[ 30 ] Sick

11.1K 178 15
                                    

Hi guys! An Orphan's First Love is considered as one of Wattpad's most read stories of all time. Thank you sa support. Hindi to mangyayari kung hindi dahil sa inyo <3 To read more, you can visit this http://www.wattpad.com/milestone/mostreadPH/689691

Chapter 30: Sick

Sabay na pumasok sina Steffi at ZAC sa opisina. Hindi na nagdrive ng sariling sasakyan si Steffi dahil ang usapan nila ay sabay na silang papasok at uuwi sa opisina simula ngayon. Hindi na din naman sumama si Faye kay Steffi at inihabilin na lang muna siya sa katulong.

"Okay na ba ang mukha mo?" tanong sa kanya ni ZAC

"Mukha bang okay? Kitang kita mo naman na nagingitim ang mukha ko, hindi ba?"

"Sorry, Geneere"

"Hayaan mo na lang. Mawawala din naman to"

Inayos ni Steffi ang buhok niya kung saan mataakpan ng buhok niya ang pasa sa mukha niya para hindi ito masyadong mahalata. Naglagay na din siya ng concealer para lang itago yun.

"Magdinner tayong dalawa mamaya. Pangbawi ko na lang din sayo"

"Paano si Faye? Wala siyang kasama sa bahay. Sino ang makakasabay niya kumain?"

"Nandoon naman ang mga katulong. Magpapaluto na lang ako ng masarap para sa kanya o kaya uuwian natin siya ng pagkain"

"Hindi ba pwedeng sa bahay na lang tayo para kasama siya?"

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi.

"Ngayon lang tayo lalabas ulit ng tayong dalawa lang. Pagbigyan mo naman ako."

"Okay, fine. Pero wag tayo masyadong magpapagabi"

"Dinner lang ang gagawin natin, wala ng iba"

"Okay"

Pagkadating sa opisina ni Steffi ay agad siyang sinalubong ng secretary niya na si Kat.

"Good morning, ma'am Steffi"

"Good morning"

Napansin kaagad nito ang pasa sa mukha niya.

"Ano pong nangyari sa mukha niyo?"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon