[ 36 ] Baby

10.5K 173 28
                                    

Chapter 36: Baby

"Kumain ka ng marami para bumalik kaagad ang lakas mo."

Sinusubuan ni Jico ng pagkain si Steffi pero nagiging mapili ito. Wala itong ganang kumain. Apektado pa din siya sa ginawa niya kay ZAC. Ayaw niya na makipaghiwalay dito pero kailangan niyang gawin 'yon para sa sarili at para sa anak niya.

"Steffi, kumain ka na. Manghihina ka kapag hindi ka kumain. Baka ano pa ang mangyari sa 'yo."

Naalala ni Steffi ang ginawa sa kanya ni ZAC at napahawak siya sa tyan niya.

"Yung baby ko!" nasabi niya.

Napatingin siya kay Jico pero umiwas ito ng tingin.

"Jico, yung baby ko? Kamusta siya?"

Hindi ito sumasagot at tumitingin sa kanya kaya kinabahan siya.

"Jico! Sumagot ka!"

Napailing si Jico. Hinawakan nito ang kamay ni Steffi.

"I'm sorry."

Naiiyak si Steffi. Alam niya na ang ibig sabihin ng salitang 'yon.

"Nakunan ako?"

"Oo, Stef."

Tuluyan na siyang umiyak. Masakit para sa kanya ang pagkawala ng sana ay magiging anak nila ni ZAC. Ito na nga lang ang maiiwan sa kanya sa paghihiwalay nila pero nawala pa ito.

Niyakap ni Jico si Steffi. Mas pinili niya na hindi ito sabihin kaagad kay Steffi dahil kapag nalaman nito ay lalo itong magiging pasaway. Sunod sunod na din kasi ang problema niya at baka hindi nito lalong kayanin kapag nalaman niya pero wala na siyang magagawa ngayon.

"Jico, yung baby ko," umiiyak na sinabe niya.

"Ssh, tahan na."

"Kasalanan ko 'to eh. Naging pabaya ako."

"Wala kang kasalanan sa nangyari. Si ZAC ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Siya ang pumatay ng anak niya."

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now