[ 38 ] Letting Go

9.9K 212 25
                                    

Keep on voting and posting comments guys. Waaaah! Malapit na talaga siya matapos <3 hahaha! tansya ko mga hanggang Chapter 45 siguro or less. Basta hindi siya tataas sa 50 chapters. Abangan ang ending :)

Dahil nga malapit na siyang matapos, may bago na akong story entitled Friend Zone. Sisimulan ko na ipost ang Chapter 1 next week siguro or kapag natapos na 'to. :) Click niyo lang external link or i-type niyo ang link na 'to: http://www.wattpad.com/41635502-friend-zone

Chapter 38: Letting Go

Nagising sina Steffi at Jico nang marinig nila ang malakas na kalabog galing sa gate ng bahay nila. Tila ba paulit ulit itong pinapalo para makagawa ng ingay.

Magkatabi na natutulog ngayon sina Jico, Stephen, Faye at Steffi. Natulog sila sa tabi ng mga anak para makatulog ang mga ito at hindi nila namalayan na pati pala sila ay nakatulog na doon.

"Ano ang ingay na 'yon?" tanong ni Steffi.

"Hindi ko din alam. Bababa ako para silipin."

"Sasama ako."

"No, just stay here."

Walang bantay ngayon ang bahay nina Steffi dahil pinauwi ito ni Jico tutal nandoon naman siya. Sa tuwing wala lang siya, doon niya lang sinisigurado na dapat ay may bantay ang mga ito para kung sakaling may balakin man na masama si ZAC, agad 'yong maaagapan.

Pagsilip ni Jico sa bintana ay nakita niya si ZAC at narinig niya ang mga sigaw nito.

"Steffi! Lumabas ka dyan! Mag-usap tayo!" sigaw nito.

Nagising na din naman ang ilan sa mga katulong na nandoon at nilapitan si Jico.

"Sir, ano pong gagawin namin sa lalaki sa labas?"

"Hayaan niyo lang siya dyan. May magrereport din sa kanya dahil sa ingay niya at paaalisin 'yan dito. Magpahinga na kayo."

Bumalik si Jico sa kwarto at gising na doon sina Faye at Stephen dahil sa ingay.

"Si ZAC, nagwawala sa labas," pagkekwento ni Jico.

"Ano?! Anong ginagawa niya dito ng dis-oras ng gabi?!"

"Mommy, who is that?" tanong ni Faye.

"Your tito ZAC."

Yumakap sa kanya ang anak dahil natakot ito. Natrauma na ito kay ZAC at sa tuwing nababanggit ang pangalan nito sa kanya ay natatakot siya.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now