have you"


Hinalikan niya si Steffi sa noo at nginitian. Hindi alam ni Steffi na may binabalak na pala sa kanya si Eric.


'There must be a reason why you don't want me here and I'll figure it out Steffi. This time, you can't stop me' sabi ni Eric sa sarili niya

-------------------------------------------------

Hi guys! :) Salamat sa pagvovote. Ok na ako basta lalagpas lagi sa 50 votes. Nakakalungkot kasi pag walang nagvovote ee. mag-iiwan lang ako ng mag-iiwan muna ng hints para macurious kayo :)

PAKIKALAT NAMAN PO NA MAY BOOK 2 NA ANG AN ORPHAN'S FIRST LOVE para mabasa din nila ito. Salamat po.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now