[ 21 ] Giving

13.5K 243 7
                                    

Click the star icon on the right side to vote :) Labas na silent readers! :)

Chapter 21: Giving

Nang magising si Steffi ay wala na si ZAC sa tabi niya. Magkatabi silang natulog kagabi at masarap ang tulog ni Steffi dahil alam niya na wala na siyang kailangan na isipin pa. Nang tumingin siya sa oras ay alas-otso pa lang ng umaga.

'Ang aga yatang umalis ni ZAC? Parehas kaming nakaleave sa trabaho ah?'

Nang bumangon siya ay may nakita siyang papel sa nightstand kaya kinuha niya yun at binasa.

'Good morning, wife. I love you'

Napangiti doon si Steffi.

'Ano na naman kaya ang naisipan ni Zyril at may ganito na naman siyang pakulo? Kahit na medyo corny, ang sweet pa din. Ang sarap sa feeling makabasa ng ganito pagkagising mo'

Dumeretso siya sa CR para magtoothbrush at maghilamos saka lumabas ng kwarto para hanapin si ZAC. Halos maikot niya na ang bahay pero hindi niya ito makita.

"May hinahanap po ba kayo Ma'am Steffi?"

"Si ZAC?"

"Nako Ma'am, maaga po siyang umalis dito"

"Anong suot niya? Mukha bang papasok sa trabaho?"

"Hindi po. Simpleng pang-alis lang ang suot niya"

"May sinabe ba siya kung saan siya pupunta?"

"Wala po pero may ipinagbilin siya"

"Ano yun?"

"Pakainin daw po namin kayo ng marami. May nakahandang pagkain na po sa lamesa. Si Sir ZAC po ang nagluto nun. Gusto niyo bang initin ko para sa inyo?"

"Ganun ba? Hindi na kailangan. Gutom na din ako kaya kakain na ako. Salamat"

Umupo sa hapag kainan si Steffi at nagsimulang kumain. Napansin niya ang mga katulong na nakatingin lang sa kanya habang kumakain. Madami ang nakahandang pagkain para sa kanya lang kaya may naisip siyang gawin.

"Kumuha kayo ng mga plato at kutsara't tinidor"

"Para kanino po Ma'am Steffi? May bisita po ba? Kailangan ko pa bang magluto"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now