[ 1 ] Surprise

34.5K 463 38
                                    

REMINDERS BEFORE YOU READ / ANNOUNCEMENTS:

- Make sure na nabasa niyo na ang Special Chapters bago niyo ito basahin dahil karugtong po ito noon. Here is the link: http://www.wattpad.com/10988642-an-orphan%27s-first-love-special-chapters

- I will not be giving softcopies for An Orphans First Love due to plagiarism issues.

- Vote button is on the upper right hand corner :) Don't forget to vote.

- I will be using 3rd person POV's from now on. Binabago ko na din ang AOFL at pinapalitan ang POV to 3rd person.

-----------------------------------

Chapter 1: Surprise


"Kim, bakit ba kailangan pa akong ayusan? Saan ba ang punta natin?" tanong ni Steffi sa pinsan

"Can you shut up Steffi? Youre asking the same question over and over for the past hour" naiinis na sagot ni Kim

"Kung sinagot mo yung tanong ko kanina, hindi na sana ako nagtatanong ng paulit ulit"

"I told you, its a surprise!"

"Anong surprise?"

"Kung sasabihin ko sayo, hindi na surprise yun"


Natapos na ayusan si Steffi. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang siyang pinapunta ni Kim sa kwarto nito. Pinagsuot pa siya ng gown at inayusan ng sobra na tila ba may engrandeng party sila na pupuntahan. Nakatira na ngayon si Steffi sa mala-mansyon na bahay nila.


"Let's go" sabi ni Kim


Lumabas sila ng kwarto at piniringan ni Kim si Steffi. Dinala niya ito sa gazebo sa likod ng bahay na tinitirhan nila.


"Steffi, please don't move! If you move, you might fall. I will remove your blindfold in a while" sabi ni Kim


Madaling umalis doon si Kim. Hindi naman nagtagal at may nagtanggal na ng piring sa mata ni Steffi at nakita niya si ZAC sa harap niya na bihis na bihis din.


"Zyril, what are you doing here? What is happe--"


Natigilan si Steffi sa sinasabi niya nang lumuhod si ZAC sa harapan niya. May hawak itong singsing.


"Z-ZAC"

"Steffi Geneere Santillan, will you marry me?"

"Yes ZAC, I will marry you"


Tumayo si ZAC at binuhat si Steffi saka ito pinaikot ikot. Pagkababa niya sa kanya, hinalikan niya ito.


"ZAC, hindi mo na ito kailangan pang gawin"

"Hindi ako papayag na babae ang nagpopropose. Sabi ko nga sayo noon, naunahan mo lang ako"

"Pero halos anim na buwan na simula ng bumalik ako. Hindi ko inaasahan na gagawin mo pa ito"

"Kaya nga surprise hindi ba?"

"Thank you"


Halos maiyak si Steffi sa tuwa. Alam niya na hindi tatagal at ikakasal din siya sa lalaki na nasa harap niya.


"Wag kang umiyak. Hindi iyakin ang Steffi na nakilala ko"

"Hindi ako iiyak ano!"

"Dapat lang dahil may pupuntahan pa tayo"

"Ano?'


Hindi na sumagot si ZAC at hinila si Steffi papasok sa kotse niya. Pumunta sila sa isang hotel at dumeretso sa isa sa mga kwarto doon. Nagulat siya nang makita ang mga malalapit nila na kaibigan na nandoon.


"Ano na naman ito ZAC?"

"Engagement party"


Napangiti na lang si Steffi. Madali siyang nilapitan ni Kim.


"Surprise! Do you like it my dear cousin?" tanong ni Kim

"Oo Kim"

"Happy engagement! I'm looking forward on your wedding. Please, be married after I gave birth or as soon as possible. I don't want to look fat on the pictures"

"Pwede ba Kim? Tigilan mo na nga" naiinis na sinabe ni ZAC

"Shut up ZAC! Ayoko ipaglihi sayo ang magiging anak ko kaya--"

"Oo na, sige na doon ka na"

"Pagkatapos kitang tulungan dito, dyan ka na nga!"


Umalis doon si Kim at nilapitan ang asawa niya na si Zavier. Tatlong buwan na siyang buntis at alam niya na kapag tumagal pa ay tataba din siya kaya gusto niya na pagkatapos niya manganak o kaya naman maagang magpakasal sina Steffi.


"Hon, mainit na naman ang ulo mo?" tanong ni Zavier kay Kim

"Yung kambal mo kasi--"

"Ssh. Makakasama sa baby kapag lagi kang ganyan. Wag mo na siya intindihin, okay?"

"Sige. Hon, nagugutom na ako. Gusto kong kumain ng madami"

"Akala ko ba ayaw mong tumaba?"

"Dalawa na kaming kumakain ngayon Zavier"

"Sige, ikukuha kita ng makakain"


Naglalakad si Zavier para kumuha ng pagkain nang makasalubong niya sina Steffi.


"Stef, long time, no see" sabi ni Zavier

"You're right, it's been a while Zavier"

"Happy engagement sa inyo"

"Thank you Zavier"

"Sige, ikukuha ko muna ng makakain si Kim. Masama magalit ang buntis"

"Under ka talaga" pangaasar ni ZAC

"Sadyang mahal ko lang ang asawa ko. Ge"


Umalis na doon sina Steffi at bumukod muna sa isang kwarto kung saan silang dalawa lang ang nandoon. Niyaya siya doon ni Steffi dahil masakit na ang paa nito sa suot na sapatos.


"Nagpatulong ka pala kay Kim dito, sinungitan mo pa" sabi ni Steffi

"Kapag hindi ko ginawa yun, dadaldal yun ng dadaldal"

"Nagpasalamat ka na ba sa kanya?"

"Oo naman, matagal na"

"Kailan? Noong humingi ka ng tulong?"

"Oo"

"Hindi ka pa din talaga nagbabago"


*flashback*


"Why are you here?" tanong ni Kim

"Oh" sabi ni ZAC sabay abot ng isang plastic

"What are these?"

"Hindi mo ba muna ako papapasukin"

"Okay, get in"


Pinapasok ni Kim si ZAC sa bahay nilang dalawa ni Zavier. Maliit ang bahay na iyon kung ikukumpara sa mala-mansyon na mga bahay na tinitirhan nila noon pero malaki pa din ang bahay para sa dalawang tao lang.


"What are these?" tanong ulit ni Kim

"Hilaw na mangga. Buntis ka hindi ba?"

"I don't like eating this. I may be pregnant but I still don't eat this kind of fruit"

"Ano bang gusto mong kainin, ibibili kita"


Nagtataka si Kim sa mga ikinikilos ni ZAC dahil hindi naman ito ganito sa kanya.


"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sakin?"

"Buntis ka hindi ba? Pamangkin ko yan"

"Stop joking ZAC. Since when did you care about your family?"

"Ano may gusto ka ba? Baka magbago isip ko"

"Gusto ko ng hinog na mangga pero dalhan mo na lang ako sa susunod na balik mo dito. I know that something is up. What do you want from me ZAC?"

"Wala"

"You wouldn't be here acting nice if you don't need something. Tell me"

"Tulungan mo ako sorpresahin si Steffi"

"Anong sorpresa naman?"

"Magpopropose ako sa kanya at pagkatapos nun, gusto ko deretso na sa engagement party"

"Akala ko ba engaged na kayo?"

"Siya nagpropose noon. Gusto ko, ako naman ngayon"


Tinawanan ni Kim si ZAC.


"Wag ka ngang tumawa dyan. Kung ayaw mo akong tulungan, sa iba na lang ako magpapatulong"

"Sige tutulungan kita. Nakakatawa dahil babae pa ang nagpropose"

"Ang ingay mo"

"Okay, just leave it to me. I will think of ideas and I will call you. Pwede ka na umalis. Alam ko na yan lang naman ang ipinunta mo dito"

"Gusto ko simple lang at magugustuhan niya"

"I know. I'll take care of everything"

"Salamat"

"No problem"


*end of flashback*


"Wala ka na talagang pag-asa na magbago. Papakasalan ko nga ba ang ganitong klaseng lalaki?"

"Subukan mo lang takbuhan ako at hindi kita patatahimikin"

"Magbabago ka din Zyril. Kapag nagkaanak ka na kagaya ni Jico, sigurado ako na babait ka na"

"Bakit napasok sa usapan na to ang gagong yun?"

"Kalimutan mo na dahil mawawala ka lang sa mood. Tara na sa labas, gusto ko na kumain"


Bumalik sila sa labas at umupo malapit sa kung nasaan sina Sean, Kurt at mga girlfriend nila. Agad din naman silang binati ng mga ito.


"Oi Steffi" tawag ni Kurt sa kaibigan

"Best friend"

"Pwede ba wag mo na ako tawagin ng ganyan? Matanda na tayo para dyan"

"Anim na taon lang nakalipas, ganyan ka na. Hindi pa naman tayo masyadong matanda"

"Wag ka na nga maging isip bata. Ikakasal ka na lang, ganyan ka pa"

"Namiss kita"

"Mukha mo"


Itinapat ni Kurt ang kamay niya sa mukha ni Steffu at tinulak niya ang noo nito.


"Kurt naman! Nakakahiya"

"Kami kami lang din naman na mga kaibigan mo ang nandito, nahiya ka pa. Kailan ba ang kasal?"

"Hindi pa namin napaguusapan pero baka matagalan pa"

"November na ngayon, kailan mo pa balak magpakasal?"

"Atat ka masyado. Siguro mga May o June"

"Pre, bigyan mo ako kaagad ng pamangkin ah!" sabi ni Kurt kay ZAC

"Makakaasa ka!" sagot ni ZAC


***


Ilang oras na ang nakakalipas at nagkakatuwaan pa din sila doon. Kasama ni ZAC ang 11SG at nagkekwentuhan sila habang kasama naman ni Steffi sina Kim at ilan sa mga babaeng bisita. Naagaw ang pansin nila ng dalawang taong nahuli ng dating, sina Jico at ang anak nitong si Stephen. Agad na nilapitan ni Jico sina Steffi.


"Excuse me girls. May I borrow Steffi for a while?"


Tumayo si Steffi at sumama kay Jico. Bumukod sila sa lamesa kung saan silang tatlo lang ang nandoon. Iniwan na muna ni Jico si Stephen kay Steffi para kumuha ng pagkain.


"Mommy, I miss you!" sabi ni Stephen at saka yumakap kay Steffi

"How are you my little Jico?"

"I'm still handsome, just like Daddy"

"Kung ano ano na naman ang tinuro sayo ni Jico"

"What did you say Mommy?"

"I said, you're really handsome"


Alam ni Steffi na hindi nakakaintindi ng tagalog si Stephen dahil sinanay nila ito na magsalita ng English simula pa nang matuto itong magsalita.


"Mommy, when will you go home?"

"I don't know Stephen"

"Mommy, you're beautiful and sexy"

"Stephen, what did your Daddy taught you?"

"Daddy said that it's a secret for boys only"

"I'm a boy baby"

"No Monmy, you are called chicks"


Nagulat si Steffi sa mga pinagsasabi ni Stephen. Alam niya na tinuturuan ito ni Jico ng mga kalokohan kaya siya ganun. Pagdating na pagdating ni Jico, hinampas siya kaagad ni Steffi sa balikat.


"Anong problema mo?!" naiinis na tanong ni Jico

"Kung ano ano ang tinuturo mo sa bata na kalokohan"

"Lalaki naman yan kaya ayos lang. Dapat siya matuto sa tatay niya"

"Sana hindi maging kagaya mo si Stephen pagtanda niya"

"Anak ko si Jericho, wag mo ako pakialam"


Natahimik na lang si Steffi at tinulungan na pakainin si Stephen. Matagal niya itong hindi nakita at namiss niya ito.


"Alam ko na namimiss mo na din siya" out of nowhere na sinabe ni Jico

"Jico, ayaw ko na pagusapan ang bagay na ito. Wag dito"

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko na--"

"Jico, wag ngayon"

"Tinawagan niya ako noong nakaraang linggo. Matagal ka na masyado dito at hindi ka na tumatawag sa kanila. Hinahanap ka na nila. Wag mo na hintayin na dumating ang araw na--"

"Alam ko Jico, salamat sa pagpapaalala sakin"

"Congrats pala, ikakasal ka na"

"Salamat, sige babalik na ako doon. Ikaw na ang bahala kay Stephen"


Umalis doon si Steffi at pumunta sa CR. Kinabahan siya dahil sa mga paalala sa kanya ni Jico.


'Hindi pa pwede malaman ni ZAC ang sikreto ko, hindi pa ngayon ang tamang oras' sabi ni Steffi sa sarili niya

---------------

Hanggang dito na muna :) Abangan ang susunod na kabanata. I will update as soon as I can. Please support this too and I hope that you can patiently wait for the updates.

PLEASE SPREAD ABOUT THE NEWS NA MAY BOOK 2 NA :) Madami pa kasi ang hindi nakakaalam.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now