[ 39 ] Brother

9.9K 200 31
                                    

Chapter 39: Brother

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang guluhin sila ni ZAC pero hindi na sila nito ginulo pang muli. Gayunpaman, patuloy pa din na may nagbabantay sa bahay nina Steffi para sa posibleng mangyari sa mga ito.

Kakauwi lang nina Steffi at Jico galing sa isang lakad nila nang Salubungin sila ng bantay sa bahay nila.

"Jico, may ibang tao sa loob ng bahay niyo."

"Ano?! Bakit hindi mo sinabe sa 'kin kaagad?!"

"Sabi mo sa 'kin, wag kitang iistorbohin kung hindi naman important, 'di ba? Kilala mo siya at wala siyang kinalaman sa 11SG."

"Hindi mo pa din dapat siya pinapasok!"

"Kilala siya ng mga bata. Tingnan mo na lang sa loob para malaman mo."

Papasok na sana sa loob ng bahay si Jico pero hinawakan ni Steffi ang kamay niya para pigilan. Napatigil naman ito at lumingon sa kanya. Nakita niya ang worried na expression sa mukha ni Steffi.

"May problema ba, Steffi?"

"Hindi kaya.."

"Hindi kaya ano?"

"Hindi kaya si Eric na 'yon?"

"Ano naman kung siya nga?"

"Hindi pa ako handang harapin siya, Jico. Not now."

"Wala namang pagkakaiba kung ngayon o sa susunod pa natin sabihin sa kanya ang totoo. Masasaktan siya, normal na 'yon."

"Its not that. Its.."

Hinawakan siya ni Jico sa magkabilang balikat.

"Come on, Steffi. Palagi ka na lang namomorblema. Hindi ka pa ba nagsasawa? Mas okay na 'to para matapos na ang lahat. Wag ka masyadong mag-alala sa mga bagay bagay."

"Pero kasi.."

"Nandito naman ako, 'di ba? Sabi ko sa 'yo, hindi kita papabayaan. Palagi naman akong nandito para sumalo sa 'yo, sa mga kalokohan mo. Lagi ko din sinasabe sa 'yo na ako na ang bahala. Let me handle things for you. You don't have anything to worry about, okay?"

Hinawakan ni Jico ang mukha niya at hinalikan siya sa noo. Hinawakan din nito ng mahigpit ang kamay ni Steffi at sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila sa sala si Eric kasama sina Faye at Stephen na naglalaro.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz