Chapter 32: First Concert

94 0 0
                                    

Madaming ginagawa pero hindi naman masiyadong busy dahil magaan na trabaho lang ang pinapagawa sa akin, yan ang akala ko. Second week ngayong buwan naging mahigpit ang lahat, dumami ang mga gawain, kahit yung mga bagay na hindi dapat gawin ng department namin ayy ginagawa na namin. Sa anong dahilan? Nabalita kase yung sa concert ni Ariana Grande sa manchester yung lalaking naglagay ng bomba dun. Kahit hindi sa pilipinas nangyare yun, gustong manigurado ng mga artists na magcoconcert na hindi na yun mauulit. Isa pa, yung sa Resorts world manila hotel yung lalaking nakapasok na may dalang baril sa casino. Madaming trahedya.


Nakaupo ako ngayon habang pinapakinggan ang lahat ng ito sa boss namin na nagsasalita sa harapan. Lahat ng mga empleyado nakaupo at naka categorized ayon sa kulay ng damit na suot nila. "Britney Spears" sabi ng boss namin, june 15 na ang concert dito ni britney spears at muntikan pang umiba ng agency pero buti napilit na samin na mag sign. Nagsisimula na din yung mga security na icheck yung location at pati ang mga pulis para talagang walang mangyayareng kakaiba. Natapos na ang meeting at bumalik na ang lahat sa sari sarili nilang upuan. 


"Andrea? Come here" Sabi nung photographer. Ang galing ng trabaho niya taga picture ng mga events at nag eedit ng mga videos. Lumapit ako sakanya at tumayo sa tapat niya, nakatingin lang sa sa mga speaker at mga cd.


"Po?" sabi ko at hinawi niya ang buhok niya, may long hair siya sa gilid ng mukha niya. Kinuha niya ang pitaka sa bulsa niya at may inabot siya sa aking pera "Para saan po ito?" tanong ko at kinuhaan niya muna ng litrato yung mga cd na nakalapag sa gilid ng speaker "Bilhin mo lahat ng mga album ni britney spears, magpasama ka na lang sa driver para mabilis then ipang kain mo nalang yang sukli" tinignan ko ang binigay niya sa aking pera, 5,000! ang dami neto para lang sa mga album 5,000! Nagimula na ako lumabas ng building at nagpasama sa driver ng company namin.


"Kuya meron po bang mga bilihan ng mga cd dito?" pagkatingin ko kay kuya hindi siya nagsasalita, si kuya naman nasa kotse lang nakashades pa "Kuya punta tayo dun ah sa bilihan ng cd ha? Maraming salamat" nakangiting sabi ko at umupo na kaso hindi pa din siya gumagalaw. 


Mga five minutes na akong nakaupo at hindi pa din gumagalaw si kuya nakakainis naman tong si kuya! pooot~~ HALA! NAUTOT AKO! ambaho! grabe ambaho naman ng utot ko. Si kuya wala pa ding reaksyon. Ano na kuya? Lumabas muna ako ng sasakyan kase ang baho ng utot ko hehe. Tapos maya maya pa pumasok na ulit ako "KUYAAAA!!!" sigaw ko at bigla siyang nagulat at nataranta. Alam ko na, natutulog pala tong si kuya


"Mam, ano po yun? kanina pa po ba kayo andiyan?" tarantang tanong niya at halatang antok na antok siya. 9am palang naman.


"Hindi naman po, kakadating ko lang. Gulat na gulat naman po kayo jan"


"Pasensya na po mam" sabi ni kuyang driver at inayos niya na mukha at upo niya


"Joke lang kuya! haha may alam po ba kayong bilihan ng mga cd dito yung mga sa music?" tanong ko at umupo na ulit sa loob.


"Opo sa music store, 30 minutes from here po ang biyahe" 


"Sige nga po, punta po tayo dun" nakangiting sabi ko kay kuya. Nagsimula ng umandar ang sasakyan. At nagpatugtog din siya.

 Ang ganda ng pinapatugtog ni kuya, nakaka relax at parang ang gwapo ng boses pang chill chill, bagay ipatugtog kapag nasa biyahe. "Kuya, anong kanta po yan?" Tanong ko sakanya at inayos inayos niya muna ang seatbelt niya bago siya nagsalita.

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon