Epilogue

13.3K 336 133
                                    

Epilogue:

Naglalakad si Steffi papalapit kina Jico. Kasama nito ang anak niya na si Faye pati na din si Stephen. Masaya silang nagkukulitan at naglalaro sa sala ng bahay na tinitirhan nila.

"Daddy, where is Mommy?" tanong ni Faye.

"Your mommy is coming."

Madaling nilapitan ni Steffi ang anak at yayakapin niya sana ito pero nang biglang tumagos ang kanyang mga kamay sa katawan ng bata. Dinaanan lang siya nito na tila ba hangin na hindi niya nakikita. Napatingin si Steffi sa mga kamay niya.

'W-why? Am I really dead?'

Napatalikod si Jico sa mga bata at napabuntong hininga na lang.

"Bakit ba kasi kailangan niya pang mawala at iwan sa 'kin ang mga anak niya?" mahinang sinabe ni Jico.

Hindi maintindihan ni Steffi ang nangyayari. Hindi siya makapaniwala na wala na talaga siya sa mundo.

'What have I done? Have I done the right thing?' tanong niya sa sarili.

Nalulungkot man siya sa nangyari pero may parte pa din sa puso niya na masaya. Masaya siya na nakikita na maayos ang kalagayan nila pero nalulungkot din siya kapag naiisip na lalaki sila na walang ina.

Napalingon siya nang may yumakap sa kanya galing sa likuran. Nakita niya si ZAC na nakangiti sa kanya. Gwapo ito sa paningin niya at nasa maayos na kalagayan. Kitang kita din sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya kahit na nakangiti ito.

"Are you okay?"

"Am I.."

"Yes, Steffi. You're dead."

Napangiti si Steffi. Hindi dahil sa masaya talaga siya kung hindi dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Magiging okay din sila kaya wag ka ng mag-alala. Buong buhay mo, nag-aalala ka sa kanila. Panahon na para sariling kaligayahan mo na lang ang isipin mo. Come with me."

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi at hinila siya nito palayo. Hindi maiwasan ni Steffi na lumingon para tingnan ang anak niya. Nabisita niya na ang iba niya pang mahal sa buhay at sina Jico na ang huli. Alam niya na din sa sarili niya na patay na siya pero hindi siya makapaniwala na totoo nga iyon hanggang sa nakita niya si ZAC.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now