[ 35.3 ] Challenge

10.5K 200 34
                                    

Chapter 35.3: Challenge

Hindi makapaniwala si ZAC sa narinig. Napapailing lang siya.

"T-totoo ba, Steffi?" tanong nito sa kanya.

Hindi sumasagot si Steffi at nananatili itong nakatingin kay Jico.

"Sa maniwala ka o sa hindi, totoo ang sinasabe ko. Tama na ang pagpapanggap na 'to, Steffi. Kailangan niya nang malaman ang totoo," saad ni Jico.

"Imposible ang sinasabe mo. Tama na ang palabas mo, Jico! Hindi ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo! Hindi mo ako mapapalayo sa kanya!"

"Just like what I expected, you wouldn't believe me. That's the problem with you, dude. You never listened. Ginagawa, sinasabe at pinakikinggan mo lang ang gusto mo. Kaya ka iniwan ni Steffi dahil sa ugali mo."

Nainis si ZAC kaya sinuntok niya si Jico pero nakailag ito. Inaasahan na ni Jico na gagawin 'yon ni ZAC pero mas mabilis pa din siya dito.

"Why don't you ask Steffi to tell you the truth? She will never lie."

Tiningnan ni Jico si Steffi na hindi mapakali sa hinihigaan niya. Ngayon ay naiipit siya sa gitna. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin niya.

"Steffi, if you will not tell him the truth, malamang patuloy lang siyang aasa."

Nakatingin sa kanya si ZAC nang tingnan niya ito. Halo halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Naghahalo ang matinding lungkot at galit. Alam niya na mahina si ZAC kaya palagi nitong idinadaan sa lakas ang galit niya. Doon kasi, hindi makikita ang kahinaan niya. Takot itong maiwan na mag-isa. Takot itong ipakita ang ibang emosyon niya.

Mula bata pa lang ito ay palagi na itong napag-iiwanan ng mga tao na mahalaga sa kanya. Noong una, ang mommy niya, sumunod si Monique at ngayon naman ay siya.

"Zyril, I'm sorry. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagsisinungaling sa 'yo. Hindi na ako magtataka kung hindi mo na ako kaya pang patawarin. I lied about my daughter. I told everyone that it was Eric's daughter but it was actually Jico's. I'm sorry."

Hindi pa din naniniwala si ZAC kay Steffi. Pakiramdam niya ay sinasabi lang 'yon ni Steffi para lalo siyang nagalit dito. Napapailing lang siya.

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Imposibleng mangyari 'yan."

"Totoo ang sinasabe ko. Ipa-DNA mo pa si Faye."

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon