[ 3 ] Phone Call

21.5K 277 26
                                    

HELLO GUYS! PLEASE HELP ME SPREAD THE NEWS ABOUT THE SECOND BOOK OF AN ORPHAN'S FIRST LOVE. THANK YOU!

Chapter 3: Phone Call


Nasa opisina si Steffi pero wala siyang ginagawa kung hindi magtingin tingin sa mga ginagawa ng iba doon. Nababagot na siya kaya umupo na muna siya at tiningnan ang phone niya.


'Tatawagan ko ba siya?' tanong niya sa isip niya


Alam niya na hindi siya titigilan ni Eric kapag hindi niya ito tinawagan. Ayaw niya na magkausap sila ni ZAC kaya napagdesisyonan niya na tawagan ito at agad na nasagot ang tawag.


[ Steffi, I've been waiting for your call ]

"Alam ko. Tumawag na ako sayo at alam mo na ang number ko. Siguro ngayon hindi mo na ako kukulitin?"

[ Why do I feel like youve been avoiding me? ]

"Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman?"

[ Bakit ba simula ng umalis ka dito, nagbago ka na? ]

"Hindi na importante iyon. Simula ngayon, sa number na ito mo lang ako pwede tawagan, naiintindihan mo? Ayaw ko din na kinukulit mo ako dahil marami akong ginagawa diyo"

[ Kung yan ang magpapasaya sayo, sige ]

"May sasabihin ka pa ba?"

[ Kailan mo plano bumalik? ]

"Hindi ko alam. Baka matagalan pa bago ako bumalik"

[ I want to go there too ]

"Don't you dare coming here! I will go back there. Just wait for me. I don't want you calling everyday. Just call me when you something important to say"

[ Steffi, I miss you ]

"Bye Eric"


***


Hinintay ni Steffi si ZAC sa labas ng building ng opisina nila. Sandali lang at dumating ito kaagad kaya madali siyang pumasok sa sasakyan.


"Pupunta tayo kina Jico ah?" pagpapaalala ni Steffi

"Kailangan ba talaga natin pumunta doon?"

"ZAC, ngayon lang ito. Pumayag ka na. Malay mo pagkatapos ng gabi na ito, maging maayos na kayo ni Jico"

"Hindi mangyayari yun"

"ZAC, wag ka magsalita ng tapos"

"Kilala ko siya. Traydor siya at gagawin niya lahat para makaganti sakin"

"Wala na akong magagawa kung yan ang iniisip mo"


Mabilis silang nakarating sa bahay nina Jico dahil sa malapit lang iyon sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.


"Mommy, I miss you!" masiglang bati ni Stephen

"I miss you too, Stephen"


Niyakap ni Stephen si Steffi pero agad silang pinaghiwalay ni ZAC. Ayaw niya kasing nakikita na malapit ang anak ni Jico kay Steffi. Kahit na ganun pa man, nilapitan ni Steffi si Stephen at binuhat.


"Buti nakarating kayo" masayang sinabe ni Jico

"Hindi ako pumunta dito para sayo, si Stephen ang pinunta ko dito" sagot ni Steffi

"Alam ko. Kumain na tayo" pagyayaya ni Jico


Umupo sila sa harap ng lamesa at napansin ni Steffi na ang daming pagkain.


"Ako ang nagluto ng lahat ng iyan. Walang lason yan kaya kumain kayo ng madami" proud na sinabe ni Jico


Natawa si Steffi sa sinabe ni Jico. Alam niya kasi na hindi ito marunong magluto o gumawa ng ano mang gawaing bahay kaya hindi siya makapaniwala.


"Kailan ka pa natutong magluto Jico?" matawa tawang tanong ni Steffi

"Nag-aaral ako magluto"

"Imposible"

"Paano mo nga ba malalaman ang totoo? Hindi na tayo nakatira sa iisang bahay"

"Mommy, what's wrong? Why are you fighting?" inosenteng tanong ni Stephen

"Wag mo nga matawag tawag na Mommy si Steffi, hindi mo siya nanay!" naiinis na pagsita ni ZAC sa bata

"Mommy, he's scary! He's a monster!" natatakot na sinabe ni Stephen

"No Stephen, tito ZAC is kind. He's just joking"

"Kumain na tayo" pagyayaya ulit ni Jico


Tahimik silang kumain at nagustuhan ni Steffi ang pagkain. Si Jico talaga ang nagluto noon at sinadya niyang magluto ng mga pagkain na magugustuhan ni Steffi.


"Nagustuhan niyo ba ang pagkain?" tanong ni Jico

"Okay naman" tipid na sagot ni Steffi


Pagkatapos nila kumain ay pumunta sila sa likod ng bahay kung saan may swimming pool at nagpahinga doon. Pansamantalang naiwan doon sina ZAC at Jico dahil sinamahan ni Steffi sa kwarto si Stephen. Tahimik silang dalawa at walang nagsasalita.


"Kailan niyo plano magpakasal?" tanong ni Jico

"Bakit mo gusto alamin? May plano ka na naman bang guluhin kami?"

"Yan ang problema sayo pre. Masyado kang mapaghinala"

"Kahina-hinala ka naman talaga"

"Hindi mo ba ako kaya pagkatiwalaan? Kaibigan ko si Steffi, hindi ko sisirain ang kasal niya"

"Dapat ka bang pagkatiwalaan? Hinding hindi ako magtitiwala sayo Jico"

"Pinapaalalahanan kita ZAC, kung may sisira man ng kasal niyo, hindi ako yun kung hindi si Steffi mismo"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Sinasabihan lang kita"


Napaisip si ZAC sa sinabe ni Jico. Alam niya na may laman ang sinasabe nito pero hindi niya alam kung ano. Alam niya kasi na hindi nagsasalita ng walang kwenta si Jico.


"May binabalak ka na naman ba Jico?"

"Tingin mo ba ipapahamak ko ang anak ko? Sa dami ng miyembro ng grupo mo, kakayanin niyo na saktan ang anak ko at hindi ko papayagan na mangyari iyon kaya wala akong balak laban sayo"

"Imposible ang sinasabe mo. Kailan ka pa naging tahimik?"

"Wag ka mag-alala. Kakalabanin kita ulit kapag wala sa tabi ko ang anak ko pero habang nandito siya, makakaasa ka na wala akong gagawin"

"Aasahan ko yan"


Natahimik na naman silang dalawa. Walang tiwala si ZAC kay Jico kahit noon pa man kaya kahit na sabihin ni Jico na wala siyang gagawin ay hindi pa din siya mapanatag.


"Gusto mo uminom? Ngayon lang tayo nagkasama ulit. Pinsan naman kita, ok lang naman siguro hindi ba?" tanong ni Jico

"Sige, payag ako"

"Magpapaluto na ako ng pulutan. Puntahan mo na muna si Steffi sa taas"


Tumayo si ZAC at pumunta sa kwarto kung nasaan si Steffi. Nakita niya ito na masayang nakikipaglaro sa anak ni Jico. Ayaw na ayaw niya na napapalapit si Steffi sa bata dahil hanggang ganoon ay may dahilan si Steffi para makipagkita kay Jico. Ayaw niya din na si Steffi ang tinuturing na nanay ng bata.


"Zyril, nandyan ka pala. Hindi ka man lang nagsasalita"


Tumayo si Steffi at nilapitan si ZAC saka hinalikan sa pisngi.


"Mukhang masaya ka ah?"

"Hindi ko maiwasan. Ang tagal ko na din na hindi nakakasama si Stephen"

"Ayaw ko na napapalapit ka sa kanya"

"Alam ko iyon at nararamdaman ko iyon. Ngayon lang naman ito at matagal bago ako ulit bumisita sa kanila kaya pagbigyan mo na ako"

"Sige, kung yan ang gusto mo Geneere"

"One more thing, can't you be a little nice to the kid? He can only understand English so he cannot understand what you're saying a while ago. Talk to him a nice way, please?"

"Bakit ko gagawin yun?"

"Kapag nagkaanak tayo, ganyan mo din ba tatratuhin?"

"Syempre hindi. Iba siya, anak siya ni Jico"

"Anak siya ni Jico na pinsan mo, kamag-anak mo pa din siya"

"Hindi ko siya kadugo"

"Come on Zyril! Do this for me, please?"

"Sige, susubukan ko"

"Thank you"


Niyakap ni Steffi si ZAC. Nilapitan sila kaagad ni Stephen at pumwesto sa gitna nilang dalawa. Ayaw ni Stephen kay ZAC dahil ang tingin niya, sina Steffi at Jico ang mga magulang niya.


"Mommy, I'm jealous"

"Come here, my little Jico"


Binuhat siya ni Steffi at iniupo sa kama. Sumunod doon si ZAC at napagitnaan nila si Stephen.


"Mommy will get you some milk. Just wait for me here and be good to tito ZAC, okay?"

"Yes, Mommy"


Pagkalabas ng kwarto ay dumistansya si Stephen kay ZAC dahil sa natatakot siya dito.


"Is it true that you will marry my Mommy?" tanong ni Stephen kay ZAC

"Yes"

"Why is she marrying you? My daddy is more handsome!"


Tiningnan ng masama ni ZAC ang bata at lalo itong natakot.


"I don't like you tito ZAC! You're a monster!"

"I'm a monster?" kalmadong tanong ni ZAC sa bata


Tumango ang bata at nilapitan siya ni ZAC para lalong takutin.


"Do you want to see a real monster?"

"No"

"I'm a monster and I'll eat you!" pananakot ni ZAC sa bata


Tinakot ni ZAC ang bata na tila ba kakainin niya ito. Kinuha niya ang unan at nagtakip noon dahil sa takot kay ZAC. Tuwang tuwa si ZAC na tinatakot ang bata.


"I don't like you for my Mommy!" sigaw ng bata habang nakatakip ng unan


Hinawakan ni ZAC ang bata sa braso at hinila papaupo.


"She's not your Mommy! Stop calling her Mommy!" naiinis na sinabe ni ZAC

"No! She's my mommy!"


Napahigpit ang pagkakahawak ni ZAC sa braso ng bata.


"Sinabe kong tigilan mo kakatawag sa kanya ng Mommy! Hindi ka niya anak!"


Dahil sa nasasaktan at natatakot ang bata ay umiyak ito.


"Mommy! Daddy!" umiiyak na sigaw nito


Binitawan ni ZAC ang bata.


"Tumigil ka nga sa kakaiyak! Malilintikan ako kay Steffi nito e. Oi tumahan ka nga! Ang ingay mo" naiinis na sinabe ni ZAC


Pinagsusuntok ng bata si ZAC sa braso habang umiiyak.


"I hate you!" sigaw ng bata


Tumayo si ZAC para dumistansya at hinayaan na lang na umiyak ang bata dahil hindi niya alam kung paano ito patatahanin. Nang marinig nina Jico at Steffi ang sigaw at iyak ng bata galing sa kwarto ay madali silang pumunta doon.


"Mommy! Daddy!" sigaw ng bata


Madaling nilapitan nina Steffi at Jico ang bata at agad silang niyakap habang umiiyak. Hindi nagustuhan ni ZAC na makita silang ganun dahil mukha silang isang pamilya. Lalabas na sana siya nang mapansin siya ni Steffi.


"Ano bang ginawa mo? Saglit ko lang siya iniwan at pagbalik ko umiiyak na siya" naiinis na sinabe ni Steffi

"Wala akong ginawa sa kanya. Bigla na lang siya umiyak" pagsisinungaling ni ZAC

"Hindi siya iiyak ng walang dahilan! Buti dumating kami kaagad"

"Edi magsama na lang kayo" naiinis na sinabe ni ZAC


Lumabas doon si ZAC dahil sa inis. Alam ni Steffi na nainis din si ZAC dahil sa nangyari pero hinayaan niya na lang muna ito.


"Jericho, what happened?" tanong ni Jico sa anak


Hindi ito sumagot at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at yumakap na lang kay Steffi.


"Are you okay, baby?" nag-aalalang tanong ni Steffi

"Yes, mommy"


Hindi nagtagal at tumigil sa pag-iyak ang bata. Pinahiga nila ito sa kama at pinatulog nilang dalawa.


"Jico, pagpasensyahan mo na. Natakot siguro yung bata kay ZAC"

"Nakakatakot naman talaga ang mukha nun. Haha!" Pagbibiro ni Jico

"Jico!"

"Biro lang"

"Oo nga pala, nakausap ko si Eric kanina"

"Mabuti kung ganun. Hindi na yun tatawag ng tatawag sakin para hanapin ka"

"Paano niya nalaman ang number sa bahay na tinitirhan namin ni ZAC?"

"Tinatanong pa ba yan?"

"Bakit mo sinabe sa kanya?!" naiinis na tanong ni Steffi

"Mommy, Daddy, don't fight" singit ni Stephen sa usapan nila


Hindi pa tuluyang nakakatulog si Stephen at nakatingin siya kina Jico at Steffi.


"We're not fighting. Sleep" kalmadong sinabe ni Steffi


Hinintay nilang makatulog ang bata at umupo sila sa dulo ng kama para makapag-usap. Hinintay din ni Steffi ang pagkakataon na ito para makausap si Jico.


"Ngayon, ipaliwanag mo sakin kung bakit. Alam mo na iniiwasan ko siya. Buti na lang ako ang nakasagot ng tawag niya at hindi si ZAC dahil kung hindi, gulo na naman ito"

"Kung hindi ko binigay ang number mo, hindi niya din ako titigilan. Namimiss ka lang ng tao"

"Alam nating dalawa ang totoo. Mapapahamak ako sa ginagawa mo e"

"Gusot mo iyan Steffi kaya ikaw ang umayos"

"Dawit ka din dito!"

"Anong plano mo? Kailan mo sasabihin kay ZAC ang lahat?"

"Hihintayin ko muna na maikasal kami bago ko sabihin sa kanya"

"Paano kapag nalaman niya bago pa kayo ikasal? Baka iwan ka niya"

"Alam mo na hindi ko papayagang mangyari iyon Jico"

"Susubukan ko kausapin si Eric para hindi ka guluhin"

"Sa tingin mo makikinig sayo iyon? Sakin lang siya nakikinig Jico"

"Kung ganun lang pala, bakit mo pa ako kinausap? Anong kailangan mo sakin?"

"Anong dapat kong gawin?"

"Kung yun ang plano mo, pilitin mo si ZAC na pakasalan ka kaagad. Wag mo na patagalin pa dahil malalaman niya din ang totoo. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin ni Eric sa susunod na mga araw"

"Susubukan ko"

"Tara na, magtataka si ZAC kapag nagtagal tayo"


Pumunta sila sa kung nasaan si ZAC na nakita nila itong umiinom ng alak na mag-isa. Iniwan kasi ni Jico ang alak sa lamesa nang marinig na umiiyak si Stephen. Nag-inuman sila hanggang sa malasing si ZAC habang si Jico ay tinamaan na ng epekto ng alak. Kaunti lang ang ininom ni Steffi dahil magmamaneho pa siya pauwi.


"Sige Jico, uuwi na kami. Sa susunod ulit"

"Tulungan na kita" pagpepresinta ni Jico


Lasing na lasing si ZAC kaya naman tinulungan niya si Steffi na alalayan papunta sa loob ng sasakyan. Pagkatapos noon ay lumabas si Steffi sandali.


"Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako"

"Steffi, binabalaan kita. Matalino si ZAC at hindi mo siya basta bastang mauutukan kaya mag-ingat ka sa mga ikinikilos mo kung ayaw mong mahuli ka"

"Salamat Jico"


Nagmaneho si Steffi pauwi habang iniisip ang huling sinabe sa kanya ni Jico.


'Tama si Jico. Matalino si ZAC kaya kailangan kong mag-ingat. Sasabihin ko din kay ZAC ang totoo pero hindi pa sa ngayon dahil iiwanan niya ako kapag nalaman niya ang totoo' sabi ni Steffi sa isip niya

-----------------

Hanggang dito muna guys. :) Ito na lang ang on-going story ko sa ngayon kaya sa tingin ko mas mabilis ko na ito maaupdate. Abangan ang kasunod :)

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon